Chapter 40 - The Dinner (1)

660 21 0
                                    

~Marie's P.O.V~

Nasa pinakatuktok kami ngayon ng isang bukid. Ang peaceful ng hangin dito at parang bumubulong siya sayo. Teka, may sinasabi nga yung hangin.

'Goodluck. Sa inyong 10 dapat ikaw ang mamumuno dahil ikaw ang richest princess at nasa iyo lahat ng kapangyarihang ginawa. Wag ipagsabi ngunit pangalagaan.'

Tumango naman ako.

"May bumulong ba sa inyo guys?" tanong agad ni Esthena. Tumango naman kami.

"Bumulong ang init sa akin. " sabay na sabi ni Ate Kath and Kuya Lexter.

"Akin naman ay ang simoy ng tubig" sabi naman ni Isabela.

"Ang lupain ay marahang gumalaw at ibig na ako'y sabihan. " sabay na sabi nina Ivan at Michael, woah sabay pa talaga ah! What an achievement.

"Init." cold na sabi ni Ron.

"Bumulong sakin yung tenga ko." sabi ni Henny. Teka, bumubulong yung tenga?

"Shade." Joshua.

Napakaweirdo talaga nitong mga kapangyarihan ng barkada ko, haha.

"Anong bulong?" tanong naming siyam pwera kay Cav na nakapokerface na animo'y walang pakialam sa mundong ginagalawan niya.

"Bawal sabihin." sabay na sabi naming 9. Okay ang weirdo na namin, pinaninindigan na namin yun.

Nagpahinga kami sandali bago umuwi at naglakad lakad sa bukid. May mga hayop naman kaming nadadaanan, normal naman siya. Gubat parin, may mga puno. San ka ba kasi nakakita ng gubat na puro building?

Biro lang naman, just want to lighten up the mood eh kasi tong mga kasama ko nakakailang, ang tahimik. Kapag naman mag-iingay ako eh papatahimikin nila ako.

"Uh--SHHH!" kita niyo na huhu.

15 na minuto kaming naglakad at ang tahimik masyado.

"Whu! Nakabalik rin."

"Bakit ba kasi bawal mag-ingay!?" Pambabasag ko sa kasiyahan nila.

"Ganto kasi yan. Noong unang panahon ang mga ninuno namin dito sa Terrashen ay mga pasaway. Maingay, bantot, at hindi nagtutulungan. Pinamumunuan ito ni Lolo Kip na ngayon ay namumuhay na ng 300 taon dito sa dimension. Kaming mga Earth manipulator ay hindi basta bastang namamatay dahil sa gulang kagaya ninyo or to be specific tayong mga hindi pangkaraniwang tao. Ang iba ay pumapasok diyan sa gubat na maingay at di na nakakalabas ng buhay kaya hanggang ngayon ay walang nag-iingay diyan." Tapos kinilabutan ako. Sooo, ganyan pala. Stupid.

"Ba't naman kasi di niyo sinabi. Tsk. O sha! Tara na nga!" utos ko at baka mapagalitan kami dito, mahirap na malapit lang kami dito sa forest.

Nakarating kami sa arrival area, este sa palasyo nila Ivan para kumain. Yipieee pagkain!

"Ladies First!" bigla naman kaming binigyan ng way ng boys.

"Asus! You only say yan eh, para...para..."

"Para ano Henny?"

"A-e uhmm. Wala! Tara na nga! Psh." hala mood swings.

"Okay tara na." pumasok naman kami sa palasyo at hmm? Yung mukha eh parang sa Wateria lang na palasyo as in palasyo lang talaga pero kulay brown.

"Oh! There you are Ivan! The lunch is ready and hello there Isabela my future daughter! Sige na go there na! Shoo!" bigla namang namula dun si Isabela.

"Mom! Hayy. Pasensya na kayo kay Mama guys hyper lang talaga yan." sabi ni Ivan at nakita ang mama niya na kanina pa kumakaway saming lahat.

"Introduce them first Ivan Gerald, yung 3 magagandang di namin kilala ng Mommy mo." utos ng hari ng Terrashen.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now