Chapter 4 - Jennalyn

4.2K 112 5
                                    

~Marie's P.O.V~

"Nay, tulog na po ako, may klase pa kasi bukas eh." pamamaalam ko kay nanay habang pumapanik sa taas.

"Sige anak. Good Night." 

"Good night nay." sabi ko, antok na antok na talaga ako sa totoo lang.

"Good Night sa lahat." nagdasal ako at di kalauna'y natulog narin.

-MORNING-

"Anak! Gising na, andito kaibigan mo oh!" sigaw ni nanay sa ibaba. Huh? May kaibigan ako? Teka, sino? First time ata 'to?

"Opo, andyan na!" bumaba ako at nakita ang isang babaeng nakaupo sa mahaba naming white couch.

"Hi Marie!" pagsasalita nito at kumaway.

"Umm hi?" nagtataka kong sabi.

"Ah! Ako nga pala si Jennalyn, actually hindi mo pa ako kilala pero ikaw kilala na kita. Hehe, pero ano ah! Di ako stalker. Friendly lang ako kaya ganun." ngumiti ito. Napaka-amo ng mukha niya. Maputi, matangakad at tsaka fit yung katawan niya. Unlike me, tiga tenga niya nga lang ako eh. Wag niyo na laitin height ko.  =,=

"Ay! Hehe, sa mukha mong yan, stalker? Teka lang, kumain kana ba?"

"Hindi pa." hala wala pa siyang kain?

"Kain ka muna kaya? Matagal pa ako eh." I offered her.

"Okay lang di naman ako gutom eh, kaya ko pa naman." ngumiti ito sakin.

"Sige ligo muna ako ha? Magmamadali ako." sabi ko at tumakbo papuntang taas at naligo na.

*****

Hay, andito nanaman kami sa school. Napaka-boring, puro batuhan ng papel lang ata ang ginagawa ng mga estudyante eh. Para bang walang buhay. Ang mga estudyante walang--hindi ko na natuloy ang iniisip ko ng may bumato sakin. Aba'y? hindi ito papel kundi bato. Now, guess what? ang lalaking nambato sakin ay ang siga at walang magawa sa buhay kundi magbulakbol ata sa magulang niya.

"WAHAHA!" tawa nya adik ba u koya?

"Hoy! Lalaking ewan! Tigil tigilan mo nga ang pangbabato! Kung ikaw kaya batuhin ko? Tapang tapang mo eh. Suntukan nalang oh!" lakas loob kong sabi.

"Hoy babaeng maliit! Kung ayoko?" sigaw niya at bumelat. Sira ata 'to eh. Gusto ng suntukan.

"Ugh!" inilagay ko ang kamay ko malapit sa kanya para sana bumwelo ngunit iba ang nangyari.  Tumilapon lang naman-- WAIT?! TUMILAPON SIYA? BAKIT? ANONG NANGYARI? AKO BA MAY GAWA NUN!?

"Hala? Pano nya nagawa yun?" bulong ng isang tao sa hallway.

"Gosh! Ang siga pa naman yung natamaan!" sabi ng isa pa. Dami talagang chismosa sa BA. Sarap iuntog eh.

"Ako ba may gawa nun?" tanong ko. Sabay silang nagsigawan na 'OO' hala teka, akala ata nila isang gifteda lang sila. Hello, hindi po ako bingi!

"Ugh, ang sakit ng likod ko. HOY BABAENG MALIIT! WAG MOKO SASAKTAN SORRY NA!" 

"Hindi ko naman sinasadya eh..." nagtanguan kami sa isa't isa at naglakad na kami ni Jennalyn. Lahat ng tao umiiwas sakin. Except kay Jenna na katabi ko ngayon habang naglalakad kami papuntang classroom.

"Marie? Okay ka lang?" tanong sakin ni Jenna.

"Ah, oo. Halika pasok na tayo." I swallowed my talkativeness and kept quiet.

"Dito ka nalang Marie oh." Jenna offered me a chair na katabi lang niya. Ang bait niya talaga di ko keri.

Tumango nalang ako at umupo. Medyo sumasakit ang ulo ko e.

"Okay ka lang?" tanong ni Jenna.

"Y-yeah, I'm fine."

Hindi ko na kinaya ang ulo ko dahil ang bigat-bigat talaga. Nauntog ako sa armchair at pinikit ang mga mata ko.

~Jennalyn's P.O.V~

Nauntog si Marie sa armchair niya kaya tumunog. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Marie?" inalog ko ito ngunit hindi parin siya gumigising.

Dinala ko siya sa clinic at nandun siya nakahiga ng parang lantang gulay. Di kalaunan, pumasok ang isang lalake. May katangkaran at kaputian. Familiar siya infairness.

Teka, ito yung siga eh!

"Bakit ka andito ha?" 

"Para bisitahin yang kaibigan mo." sabi nito at yumuko. 

"Weh? At bakit?" di ko napigilan magtanong.

"May problema? Aangal?" he leaned forward. One inch nalang ang layo ng mga mukha namin. Naamoy ko na ang hininga niya. It smells like strawberry. Shocks, nakakailang!

"O-oo! bi-binato mo siya kanina eh d-diba?" nauutal ako ano ba yan!

"Andito nga ako para mag sorry, wait- why are you blushing?" lumayo ako. 

"Ah ganun ba? O sige. Tsaka mainit lang talaga dito sa clinic 'no. 'To talaga he-hehaha?" I smiled awkwardly at tumalikod. Mga bes di ko kinaya ang atmosphere.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now