Chapter 1 - Marie

6.4K 181 4
                                    

~Marie's P.O.V~

"Gising na Marie! Tagal ah?! Ayan kasi eh, ang tagal matulog! Tignan natin yang eyebags mo. Malilintikan ka talaga sakin pag lumaki yan!" rinig kong sigaw ni nanay sa ibaba.

"Ihh! Nay maya na po, 5 minutes lang gising nako tapos wala na po ang malulusog na eyebags pramis!" sabi ko ng pasigaw syempre kasi pag mahina di maririnig ni nanay diba? Nasa baba siya eh.

"Hmm! Ang sarap! Ang bango ng bacon!" pagpapainggit ni nanay mula sa baba, kailan naging mabango ang bacon aber? Diba masarap lang yun? Bababa na nga! 'Tong si nanay kase napaka O.A. may painggit-inggit factor pa.

"OPO! BABABA NA!" sigaw ko.

"GALIT KA BA?" sigaw ni nanay.

"HINDI HO! BAKIT?"

"BA'T SUMISIGAW KA?"

"AY! NARIRINIG NIYO PO PALA YUNG BULONG KO?" sabi ko ng pasigaw parin nung nasa baba na ko.

"Ikaw talagang bata ka! Ang kulit!"

"HINDI PO AKO MAKULIT! SADYANG GUTOM LA--" napatigil ako sa pagsigaw nang makita ko na may dalang walis si nanay, ang laki ah! May general cleaning ba? Ba't naman di ako nainform.

(〒﹏〒)

"Halika dito anak." sabi ni nanay na medyo mahina. Uh-oh.

"NAY! AYOKO MAGLINIS! MALA LATE AKO SA SCHOOL!" sabi ko na pasigaw ulit, nakikita kong napipikon na si nanay kaya nagsimula na akong humakbang.

"WAG MO AKONG SISIGAWAN! HALIKA DITO! GIVE ME THE BOOTY!" sigaw ni nanay. NOT THE BOOTY!

(╯°□°)╯

"Nay joke lang naman po eh! Ang lakas lakas kasi ng boses niyo! Nakaka-irita sa umaga, ganda pa naman ng beauty sleep ko." sabi ko. Napipikon na talaga si nanay! Laahhh!

"I SAID GIVE ME THE BOOTY!"

"AYOKO NAY! Gusto ko na kumain, huhu ༎ຶ‿༎ຶ" iyak ko para makalusot sa palo.

"Gutom ka na ba talaga anak?" tanong ni nanay na kalmado na.

"Opo hehe." Best in Acting kaya ako sa classroom namin. Wag na kayo magulo.

"Sige anak kain kana. Na-carried away lang." sabi ni nanay. Yes! Effective kay nanay! Sabi na eh!

"Okay lang po yun." sabi ko at tumakbo sa lamesa at kumain, hindi man lang ako umupo kasi gutom na talaga ako kaya ayun sa lamesa nalang ako umupo, mahaba lamesa namin eh. Di naman siguro 'to masisira kasi maliit akong babae.

"Marie! Where are your manners?" tanong ni nanay habang nakapameywang.

"Nasa utak ko pa po nay. Lalabas po sya pagkatapos ko kumain. ^_^" sabi ko ng pabiro.

"Marie!" tawag ni nanay habang nagliligpit ako.

"Po?"

"Maligo kana! Kababae mong tao ang dugyot mo." tawa ni nanay. Ay grabe siya oh. Bully (ᗒᗩᗕ)

Naligo na ako at mabangong mabango na, pero hindi pa dun nagtatapos ang storya. Kumuha ako ng pagkain sa ref at inilagay sa bag, as in madaming madami, isang plastic ng pagkain. Gutom kaya ako lagi, mahirap na pag palaging bumibili madaming tao sa cafeteria tsaka mga prinsesa at prinsipe, maiinggit lang ako. Charot. Hindi ako inggitera ah, slight lang hehe.

"Nay tutuloy na po ako! Malalate ako eh!" pamamaalam ko.

"Sige anak." sabi ni nanay at hinatid ako sa labas ng bahay.

"Sige po nay! Love you!" sabi ko at nagbless na kay nanay. Magalang kaya ang mga taga Coreaceana 'no.

Siya ang aking nanay (malamang) na si Greta Maerin. And syempre ako ang maganda niyang anak (charot!) na si Marie Maerin. Nakatira lang kami sa village ng Coreaceana dahil Noni-Gifteda lang kami or yung mga taong walang kapangyarihan. Most of the gifteds ay nakatira sa loob ng mga palasyo. Ordinaryo lang naman kasi ako. Pumapasok rin ako sa Blionidity Academy. Which is a school for all students na may powers o wala. College narin ako, around 2nd year na. Sa 1st year ko dun wala akong nakilalang friends maski isa. I'm contented na lonely ako basta ba't makapag-aral ay ayos na. Hindi ko lang alam kung ano ang mangyayari sakin ngayon. Ang ibang gifteds ay tumatanda ang age pero ang appearance ay hindi, pinakamagandang pangyayari talaga yun ng gifteds when they reach 18-19 dahil hindi na magbabago ang kanilang itsura. Sana ganyan nalang din ako 'no?

*****

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now