Chapter 23: Good Night, Good Morning

17.9K 266 6
                                    

Kanina pa nakauwi si Rustin at kahit alas diyes na ng gabi ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko kasi makalimutan ang paghalik niya sa akin kanina. It's my first time for Pete's sake kaya naman parang tuod lang ako at hindi makagalaw. Hindi rin naman gumalaw yung labi niya, nakalapat lang talaga siya ng mga ilang segundo.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buo kong mukha pagkatapos nun habang siya ay hindi man lang nababakasan ng pagkailang at malawak pang nakangiti. Ewan ko ba ng mga oras na 'yon, pakiramdam ko unang beses akong nagka-boyfriend. Hanggang sa kumain at nagpaalam siya ay hindi pa rin mawaglit sa isip ko yung halik niya kaya imbes na magtagal siya ay pinili niyang umuwi ng maaga. Akala niya kasi ay pagod pa ako at gusto ng magpahinga dahil hindi ako gaanong nagsasalita, kung alam niya lang talaga.

"Bakit hindi ka naman nagti-text o tumatawag?" Tanong ko habang nakatingin sa cellphone.

Bago kasi siya umalis ay pinalitan niya ang pangalan niya sa contacts ko, from Sir Rustin to My Babe <3 at imbes na ma-kornihan ay kinilig pa ako sa ginawa niya. Binago niya rin ang pangalan ko sa cellphone niya katulad ng ginawa niya sa contacts ko at sinabing tatawag siya.

Baka napagod at nakatulog agad? Kawawa naman ang babe ko. Shocks!!!! Kinikilig akesh!!!

Nakaka-teenager sa pakiramdam ang paggamit ng endearment pero kinikilig ako tuwing iisipin ko at babanggitin ko kahit sa isip lang. Sana naman makayanan namin kung may pagsubok man na darating. Sana tama ang desisyon kong sumugal sa relasyon na ito.

Dahil sa tingin ko'y hindi na siya tatawag ay naisipan ko ng matulog na at kailangang maaga pa ako bukas sa trabaho. Bumangon na ako para uminom na muna ng tubig, gawain ko kasing uminom ng isang basong tubig pag tutulog na.

Nasa harap na ako ng mini-ref ko at nagsasalin ng tubig nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Dali-dali kong binalik ang pitchel at sinarado ang ref at patakbong tinungo ang kwarto.

Nakangiting kinuha ko ito mula sa lamesa sa gilid ng kama. Nakita ko pang naka-ilaw ang screen nito at may notification na nakatanggap ako ng isang mensahe.

Nang binuksan ko ito ay nakita kong galing ang mensahe kay Rustin.

[Still awake?]

Hindi na muna agad ako nag-reply at baka isipin niya na hinihintay ko talaga na kontakin niya ako.

[Oo. Kaw ba't gising ka pa rin?] Reply ko.

Ang bilis niya, ni wala pang sampung segundo ay may reply na agad siya. Hindi naman halatang excited siya. Kinikilig na naman ako.

[I'll call you.]

Kakabasa ko palang ng reply niya ay agad na siyang tumawag.

[Hello?] Sagot ko.

Narinig ko siyang huminga nang malalim bago sumagot.

[I miss you.] Malumanay niyang saad.

Dahil nasa kwarto ako at mag-isa at hindi niya naman nakikita ay malaya akong gumulung-gulong sa kama dahil sa kilig. Gusto kong tumili pero hindi naman pwede dahil malalaman niya kaya kinagat ko nalang ang unan ko para magpigil.

[Babe?] Tanong niya ng matagal ako bago nakasagot.

I composed myself first and took a deep breath before answering.

[Kanina lang tayo magkasama, miss agad?] Nakangiti kong sagot.

[I miss you all the time, babe. Wala sa tagal ng oras 'yan.] Sinsero niyang sabi.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now