Chapter 22: Surrender

19.1K 287 2
                                    

Nagising akong nagtataka dahil puting kisame agad ang bumungad sa akin. Alam kong wala ako sa apartment ko dahil hindi pamilyar ang lugar. Nakahiga ako sa puting kama na nasa loob ng puting silid, sa itsura palang napagtanto ko ng nasa kwarto ako ng isang ospital.

Ang nakapagtataka nga lang ay hindi ko alam kung bakit nandito ako. Ang huli kong natatandaan ay nasa harap ng apartment ko kami ni Rustin at biglang dumilim ang paligid ko.

"Gising ka na pala." Natigil ang pag-iisip ko ng may isang taong pumasok dito.

Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses ay nakita kong si Rustin ito at kakasarado lang ng pinto ng kwarto. Hindi ko narinig ang pagbukas nito dahil na rin siguro sa malalim na pag-iisip.

"Bakit nandito ako?" Tanong ko.

Nakita ko na may isang supot ng pagkain siyang dala at ilang prutas. Nilagay niya muna ito sa isang maliit na mesa na nasa gilid lang ng kama ko bago umupo sa isang bangko at hinarap ako.

"You fainted last night. I was so worried and I rushed you to the hospital. The doctor said you're okay and you lost consiousness because of exhaustion and stress. Are you feeling better now?" Mahaba niyang paliwanag.

Kung kagabi lang ay punung-puno ng lungkot at hinanakit ang mata niya, ngayon naman ay napalitan ito ng pag-aalala. Bakas din sa itsura niya ang pagod, siguro ay hindi siya natulog kagabi at binantayan lang ako.

Hindi ako nakatiis at hinaplos ko ang ibaba ng kanyang mga matang nangingitim. Nagulat siya sa ginawa ko pero nakabawi naman ng pagkabigla at hinayaan akong haplusin ang kanyang gwapong mukha.

"I'm okay. Ikaw, nakatulog ka ba? Lumalaki na ang eyebags mo." Saad ko habang hawak pa rin ang pisngi niya.

Para na akong loka-loka sa pinaggagawa ko. Kagabi lang pinagtutulakan ko siya pero ngayon may nalalaman pa talaga akong pahaplos-haplos. Hindi ko naman mabawi ang kamay ko at parang kumportable siya sa lugar kung saan siya nakahawak.

"I'm feeling better just now because of you." Sagot niya habang nakangiti nang bahagya.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahaplos sa pisngi niya at hinalikan ito ng dalawang beses bago tumayo sa kinauupuan.

"You need to eat. Sabi ng doctor marahil ay hindi ka rin kumakain sa tamang oras kaya madali kang napapagod. I bought already our breakfast baka kasi ayaw mo ng hospital food." Saad niya habang nilalabas sa supot ang naka-styrofoam na agahan.

Kumain na rin ako kasabay niya gaya ng sabi niya. Susubuan niya pa sana ako pero tumanggi na ako dahil hindi naman ako baldado para hindi makakain mag-isa. Kapansin-pansin ang malakas niyang pagkain, tingin ko ay gutom na gutom na siya. Nagbalat din siya ng orange at pinakain sa akin. Sabi niya kailangan ko ng maraming vitamin C para hindi raw lapitin ng sakit.

"I'll just go to the cashier to pay for the bill. Sabi ng doctor mo pwede na tayong umuwi mamayang tanghali." Paalam niya sa akin matapos kumain at pag-inom ko ng gamot.

"Dala mo ba ang bag ko?" Tanong ko.

Nakakahiya naman kung siya yung magbabayad ng bill ko sa ospital. Sapat na dinala niya ako rito at yung libreng almusal.

"I left it in my car. I'll pay, Zareen. Don't stress yourself about it. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ka nahimatay." Yun lang ang sinabi niya at agad ng lumabas ng kwarto at hindi na ako hinayaan na makipagtalo pa.

Tama rin naman siya sa bagay na 'yon. Kaya ako pagod at stress nitong nagdaan dahil sa kanya pero hindi naman nangangahulugan na 100% na siya yung may sala. Kasalanan ko rin dahil ako yung nagpabaya sa kalusugan ko. Iniisip ko rin na hindi magandang pakinggan na gagasto siya ng pera para sa akin dahil hindi naman kami mag-asawa pero alam ko naman na hindi niya talaga ako hahayaan kaya wala na rin akong nagawa at pumayag sa huli.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now