Chapter 43 - Meet Katangahan (By Esthena)

605 18 0
                                    

Four updates of the day my dear Zies! Pasensya di na ako nakapag ud masyado. Nasa ibang lugar lang. Pero anyways eto na siya! Enjoy!

Vote

Comment

Share

Para po masaya! 😍😍






~Marie's P.O.V~

Natapos ang sigalot at nagsibalikan na ang iba sa dorms nila. Cancelled ang klase dahil sa mga nangyari. Marami ring nagibang istruktura ang mga alagad ni Dark pero ito ay maaagapan din namin ni Ate Kath.

"Yung garden doon Lav, nasira." sabi ni Cav.

Nagteleport ako sa garden at nakaka-awa itong tignan. Puro naputol na tanim at patay na mga dahon ang tumambad sakin.

Inayos ko ang mga ito gamit ang aking kapangyarihan. Ngayon ay maayos na ito at maganda na.

"Good Job." ngiti niya at ginantihan ko naman ng matamis kong ngiti.

Nagteleport na kami sa entrance at maayos na ulit tignan ang academy. Kagaya na ng dati.

"This was just a stressful day!" reklamo ni Henny habang papalapit samin.

"Okay kalang Hen?" alok ni Michael ng bottle of water kay Henny.

"Yah! I'm fine! Thank You!" sabi nito at tinanggap ang tubig.

"Wow, naman nahiya kami sa inyo. Aalis naba kami?" panunukso ni Esthena.

"Che!" nagsitawanan ang lahat. Ika' nga naman nila kung may Dilim may Liwanag.

"Uwi na tayo?" alok ko sa kanila.

"Sige!"

"Boys, pwede kayo bumisita sa amin. Magluluto ako" alok ko ulit. Alam ko kasing napagod yan sila.

"Yun oh!"

"Okay! 5:00 pm at our dorm. Ate Kath sama kana kay Kuya."

"Yeah! Sure I will. So, tara na?"

"Tara!" nagsibalikan na kami sa dorms namin at bagsak naman kami agad sa rooms. Tutal 10:00 palang eh umidlip na muna ako.

"Marie! Bigyan mo ako ng hustisya! Si Darkishena!"

"Marie, tulungan mo ako. Please."

"Marie! Marie! Tulong!" sigaw ng isang babae sa aking gilid.

"Ikaw ba iyan Jennalyn?"

"Ako nga. Tulongan moko."

"Ha?"

"Marie. Lavender. Marie. Lavender." paulit ulit nuyang sambit sa aking ngalan.

"Marie!" sigaw ng mga mukha sa akin.

Bigla akong napabangon kaya nagkauntugan kami ni Henny.

"Hello!? Careful???!!"

"Buti naman at gising kana. It's already 4:00 pm. Ang haba ng tulog mo plus nagsasalita ka mag-isa dito so we decided na puntahan at gisingin ka."

"Oh, sorry. Magluluto nako." sambit ko at bababa na sana ng magsalita si Esthena.

"Si Jennalyn ba yung napanaginipan mo?"

"Oo. Ilang beses ko na siyang napapaniginipan eh, humihingi ng hustisya. "

"Alam mo, sabi ng Lola ko na kapag nanaginip ka daw ng isang mahal mo sa buhay na nanghihingi ng hustisya it means na patay na ito. Or maybe malapit na."

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now