Chapter 52 - Back to Normal

520 13 0
                                    

~Marie's P.O.V~

It's about 6 pm ng nakauwi ang mga babae. Malamang nandun sila sa mga boyfriend kuno nila.

"Hi! Ah-eh. Sorry natagalan kami. Gutom kana?" di ba halata?

"San kayo pumunta? Sa dorm nanaman nila?" tanong ko.

"Ah, oo." tahimik kaming kumain at pagkatapos ay umakyat nako sa kwarto ko. A few minutes later ay may kumatok. Pumasok siya mag-isa niya.

"Hey." psh.

"What."

"What if I tell you na nagsinungaling si Grayson sayo?"

"What if wala akong pakialam?"

"Tsk. You know what. Ang stubborn stubborn mo. You pretend that you're not affected but deep inside you are. Hindi ka affected diba? Pero bakit ka ganyan? You always show your new side. Your side na wala sayo noon. You are jolly, happy, jolly, happy. See? I can't even describe you something that is not jolly and happy. Tell me, where did you learn that huh? You started being mean to us since the end, palagi ka nalang 'ayoko', 'wala akong pake', 'k', but you know what? Masakit sa loob namin na you changed yourself."

"Then what."

"My god! Can't you get it or sadyang slow kalang? Do you think ganun siya kababaw? Susuko lang ng basta basta in an unspecified chuchu reason? Ang problema sayo ayaw mo makinig. Walkout ka ng walkout sa isang topic na importante, kaya ayan!" nangyari na din 'to dati. Nung kay Ate Jane.

"Ano ba? Pwede straightforward na?" tanong ko. Sa totoo lang sapul sakin yung sinasabi niya.

"He lied Ash! He lied! My gracious sanity! Ikaw dapat ang nakakaintindi niyan because you two are so much closer than us! You hangout and alam mo kung anong di mo gets? Ang pagiging assuming mo. Do you think ganun ganun lang? MAKINIG KA HA! WAG YUNG PADALOS DALOS KA SA ISANG PROBLEMA NA HINDI MO ALAM KUNG ANO BA TALAGA ANG TOTOONG RASON!"

"Then tell me."

"I am not in the position to tell you." tumulo na ang luha ni Henny. And with that my heart started breaking.

Kinain kami ng katahimikan. I thought of everything na nagawa ko. Simula nung pagiging cold, pagtataboy at pagta-trashtalk ko.

"Did I really change that much Henny?" tumango ito. "I... I'm sorrry for being so mean to you all. Tama ka pinapakita kong hindi ako affected pero ang totoo I am still affected. I'm sorry if I changed." umiyak nadin ako. "He hurt me so much Henny. My heart and love for him shattered. My ego broke. My dignity as a future queen disappeared."

"I'm sorry too for not telling you what I have observed. Ayan tuloy umabot ka pa dyan, but hey, I think you and Grayson should talk." she said.

"I think I'm not ready."

"Papaabutin paba natin to sa birthday mo? Alam mo dapat masaya ka. Nag-aantay kaya yung tao sayo sa garden. Yiee kilig na yan." suminghot ito. Eww kadiri naman nito huhu.

"Kilig kilig ka dyan. Alam mo dun ka sa cr sinisipon kana sumisinghot kapa sa harap ko. Kadiri ka!" sabi ko at suminghot. Well I guess di lang pala si Henny ang sinisipon.

"Eww! You tooooooo!" tumakbo siya sa CR at kumuha ng tubig. Tinalsikan niya ako. Ang ginawa ko ay kumuha din ng tubig at binuhos sa kanya. Wahahaha! Panalo ako!

Pumasok ang dalawang babae at nagkatinginan kami ni Henny. Malamang alam na namin ang gagawin namin.

"Ba't ganyan kayo makatitig?" tanong nila.

Binuhos kaagad namin ang isang balde sa dalawa at nagulat sila. Pfft, yung mga reaksyon nila.

"Alam niyong Water Manipulator ako diba? Hehe." ngumisi si Isabela. Uh-oh. Ginamit niya ang powers niya at kumuha ng halos isang drum na tubig. Kaya kami ni Henny ay nagteleport palabas. Narinig pa nga namin sila na nagsabing 'Bumalik kayo rito!'

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now