Chapter 18: All Along

16.8K 270 2
                                    

Ano raw???

Nang sandaling iyon ay parang umikot nang mabilis ang mundo ko. Tumahimik ang paligid at tanging mabilis na tibok ng puso ko ang tangi kong naririnig. Nag-blur ang palagid at ang aking paningin ay naka-focus lang kay Rustin na tanging malinaw ng sandaling 'yon, parang camera lang na naka-focus mode.

"H-ha ha ha h-ha.." Hilaw kong tawa.

Para akong baliw sa paraan ng pagtawa ko pero mas may baliw pa bang pakinggan sa sinabing niyang nagseselos siya?

"A-alam mo, sir hindi ka magaling na komedyante pero pwede na rin, napatawa mo ako eh. Sige ho, mauna na ako sa loob." Kinakabahan kong saad habang may pilit na ngiti.

Pagkatapos ng sinabi kong 'yun ay agad akong naglakad paalis ngunit mga ilang hakbang ng lampasan ko siya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso. Malakas ang kapit niya kaya medyo masakit. Hinila niya ako kaya nagkaharap kaming dalawa.

"I didn't say that to make you laugh, Zareen. I told you I'm jealous 'coz I am. I like you, I like you a lot. And I think I'm already falling." Seryoso niyang pahayag.

Hindi ko kinaya ang intensidad ng mga titig niya kaya nagbaba ako ng tingin. Kung hindi ko lang talaga alam ang binabalak niya sa akin na pagpapa-ibig kuno ay malamang na naniwala ako sa kanya. Hindi ko inakala na may kagaya niyang kaya magtunog sinsero sa kabila ng pagsisinungaling. Mabuti na nga lang at alam ko ang binabalak niya kundi matagal na akong nahulog sa kanyang bitag.

Binawi ko ang braso ko sa kanyang pagkakahawak, lahat yata ng lakas ko binuhos ko dun para magawa ko lang. Umatras ako ng dalawang hakbang para malayo sa kanya. Kailangan ko 'yun para magkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang gusto ko na di ko magawang masabi pag malapit ako sa kanya.

"Sorry, si-"

"Rustin." May diin niyang sabi nang pinutol ang pagsasalita ko.

"Rustin, oo nga Rustin. Sorry ha pero di mo ako mapapaniwala sa mga pinagsasabi mo. Gusto mo ako? Hahaha nagpapatawa ka talaga. Akalain mo 'yun may gusto kang ibang babae kahit ikakasal ka na sa iba. At gusto mo talaga akong maniwala sa'yo? Sorry pero hindi ako yung klase ng babae na madali lang mauto-uto. I-try niyo po kaya sa iba ang panlolokong 'yan baka effective pa." Tuluy-tuloy kong saad habang di pa ako nawawalan ng lakas ng loob.

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Marahil ay frustated siya at hindi niya ako ganun kadaling napaniwala.

"For Pete's sake, Zareen, I'm finally telling you what I really feel and you'll just say that it's hard to believe? Yes, I'm engaged but it's an arranged marriage. I don't love or even like Isabel. I'm expecting you to not believe me right away but making fun of my confession is another thing." Inis niyang saad.

Siya pa talaga ang may karapatang mainis? Ako pa talaga ang pinag-mumukha niyang masama dahil sa pagtawa ko?

Bakit? Bakit sa kagaya niya pa ako nahulog? Wala naman siyang ginawang kakaiba kaysa ibang lalaki pero bakit siya pa yung minahal ko? Kapalaran ko ba talagang magmahal ng lalaking manloloko at siyang mananakit sa akin ng ganito? Grabe namang parusa ito.

Oo, tempting ang confession niya. Pwede namang kahit alam ko na kasinungalingan lang ang sinasabi niya ay maari ko pa ring sabayan siya at maki-ayon. Pwede naman na kahit panandalian ay hayaan ko ang sarili ko na maging masaya sa piling niya. Maramdaman ang yakap at halik niya, na sabihing mahal ko rin siya. Pero hindi ko hahayaan na maging bobo, mas pakikinggan ko ang utak ko kaysa puso. Oo, pwede akong maging masaya pero sa huli ako rin naman ang masasaktan ng husto. At yun ang hindi ko gustong mangyari.

"Bravo!!!! Ang galing mo." Saad ko habang pumapalakpak.

Naramdaman ko ang unang pagtulo ng aking luha. Hindi ko na mapigilan ang mapaiyak dahil masakit. Sobrang sakit ng ganito. Kailangan kong maging tama kahit ang gusto ng puso ko ay yung mali.

Stay Away (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat