Chapter 17: Jealous

17.8K 357 2
                                    

"Ang bongga ha! Black and white masquerade talaga ang tema ng party sa susunod na linggo?" Komento ni Luis nang sinabi namin ang theme ng anniversary party ng Razon Group of Companies.

Absent kasi siya kahapon kaya ngayon niya pa nalaman.

Nasa cafeteria kami at pinag-uusapan ang nalalapit na pagdiriwang. Dalawang buwan din kaming busy dahil sa nalalapit na event at sa linggo na nga magaganap ang party na taun-taong ginagawa.

"Kasura naman 'yan! Bakit ngayon pa nila sinabi na pinalitan pala ang theme? Ang hirap pa naman maghanap ng damit tapos isang linggo lang ang palugit." Reklamo ni Brenda na nakabusangot ang mukha.

Unang napag-desisyunan na ballroom party ang theme pero dahil marami ang ayaw ay pinalitan nalang. Buti na nga lang at hindi pa ako nakakapaghanap ng damit.

Hindi nagtagal ay nauwi sa paghahanap ng pwedeng susuotin ang aming usapan.

"Ikaw, Zareen, may damit ka na bang napili?" Tanong sa akin ni Menchu.

"Wala pa nga eh. Pero black yung gusto ko." Sagot ko.

"Mag-black nga talaga kayo, girls para hindi halata ang fats." Saad ni Erick na patawa-tawa.

"Ang kapal ha! Wala naman fats na dapat ko itago, bruha to." Tugon ko sabay irap sa bakla.

At gaya ng parating nangyayari ay nauwi na naman sa bangayan ang usapan namin. Nakikinig lang ako at natatawa tuwing may banat ang mga bakla at si Menchu. Busy din ako sa pag-iisip kung bibili ba ako o rirenta nalang ng damit.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay nakita ko na naglalakad si Jerome palapit sa mesa namin. Nakita ko naman na nasa likod niyo si Leilith na may kasabay na babaeng katrabaho sa paglalakad .

Nang makita siya ng mga kaibigan ko ay agad siyang binati ng mga ito. Nakita ko rin na sumunod ng lakad papalapit si Leilith at nagpatiuna na ang kasama niya patungo sa mesa na kadalasan nilang inuukupa.

"Hi, Zareen." Masiglang bati sa akin ni Leilith.

Nakita ko na napalingon si Jerome kay Leilith at bahagyang napangiti. Tinamaan ng magaling ang lolo niyo.

"Blooming yata tayo ngayon ah? Upo ka muna." Anyaya ko sa kanya at umurong para bigyan siya ng espasyo.

Napagkwentuhan namin ni Leilith ang susuotin niya sa gaganaping party. Habang si Jerome naman ay kausap ang iba kong kaibigan. Halata mo na magkasundung-magkasundo ang kaibigan ko at si Jerome pero si Leilith ay medyo naiilang pa at ako lang ang kinakauusap. Kinakausap naman siya minsan ni Bridgette pero ang tipid niyang sumagot, halata mong mahiyain.

Ganunpaman ay hinayaan ko lang na mag-adjust siya sa pakikipag-usap sa amin. Alam ko naman na kalaunan ay magiging kumportable na siya sa amin lahat at mas magiging masalita rin siya katagalan gaya nalang sa nangyari kay Menchu.

"C.R. muna ako, maiwan muna kita diyan." Paalam ko sa kanya sa gitna ng aming kwentuhan.

"Samahan na kita." Offer niya.

"Okay lang?" Tanong ko.

"Oo, okay lang magsi-C.R. din ako." Sagot niya.

Nagpaalam ako sa kanila at sabay na kaming pumunta ng banyo ni Leilith. Mas mabuti nga siguro para naman matanong ko siya tungkol sa kanila ni Jerome. Kakahiya naman kung tatanungin ko siya ng ganun dun sa mesa habang naroon din si Jerome.

Agad akong pumasok sa cubicle dahil ihing-ihi na talaga ako. Pagkatapos magbanyo ay naabutan ko si Leilith na naghuhugas ng kamay sa may sink. Lumapit na ako sa kanya at naghugas na rin ng kamay.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now