Epilogue

26.9K 452 38
                                    

RESTRICTED


Pagkatapos ng reception ay dumeritso kami sa bahay niya I mean, namin pala. Masyadong boy scout kasi ang mister ko. Limang araw palang ang nakalilipas nang malaman niyang buntis ako ay bumili agad siya ng bahay sa isang exclusive village.

Pansamantala lang daw naman dahil magpapagawa talaga siya ng dream house namin. Kung ako ay okay lang naman na ang bahay na nabili niya, malaki na rin naman ang tatlong kwarto at isang kwarto sa unang palapag para sa katiwala. Pero gusto niya talaga magpagawa pa ng mas malaki dahil balak niyang bumuo ng malaking pamilya.

Napagkasunduan namin na hanggang apat ang magiging anak namin. Humirit pa nga ng anim pero hindi na ako pumayag at wala naman siyang magagawa kasi ako ang magbubuntis at manganganak. Okay lang naman ang apat sa akin. Noong bata nga ako ay naiinggit ako sa iba na may maraming kapatid, dalawa lang kasi kami ni Zach.

"Ay butiki!!!" Hiyaw ko nang buhatin ako ni Rustin pagkababa na pagkababa namin sa kotse.

Tumawa lang siya habang naglalakad. Hindi ko maiwasang mahiya dahil alam kong nakita kami ng driver. Nang lingunin ko ang kalsada ay nakaalis na pala ito. Wala akong ideya kung saan dadalhin ang kotse pero pinagpasalamat ko na hindi na niya kami dinistorbo. Ako na talaga ang malandi!

"Babe, ibaba mo na ako." Utos ko sa kanya.

Tinungo niya ako habang may malawak na ngiti sa labi na abot hanggang mata ang sayang makikita.

"I like it everytime you call me with our endearment. I hope you call me that often now that we're married, babe."

"Asawa na kita. Hindi na ako mahihiyang tawagin kang gano'n kasi akin ka na talaga. Pero syempre pag tayong dalawa lang." Nakangiti kong sabi habang hinigpitan ang kapit sa may leeg niya.

Kinintalan niya ako ng isang halik sa noo bago binuksan ang pinto papasok ng bahay gamit lang ang isang kamay na naka-alalay sa may ibabang bahagi ng aking balikat.

Ang alam ko ay hindi naman ako gano'n kagaan para madali lang niyang buksan at isirado ang pinto habang buhat pa rin ako pero nagawa niya 'yon ng walang kahirap-hirap.

"Hep! Hep! Hep! Ibaba mo muna ako at baka matisod ka paakyat. Si baby." Pigil ko nang aakyat na sana siyang buhat pa rin ako.

"Sorry, I got carried away." Saad niya habang maingat niya akong binaba.

"Okay lang. Masyado ka naman kasing excited."

"Who wouldn't? It's our first night being husband and wife." Aniya na mukhang nagtatampo.

Agad akong lumapit para yakapin siya. Alam ko naman na pinakahihintay niya ang araw na ito. Tinanong niya pa talaga sa doktor ko kung pwede pa ba naming gawin yun. At ang laking tuwa niya nang malamang okay pa.

Sinagot niya naman ang yakap ko at binigyan ng mga halik ang aking ulo.

"Halika na?" Nakangiti kong anyaya at hinawakan ang kanang kamay niya at inakay paakyat ng hagdan.

Biglang lumapad ang ngiti niya at nagpatiuna na sa pag-akyat kaya ako na yung inaakay niya papuntang kwarto.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Alam ko naman kasi na malaki ang expectation niya ngayong una naming gabi mag-asawa. He told me that the first time we did it, he was a little bit hesitant that made him not giving his 100% performance. Medyo nakakailang 'yong topic na 'yon pero kailangan naman talagang pag-usapan ang gano'ng bagay lalo pa at ikakasal na kami, at ngayon nga ay legal ng mag-asawa.

"I'll just get a shower in the other room, babe. You take your shower, too." Paalam niya nang makapasok kami sa aming silid at kumuha ng bagong tuwalya bago lumabas na.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now