Chapter 7 - History

3.1K 92 3
                                    

~Marie's P.O.V~

"Nay! Nay! Nanay!" sigaw ko mula sa kwarto when I noticed na naka uniform pa ako. Shoot! Malalate nako!

"Bakit Anak?" tanong ni nanay. Bat ba wala akong maalala? Parang amnesia. Kapag inaalala ko naman sumasakit ang ulo ko. "Aalis kana ba? Teka kuma--" sabi ni nanay na pinutol ko.

"NAY, NAGTELEPORT AKO! TSAKA PINATILAPON KO DAW YUNG SIGA!"

"Ano? Sure ka ba dyan anak?" tumango naman ako.

"Nay subukan ko 'to ah. Para kasing panaginip lang lahat ng yun eh noni-Gifteda lang naman tayo." inilagay ko ang kamay ko sa ulo ko at dahan dahan ko naman nararamdaman ang pagbabago.

Biglang umilaw ang aking katawan kasaby ang pag-init nito. Kumukulay Lavender ang ilaw tsaka hinay hinay na kinakain ang uniform ko at pinapalitan ng bagong uniform. Ang buhok kong buhaghag kanina ay naka braid na. Dahil mataas ang buhok ko ay umabot ang braid sa bandang ibaba ng likod ko.

"Aba'y oo nga? Ano na bang nangyayari sa iyo? Tsaka ang ganda mo anak." parang hindi naman gulat si nanay eh! Chinacharot lang ata ako.

"Hindi ko alam nay. Diba dapat mga Gifted lang ang mayroon ng kapangyarihan? Eh bakit meron ako?" nanghihinayang kong sabi.

"O anak, hindi na pala maaga. Malapit kana palang malate oh. Alas siyete na."

"Hala oo nga po pala. Sige nay!" hindi ko inaasahang magte-teleport na naman ako. Ano bayan, by default ba 'to? Pano ba i-change?

"Ouch! Ugh." Andito ako ngayon sa Market ng school. Dumiretso ang booty ko sa sahig. Nabanggit ko na ba sa inyo na may sariling Pharmacy, Market at Mall ang school na 'to? Well this is just Blionidity Academy. We have to stay in our house nga lang, di kasi uso yung dorm. Yung facilities naman ay ginagamit namin kung may activities yung school.

"Hi Miss! What do you want?" tanong sakin ng Market In-Charge.

"Ah napadpad lang po ako dito." agad ako tumayo dahil baka magmukha akong timang.

"Okay Miss." sabi niya, diba sosyal? Pero yung students dito hindi e. Mga walang galang at inaabuso lang naman ang 10,000 worth all tuition fee ng Academy. Nako ewan ko ba dyan sa mga taong yan. 

San na kaya si Jenna?

"Andito na si Jennalyn Lizzie Brown! Teka san ka ba nagpunta kahapon? Iniwan mo KAMI ni Joshua eh." tanong niya. Yii diniinan niya yung "KAMI"

Ang creepy ah. Bigla siyang sumulpot nung time na hinahanap ko siya through my mind.

"Pasok muna tayo." I said and pumasok na ng academy.

"Okay!"

"Ah nga pala, Jenna. About dun kay Lavender hehe. Magkamukha ba talaga kami?" tanong ko. Bigla namang natigil sa paglalakad si Jenna.

"Bat mo natanong?" kinakabahan niyang bawi habang nakatingin sa sahig.

"Hindi sa naga-assume pero parang may lumalabas kasi na lavender particles pag nagteteleport o ginagamit ko yung uh let's say kapangyarihan ko. May iba pabang nakakagawa nun?" tanong ko. Nakakagulat kasi talaga. Hindi naman ako gifted.

"There's only one person who can do that now. Pero may probability na nakakagawa rin yung isang anak niya." sabi pa ni Jenna at nabawi niya na rin ang kanyang pagkagulat. Nakangiti na siya.

"Talaagaaaa? Pakwento naman oh. Nakaka-intriga. Sorry chismosa talaga ako hihi." sabi ko pa at inaya siyang umupo.

"Si Queen Violet ang tinutukoy ko, Marie. Siya lang ang nakakagawa nung lavender magic noong kapanahunan niya. Alam mo yung lavender magic?" umiling ako.

"Hindi naman tayo tinuturuan nung ganon eh."

Napatawa si Jennalyn bago magpatuloy. "Ang Lavender magic ang pinaka-makapangyarihang mahika sa mundo ng pantasya or kilala sa katawagang The World of Fantasy. They say na once full moon ipinanganak ang isang dugong bughaw na bata, mabibigyan siya ng lavender magic."

"Talaga? Oh eh ano naman gamit nun parang color lang naman espesyal eh."

"Silly. Pinaka-makapangyarihan nga diba? Haha. Nasa lavender magic ang lahat ng mahika. Ang Elemental, Climate, Tele at lahat ng maiisip mong mga kapangyarihan. Rare din yung lavender magic dahil minsan hindi ito kaagad lumalabas." sabi pa niya.

"Wow! Kung ganon super powerful nadin ni Queen Violet?"

"Not anymore. Siya yung pinaka-makapangyarihan sa panahon niya. You never listen to me, hija. Haha. Kapag kasi nagdesisyon na ang isang ina o ama na ibigay ang lavender magic sa kanilang anak ay masusuklian lamang sila ng apat na elementong mahika at ang Tele. Hindi na kagaya nung dati na lahat kaya nilang gawin." tumawa naman si Jenna ng kaunti dahil sa mukha ko. Huh? Anong meron sa mukha ko?!

"Tawa ng tawa ah. Happy? Happy?"

"Queen Violet is also the strongest elementalist noong nakaraang henerasyon. Si King Josheni naman ang strongest climate manipulator." sabi niya pa na parang proud na proud.

"Wow, kung sino man yung anak nila siguradong talented din." ngumisi ako.

"Mga anak. Dalawa ang anak ng hari at reyna. Si Lexter yung lalaki at panganay at si Lavender yung babaeng bunso."

Bigla akong nahilo at napahawak sa ulo ko.

"Lavender, this was mine before. You can play it hehe!"

"Lexter, your sibling is a girl. She's a sister. I'm afraid she won't like your toy cars that came from the umanmors."

"Oh she's crying."

"Did I make her cry?"

"No! No! It's normal for babies to cry, honey. Go to your room now and I'll put your sister to bed. I'll read you a bedtime story too."

"Can I kiss her before I go to bed mommy?"

"Why not?"

"Ah! Ansakit nun ah."

"Anong nangyari?" worried na tanong ni Jenna.

"Jenna..." sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba!!!????

Wag na nga lang huhu.

"Naalala ko lang yung assignment. Hehe."

*****





Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now