Special Chapter

912 22 6
                                    

Special chapter itech. Haha. Special chap po muna tayooo. Huhu I miss writing KOC. Enjoy reading Zies!

~Marie's P.O.V~

Hello. Namiss ko kayo kahit hindi niyo ako namiss. Haha, drama ko ba? Sorna.

"Queen Lavender? Nakahanda na po ang ballroom. May gusto pa po ba kayong ipadagdag?" tanong ng isang katulong.

"Wala na po! Salamat." narinig ko ang mga hakbang niya pababa ng main stairway kaya nagbihis narin ako ng simpleng gown lang naman. Off-shoulder ito at kulay puti. A-styled ang gown kaya medyo nakikita yung paanan ko. I wore my white flat shoes and my precious black cape para maitago ang buhok kong kayumanggi na siguradong makikilala ng lahat.

The 10 of us agreed na hindi magsuot ng crowns para hindi kami makilala kaagad. At dahil by default ang pagsuot ng gown dito sa Coreaceana sinabi rin namin na dapat simple lang pero elegant.

Nagteleport na ako papunta sa paboritong restaurant naming magbabarkada, ang "Coreaceana's Best". Dito rin kami kumakain madalas.

Nakita ko silang lahat na nakaupo, I am sure na sila yun dahil nakacape pa sila.

You're probably wondering why we're hiding. Grounded kasi kaming lahat. Haha. Ewan ko ba dyan kila Mom and Dad, hindi naman talaga kami gumawa ng mabigat na kasalanan.

Binaha ng water manipulators yung plaza.

Ginawa ng ice manipulators na skating rink yung plaza.

Tinunaw ng fire manipulators yung plaza.

At higit sa lahat, hinangin namin ang buong plaza pagkatapos ng skating namin. Ayun wala ng puno.

Pero diba okay lang naman yun? Utang na loob pa samin yung paglilinis e. Sa sobrang linis, wala ng mga puno, halaman at hayop. Ang galing!

Okay grabe yung ginawa namin inaamin ko na. Pero naman kasi, nakakabagot na sa palasyo. Hindi naman sa hindi ko sinusunod yung mga magulang ko, pero mga Reyna na kami at Hari ng palasyo namin. Hindi na princesa o prinsipe kaya malaya na kaming gawin ang gusto namin. Okay maybe some. Yung hindi pa Reyna ay si Henny at ate Kath. Yung mga hindi pa hari ay si kuya at Michael.

"Sa wakas nakarating ka rin bruha." bati ni Henny sa akin.

Ako? Reyna na ako ng Coreaceana. Si Cav? Hari ng Denria. Si Isabela? Reyna ng Wateria. Si Ivan naman Hari ng Terrashen. Habang si Esthena ang Reyna ng Aereshen. Si Joshua naman ang hari ng Light Kingdom.

Actually bago pa yung Light Kingdom eh. After mawala ni Darkishena sa Coreaceana dinevelop ni Joshua yung kaharian ng mama niya. Ginawa niyang Light. Bongga diba?

"Hey Lav." my Calvin greeted me with a kiss in the cheek. Sweet niya 'no? Hihi mainggit kayo. Charot!

"Mabuti at dumating ka madam? Antagal mo infairness." ayan na naman po ang forever mainipin Esthena.

"Mag-order na tayo para makakain. Tsaka wag tayong magmadali. Nakapagclone naman siguro kayo diba?"

⊙.☉

Oh my goodness.

"Hindi!" sigaw naming lahat.

"What? Akala ko ba plano yun?" dagdag pa ulit ni Ivan.

"Hala hala, bilisan natin."

*TUUUUUUUUUUUUUUUUUUUT*

Patay.

"Ang warning horn yun! Alam na nilang tumakas tayo!" pabulong na sigaw ni Michael. Huh? Ano yung bulong na sigaw kamo?

"Kayo naman kasi eh! Akala ko ba plano yun?" sisi ni Kuya sa amin.

"Hoy Lexter John wag ka nga dyan! Damay damay tayo lahat! Ginusto natin 'to!" sigaw ni Ate Kath.

Nagsitayuan ang mga Gifteds sa restaurant. Buti hindi pa nila kami nakikilala dahil sa cape.

"Excuse me pwedeng pakitanggal ng mga kapa niyo? Nawawala kasi ang Royals." patay. Patay! Anong gagawin!?

"Ah-eh pasensya na po sir. Hindi kasi namin pwede tanggalin ang kapa namin, baka maexpose yung sakit namin sa balat. Magkakapatid po kasi kami lahat kaya we share the same disease. Tsaka yung Royals po ba kamo? Ang papasaway talaga. May nakita po kaming mga grupo ng kabataan doon sa kabilang dako ng highway. Mga naka-korona po sila e." sabi ni Kuya. Teka tama ba? Iniba kasi boses.

"Ganun ba? Hehe sige. Salamat." ani nito at unti unting lumayo na animo'y nandidiri.

"Nice catch, babe. Uwi na tayo, alibi darlings!" sabi ni Ate Kath at nagteleport. Sumunod narin kami. Agad akong nakapagbihis.

"Wala pa ba ang Reyna!? Tignan niyo at baka nasa kwarto lamang!" narinig kong sigaw ng kalalakihan sa baba. Sana gumana!

Nagtago ako at may tinapon na bagay sa kalaliman ng canopy bed ko. Masyado itong malayo.

They barged into my door. It's showtime.

"Queen! Queen!" kunwari ay lumabas ako sa ilalim ng kama ko. Dinungisan ko pa ang nga kamay at mukha ko para magmukhang totoo.

"Yes?"

"Nako mahal na Reyna andyan lang po pala kayo! San kayo nanggaling?" nagkibit-balikat ako. Patay malisya kunwari.

"Uh? Inaabot ko yung teddy bear ko sa sulok ng canopy bed. Sorry hindi ko kayo narinig nakaheadset kasi ako. Bakit? Anong nangyayari?" tanong ko.

"Mawalang galang na mahal na Reyna ngunit hinanap namin kayo sa kwarto ninyo kanina ngunit wala talaga kayo kahit saan." patay pano 'to?

"A-ah! Ayun ba? Ah! Hehehe! Masyado kasi akong tutok sa paghahanap nung teddy bear ko. Nagpapraktis akong magtago sa pamamagitan ng invisibility. Yung kumbaga walang makakanotice ng existence ko? Magaling ba? Hehe." ngumiti ako.

"Ah opo mahal na Reyna. Punong maestro! Andito ang reyna sa kanyang kwarto!"

"Hay nako mahal na Reyna! Saan po ba kayo nanggaling? Alalang alala ang mga magulang ninyo."

"Ah sorry, nagpapractice kasi ako."

"Maayos na ba kayo mahal na Reyna?" tumango ako kaagad. Nagbow sila at nagpaalam na lalabas ng kwarto para bawiin ang statement nila.

Muntik na ah! Ano kayang rason ng mga kaibigan ko? Lalo na si Henny at Kuya. Nasa iisang bubong pa naman kami. Haha.

Nagvideo call kaming lahat and luckily we managed to escape through the art of hiding. Bongga! Mga priceless pa nga yung rason nila kesa sakin e.

Puro kami nakaheadset at invisible. Yung iba nasa bathtub daw. Nasa ceiling nagmemeditate. Nasa ref daw nagtago, nasa balkonahe at tumalon sa swimming pool pabalik balik.

Anong klaseng kabobohan 'tong ginagawa namin?

Hays, ang masasabi ko lang talaga? We are one as a team pero kanya kanya na pag takas ang usapan.

Mga baliw talaga. Tss.

*****

Special chapter 2 will be published soon. Hehe. Happy 4k reads! Sana magcontinue pa yung support niyo dito sa first story ko.

Tapos na ako mag-edit at hindi ko na ulit ieedit yung KOC. Enjoy the special chapter!

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now