Chapter 21: I Want You

18.5K 269 8
                                    

Pagkarating ko sa apartment ay agad akong dumiretso sa banyo. Nang tumingin ako sa salamin ay nakita kong mugtung-mugto na aking mata sa kakaiyak.

Hindi ko rin maintindihan sarili ko pero iyak lang ako nang iyak habang lulan ng taxi. Napansin ko nga na binilisan talaga ni manong ang pagmamaneho na tila ba nakikiramay sa pag-iyak ko at tulad ko ay gusto na ring makauwi ako.

"Bakit ka ba iyak nang iyak ha, Zareen? Feeling mo nasa MMK na ang buhay mo para magdrama ng ganyan? Na-inlove ka lang naging iyakin ka na." Tanong at pangaral ko sa sarili habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin.

"Nababaliw na yata talaga ako." Napapailing kong saad.

Ang hirap naman ng ganito. Oo at hindi na problema yung paghihiganti niya sana sa akin dahil mababaw ang dahilan nun pero hindi naman nangangahulugan na pwede na kami. At ang mas masakit ay alam kong totoo ang sinabi niyang nahuhulog na siya sa akin. Ramdam ko yun nang mag-usap kami sa park, ramdam ko kung gaano ka totoo ang bawat pagbigkas niya ng mga salita, kita ko sa mga mata niya, kita ko na totoo siya.

Pinili ko yung dapat dahil alam ko naman na hindi tamang maging kami. Hindi tama na mahalin ko siya, hindi tama na magustuhan niya ako at kahit kailan hindi magiging tama na magkaroon kami ng relasyon. Dahil hindi kami bagay, kailanman hindi magiging bagay ang isang mahirap na tulad ko sa kagaya niyang mayaman.

Wala naman akong Cinderella syndrome para isipin na pwede, na pwedeng magkaroon ng happy ending ang dalawang taong malayo ang agwat sa buhay. Iisipin lang ng ibang tao na isa akong gold-digger kung sakali at ayaw ko 'yon, ayaw kong bigyan ng kahihiyan ang mga magulang ko. Pinalaki nila ako nang maayos at may prinsipyo kaya hindi ko kailanman pinangarap na bigyan sila ng problema kung saka-sakali.

At isa pa ikakasal na siya, sa kasamaang palad hindi ko pa man siya mahal ay alam kung nakalaan na siya para sa iba. Bakit kaya ganun ang puso ng tao? Kahit alam na nilang hindi pwede, hala sige pa rin nang sige. Iyan tuloy sakit lang ang nakukuha sa huli.

Tama nga sila, pag ang isang tao nagmahal ay marami siyang malalaman sa sarili na 'di niya alam noon. Ngayon kasi nalaman kong martyr pala ako. Akalain mo 'yun, ang isang tulad ko na punung-puno ng kumpiyansa sa sarili ay martyr pala. Dahil kahit pwede naman akong maging makasarili at piliin si Rustin ay hindi ko ginawa. Ayaw kong mapahamak siya kung saka-sakaling piliin niya ako kaysa kay Isabel. Mahal ko siya kaya ayaw kung pagsisihan niya pagdating ng panahon na pinili niya ako. Ayaw ko siyang mahirapan. Ayaw ko siyang masaktan.

Nang pagod na ako sa kakaiyak ay minabuti ko ng maghilamos para maibsan ang hapdi ng mata ko. Nang matapos ay nagtungo ako agad sa aking kwarto, wala na akong balak mag-marathon ng nakakaiyak na pelikula, kanina pa ako iyak nang iyak baka ma-dehydrate na nga ako.

Humiga ako at agad na ipinikit ang namumugto kong mga mata, tingin ko ay makakatulog ako na hindi na siya maiisip. Pagod ako, pagod ang katawan pati ang utak ko.

__________


Nagising akong masakit ang ulo, hindi talaga maganda ang umiinom. Nang tignan ko ang orasan sa gilid ng kama ay nakita kong alas-singko palang ng umaga. Mabuti na rin na nagising ako ng maaga para may oras pa akong lagyan ng yelo ang namamaga kong mga mata.

Uminom agad ako ng gamot para sa sakit ng ulo at kailangan ko ng pumasok. Maraming nakatambak na trabaho ngayon dahil naging abala kami ng nagdaang buwan para sa anibersaryo ng RGC lalo pa at may bagong produkto ngayon na kailangan ipakilala sa market.

Alas-syete y medya nang handa na ako para sa pagpasok. Mabuti nalang talaga at hindi ako coding dahil kung nagkataon ay mas sasakit ang ulo ko sa pagku-commute.

Stay Away (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora