Chapter 13: Falling

17.1K 305 11
                                    

Isang linggo na rin matapos ang retreat sa Tagaytay. Akala ko pag nakauwi na kami ay babalik na ako sa normal pero mali ako. Hindi naman sa naging abnormal ako pero pansin ko ang pagka-unusual ng kilos ko, napapansin na nga ito ng mga kaibigan ko at lagi silang nagtatanong pero wala lang naman ang sinasagot ko.

Balik na rin sa normal ang paglalakad ko dahil hindi naman ganun kalala ang pilay na tinamo ko pero nagpa-flats pa rin ako, iniiwasan ko kasing magsuot ng sapatos na may mahahabang takong at baka pumalya pa ulit.

Kumpara noong nalaman ko ang balak ni Rustin at inumpisahan kong umiwas ay mas matindi naman ang ginagawang pag-iwas ko nang makabalik na kami sa trabaho. Sumasakay lang ako sa elevator tuwing alam ko na sa oras na 'yon ay imposibleng nandun siya, tuwing papasok naman ako sa umaga at natanaw ko siyang naghihintay sa harap ng elevator ay nilalakad ko nalang ang hagdan at pag nakarating na sa fifth floor ay sasakay dahil alam kong lagpas na siya. Hindi na rin ako nagsi-CR sa cafeteria at baka maulit ang pagsasalubong namin dun. Sa kabutihang palad naman ay successful ang ginagawa kong pag-iwas.

"Zareen, sasabay ka sa lunch?" Tanong ni Menchu.

"Hindi na muna. Mamayang alas-dos nalang ako kakain at marami pa akong tatapusin. Brunch din naman yung kinain ko kanina." Sagot ko.

"Okay, lakad na kami." Paalam niya.

Pinili kong hindi sumabay sa kanila dahil nga sa dami ng ginagawa ko. Fourth quarter of the year na kasi kaya maraming tinatapos, samahan pa na nitong mga nakaraang araw ay lutang ako kaya hindi ako gaanong naging productive.

Naging masama na talaga si Rustin sa kalusugan ko. Maliban sa nagkaka problema na ang tibok ng puso ko pag nariyan siya ay hindi pa ako makatulog nang maayos sa gabi. And worst, ang haggard ko ng tignan dahil sa lumalaki kong eyebags.

Pinuwersa ko ang sarili ko sa pagwaglit sa isipan tungkol sa kanya at kailangan ko na talagang matapos para makakain na.

Alas dos y medya na nang natapos ko na rin sa wakas lahat ng paper works ko.

"Aray!" Daing ko.

Dahil sa haba nang pagkakaupo ko ay sumakit ang bewang ko.

"Roselle, pag may maghanap sa akin pakisabi na nag-break muna ako." Paalam ko kay Roselle nang makita ko siya, yung table kasi niya ang pinakamalapit sa aking opisina.

"Okay po, ma'am Zareen." Sagot niya na nakangiti.

"Ngayon ka pa kakain?" Tanong ni Luis nang makasalubong ko siya.

"Oo, ngayon lang din kasi ako natapos. Sige, baba muna ako at nagwewelga na ang mga bulate sa tiyan ko." Natatawa kong sagot.

Agad din akong lumakad muli at nagtungo sa elevator. Alam kong wala ng kanin at ulam na tinda sa cafeteria dahil nga fast lunch na kaya minabuti kong sa fastfood nalang kumain, may McDo kasi na walking distance lang mula sa company.

"Good afternoon. May I take your order, ma'am?"

"Two piece chicken at paki-upgrade ng drink sa coke float at pahingi na rin ng tubig." Nakangiti kong sagot sa crew.

"Dine-in or take-out?" Tanong nito.

Malamang na dine-in, alangan naman na humingi ako ng tubig tapos iti-take out ko lang din? Pero hindi ko nalang siya sinagot nang pabalang dahil protocol din naman ng trabaho niya.

"Dine-in." Nakangiti ko pa ring sagot.

Naging mabilis naman ang pag-order ko dahil konti lang ang tao dahil alas dos na nga pasado.

"Enjoy your meal, ma'am."

"Thank you."

Sa sulok ng kainan ko naman napiling pumwesto, yung malapit sa salamin at kita ang daan. Inumpisahan ko na rin na papakin ang manok sa harap ko. Two piece chicken talaga dahil nga gutom ako, ang konti pa naman ng rice dito kaya kulang na kulang kung one piece lang.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now