Chapter 40: I Do

18.2K 243 14
                                    

Nakahawak ako sa maliit na umbok sa aking tiyan habang pinagmamasdan ang babaeng mala-dyosa sa ganda sa harap ng vanity mirror.

"Ang ganda niyong bride, ma'am." Nakangiting saad ng baklang make-up artist sa akin habang nakatingin din sa repleksyon ko sa salamin.

"Salamat." Nakangiti kong saad.

Gusto ko sanang sabihin na 'I know, right' pero pinili nalang na magpasalamat. Wala akong panahon na yabangan siya dahil malaki ang pasalamat ko sa galing niyang magmake-up. Sigurado akong matutuwa nito ang groom ko.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nalaman na noon pa man ay nagtagpo na ang aming landas. Masyado pala talagang makapangyarihan ang destiny. Kung kayo talaga ay gagawa ito ng kahit anong paraan para muli kayong magtagpo ng taong nakalaan para sa'yo. At sa akin nga ay si Rustin 'yon.

Dalawang buwan lang ang nakalipas mula nang mag-propose siya sa akin at mabilisan lahat ang preperasyon. He hired the best wedding organizer in the country to make it possible. Hindi niya pa ako natatanong kung magpapakasal ba ako sa kanya ay nasimulan na pala ang paghahanda para rito dahil kahit huminde raw ako ay ki-kidnapin niya ako at sapilitang ipapakasal sa kanya. Baliw ang isang 'yon eh, baliw sa akin.

Pareho kaming napalingon ni Freda, ang make-up artist na Freddie ang totoong pangalan sa may pinto nang bumukas ito. Iniluwa nito ang bestfriend kong si Charmaine na siya ring maid of honor ko.

"Tapos na?" Tanong niya kay Freda.

"Tapos na." Sagot naman nito na may kasamang thumbs up.

Nakita kong tapos na rin si Charmaine at nakapagbihis na. Galing siya sa kabilang kwarto ng hotel kung saan nandun din ang mga bridesmaid na nag-aayos, mas higit na malaki ang kwartong yun para magkasya silang lahat.

Umalis na rin si Freda at iniwan kaming dalawa ni Charmaine para sa pagbibihis ko ng aking traje de boda.

"Ang ganda naman ng bestfriend ko." Nakangiting sabi niya nang makalapit sa kinaroroonan ko.

"Syempre, kailan ba pumangit 'tong bestfriend mo?" Natatawa kong saad.

"No'ng hiniwalayan mo si Rustin, remember? Ang haggard mo kaya no'n." Aniya.

"Hala, grabe siya. Haggard lang pero hindi pangit. Ang totoong ganda kahit stress lumilitaw pa rin."

"Ewan ko sa'yo, Zareen. Kahit buntis ka di ka pa rin nagbabago." Napapailing na saad niya. "Pero infairness, pregnancy suits you, mas naging maganda ka at blooming." Dagdag niya.

"Salamat. At salamat din kay baby dahil hindi niya hinahayaan na pumangit si mama." Nakangiti kong saad at yumuko para silipin ang maliit na umbok ng aking tiyan.

Lumapit na kaming dalawa sa queen size bed na nilatagan ng aking aking susuotin. Si Sissy Manalo ang gumawa ng aking traje de boda. Nalaman kasi ni Rustin na gustung-gusto kong makapagsuot ng gawa nito kaya do'n niya naisipang ipagawa ang mga damit na gagamitin sa kasal. Balak ko sanang ako ang magbayad sa sarili kong susuotin since halos lahat ng gastos sa kasal namin ay sagot niya, pero nagpumilit siyang siya na ang bahala sa lahat dahil ayaw niya akong ma-stress sa paghahanda ng kasal lalo pa't buntis ako. Pinagtalunan pa nga namin ang bagay na 'yon, gusto ko lang naman kasi mabawasan kahit papano ang gastos niya dahil napakalaki nito kasi pina-rush niya lahat ang pagpapagawa.

Gusto niya kasing makasal na kami ura-urada. Sumang-ayon din naman ako sa gusto niya dahil pangit nga naman tignan kung magmumukhang nakalunok ako ng pakwan sa laki ng tiyan. At least three months pa ang tiyan ko at hindi pa gaanong halata at maganda rin ang disenyo ng gown, hindi mo mahahalata na buntis pala ako.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now