Chapter 45 - The Second and Third Attempt

525 15 0
                                    

~Grayson's P.O.V~

Nakabalik na kami sa dorm at nanuod ng tv tutal maaga pa naman.

"Alam niyo, ang ganda talaga ni Labe 'no?" ang we-weird ng call sign. Psh.

"Baduy niyo bro!" kontra ni Joshua.

"Bahala na basta meron." at nag-daydream pa ang baduy.

"Etong si Grayson maganda ang call sign nila ni Lavender. Lav at Cav! LavCav. Oh diba? Ang original niyo."

Tumango lang ako. Nakakatamad kaya magsalita. Besides we aren't pets, what call signs do they mean. Tss.

"Ang sipag mo talaga magsalita bro! Idol na kita." katulad ng kanina ay tinanguan ko lang si Michael.

"Gutom ako." sambit ni Ivan.

"Palagi ka namang gutom eh." sambit ni Joshua.

Hinayaan ko lang sila na mag-usap dahil tinatamad ang bibig ko.

"Cav!" nabigla ako sa sinabi ni Ivan kaya tumingin ako sa kanila na nasa kusina at pinanliitan ko sila ng mata.

"Hala nagalit!"

"Ah-eh pasensya na sinubukan lang." tinuon ko ang pansin ko sa tv at hinayaan na sila. Pero bago yun I heated their water. "Ah! A-tay ma-matakit yung dela ko! Eh-Ewon naman eh! Hagbibiro hang kami! Ang hinet!"

Napatawa nalang ako sa pinagsasasabi nitong mga tukmol nato.

We felt presence in the room pero hindi na namin yun pinansin, sa halip we continued our own businesses. It could've been just our minds.

Nanonood lang ako ng movie ng may bumato sakin.

"What the! What was that for!?" tanong ko pero ni isa ay walang sumagot.

On the second time may bumato nanaman sakin.

"Stop what you're doing right now." malamig kong tugon at tumigil sila sa pagkain.

The third time may bumato nanaman sakin kaya nagliyab ako at nasunog ang mga magazine sa tabi ko.

"WHAT ARE YOU DOING!?"

"Anong sinasabi mo bro? Wala kaming ginagawa sayo ah. Nagkwekwentuhan kami dito." well it's not them so who is it then?

"Darkishena."

"Took you a minute to find out Princes. Di kagaya ng Princesses na nafeel nila kaagad ako." sabi nito at naglakad lakad palapit samin dahil nasa stairs siya.

I suddenly felt anger.

"Anong ginawa mo sa kanila! Hayop ka!" sigaw ko.

"I feel offended! Well. Di naman sila nasaktan. Sa katunayan ako yung nasaktan nila. I just want their powers pero ayaw nila ibigay. That's why I showed them my strength. And oh, sweetie I'm not an animal, I'm a Queen." ngumiti pa talaga siya! Mabuti at di nasaktan si Lav kundi mag-aapoy ang Dark Kingdom. I will eventually do that.

"Mabuti nalang talaga at wala kang nasaktan ni sino sa mga babae! Kundi nako, binabalaan kita Darkishena mga importante ang mga babaeng 'yan samin. Mamamatay ka, I swear pag nasaktan mo sila." malamig na tugon ni Ivan.

Biglang nawala ang kuryente at nalock lahat ng posibleng malabasan.

"Oh. Dapat na ba ako matakot Ivan?"

"H-how did you know my name?"

"Connections."

May pinakita siyang clip galing sa powers niya at nandun ang Queen and King ng Terrashen, nakagapos.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon