Chapter 6: Goodbye, Tagaytay

19.3K 321 7
                                    

Busangot ang mukha ko ng pumasok ng building. Kagagaling ko lang sa coffee shop sa gilid para bilhin ang kape ng mahal na prinsipe.

"Ma'am Zareen, parang hindi yata maganda ang araw niyo ngayon?" Bati sa akin ni mang Ronald nang papasok na ako. Nahalata niya din siguro ang foul mood ko.

"Hindi talaga maganda ang araw ko ngayon, mang Ronald, minsan kasi kahit masaya tayong gumising may mga taong gustong manira nito. Sige, akyat na muna ako at baka lumamig tong kape." Naglakad na ako pagkatapos.

Nakakapanggigil talaga sa kaepalan ang lalaking yun. Sana ngayon nag-aayos nalang ako ng gamit para makapag-undertime. Pero heto ako at ibinibili siya ng kape kahit na ang layo nito sa job description ko.

Kung hindi lang ganun ka-macho 'yun, iisipin ko talaga na bakla siya at hindi niya trip ang aking ganda. May ganun naman talagang mga bakla, yung tipong wala ka namang ginagawang masaman sa kanila ay ayaw na nila agad sa iyo una palang. Parang si Erick lang at Luis, claiming na may bitch radar daw silang mga binabae.

Nang nasa harap na ako ng pinto ni yabang ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok. This is it.

"Come in." Rinig kong sagot sa loob.

Pinihit ko ang sirado habang nagtitimpi na hindi siya sigawan dahil sa inis.

"Sir, nandito na ho ang pinabibili niyong kape." Bungad ko.

Mula sa pagkakayuko ay nagtaas naman siya ng tingin. Ganda talaga ng mata niya. Ano ka ba Zareen? Walang maganda sa lalaking 'yan. Palala ko sa sarili.

Lumapit naman ako at nilapag ang kape sa kanyang mesa.

"Thank you, you may leave." Sabi niya at bumalik muli sa pagbabasa.

Aba'y sinuswerte! Anong akala niya, hindi ko pababayaran yung nagasto ko?

"Excuse me lang, sir, pera ko po kasi pinangbili niyan." Mahinahon ko paring saad.

Bigla naman siyang nagkunot ng noo.

Siya pa talaga ang galit? Siya nga yung mangungutong sa akin na mas hamak na mayaman, siya pa ngayon ang may ganang sumama ang mukha at magalit?

"One thirty lang po ang bili ko niyan." Sabi ko nang maglapag siya ng five hundred sa harap ko.

"Keep the change." Sabi niya at nagsimula ng sumimsim sa kape niya.

Kung ibuhos ko kaya yang kape sa mukha mo para mabawasan yang gandang lalaki mo?

Kaysa makipagtalo pa ay minabuti ko nalang kumuha ng pera sa loob ng wallet ko. Baka ka ko wala siyang sukli kaya nagbibigay siya ng buo.

"What is this?" Taka niyang tanong nang ilapag ko ang three hundred fifty malapit sa kanya.

"Sukli niyo ho, sir. Hindi po ako tumatanggap ng tip dahil hindi naman ako yung barista. Kulang nga lang ho 'yan ng bente pesos, wala po kasi akong coins na dala." Sabi ko at kinuha na ang limang daan niya.

Hindi naman siya kumibo, nakatitig lang siya sa pera na nilapag ko. Ano kayang iniisip ng lalaking 'to?

"Kung wala na ho kayong iuutos, sir, una na ho ako." Paalam ko sa kanya.

Parang dun lang din naman siya natauhan.

"Okay, salamat, Ms. Almonte. I'll just call when I need something." Sabi niya na nagpapanting ng tenga ko.

Anong tatawag siya pag may kailangan? At may balak pa talaga siyang ulitin 'to.

Galing sa pagkakatalikod ay muli ko siyang hinarap. Kung kanina ay hindi ako nagtanong tungkol dito kahit na kating-kati na ang dila ko pero dahil sa sinabi niyang 'yun ay gusto ko na siyang diretsahin ng tanong.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now