Chapter 5 - Joshua

3.6K 108 3
                                    

~Jennalyn's P.O.V~

"Ah ganun ba? O sige. Tsaka mainit lang talaga dito sa clinic 'no. 'To talaga he-hehaha?" yun nalang talaga ang nasabi ko pagkatapos ay tumalikod. Ayoko na. Yung atmosphere nakakailang! 

"Ang, ang..." parang nilalamig nitong tugon, ano nga pala pangalan niya? Kung ba't kasi di nagsusuot ng ID eh.

"Kuya, anong pangalan mo?" ang galang ko talaga. May kuya pa eh.

"Wag moko tawaging kuya, brrr." sambit niya. Para siyang nilalamig.

"Sige, anong pangalan mo iho?" pabalang kong tanong. Eh wag daw kuya eh.

"Mas lalo na wag yang iho! ba't ba kasi ang lamig dito?" told 'ya folks! Galing ko.

"FYI manong! Clinic ito kaya malamig para rin sa humidity yun." char humidity! Big word bhie.

"Ako si Joshua okay?! Hindi manong, iho at kuya!" naiinis niyang sabi. Ayun, may pangalan ka naman pala eh. Pabebe pa ayaw pa sabihin. 

"Ugh! Sakit ng ulo ko." rinig kong sambit ni Marie, gising na siya!

"Marie?" sabi ko at tinakbuhan siya tsaka niyakap.

"Uhm. J-Jenna? D-di ako makahi-hinga o-o." yehey gising na si bestie! ♥

"Mabuti at gising kana! I was so worried." ngumiti lang siya at tumingin sa paligid.

"Oh! Hi po." napansin ata ni Marie si Joshua na nakatayo sa door. Yung clinic kasi namin ay malaki. Parang isang ospital. Nagtataka nga kami kung bakit clinic eh, para na kasi siyang ospital sa laki. De aircon pa tsaka may mga private rooms kemerut.

"Yeah. Marie." paunang sambit ni Joshua.

"STALKER! SINO KA!? BAKIT MO ALAM ANG PANGALAN KO? STINA-STALK MOKO 'NO? O DI KAYA SINUSUNDAN MOKO PARA MALAMAN KUNG ANO PAGKATAO KO! ASAN ANG KRUS JENNALYN? BUHUSA--" nagsisisigaw si Marie sa room kaya umaalingawngaw ang boses niya. Ang saya talaga nilang panoorin. Makakuha ngang popcorn.

"Hindi! Ano kaba! Kakasabi nga lang ni Jennalyn eh!" narindi ata.

~Joshua's P.O.V~

"Hindi! Ano kaba! Kakasabi nga lang ni Jennalyn eh!" sambit ko. Anong stalker? Never in my life naging stalker ako.

"San ka Jennalyn?" tanong ni Marie na nakita naming unti unting lumalabas ng kwarto si Jennalyn.

"Bili lang ng popcorn. Why? May ipapabili ka ba?" tanong niya na para bang gutom.

"For what?" tell me. Palatanong ba talaga siya? 

"Basta! Sige na mag usap muna kayo! Hihi! Bye!" agad ito lumabas sa pinto. Alangan naman sa kama diba?

Yeah right. Dry humor, Joshua. ಠ_ಠ

"Okay, let's get this right, anong nangyari?" panimula niya.

Ayoko naman sabihin na mag so-sorry ako para lang dun at ako pa talaga mag so-sorry? Ako pinatilapon niya eh! Tsaka ang sakit kaya 'no! At bakit wala siyang maalala aber? May amnesia ganun? Grabe siya! Pero diba dapat ako naman talaga ang magso-sorry kasi ako yung nanguna?

"Hoy!" pitik niya sa ilong ko. ANG SAKIT!

"Ay diba!" gulat kong sambit.

"WAHAHA, aray!" tumawa ito pero agad na namilipit sa sakit ang kanyang ulo.

"Ayos ka lang ba?" I asked out of the blue and tumango naman siya. 

"Anong nangyari at bakit ako andito?" tanong niya.

~Marie's P.O.V~

"Anong nangyari at bakit ako nandito?" nagugulumihan kong tanong. Ano nga pala pangalan niya?

"E, ano kase." mukha siyang kinakabahan sa ayos niya. GOSH! Wala akong matandaan na kahit ano. Maski breakfast ko ewan ko ba kung nagkanin ba ako.

"Spill!" I admit marunong siya, gwapo at magalang, but kind of tanga sometimes.

"Oo na! Dumating ka sa school, sinalubong kita at--" naputol ang kanyang pagsasalita ng pumasok si Jenna.

"Continue na kase!" 

"Sinalubong kita at binato, inilapit mo yung kamay mo sakin tapos tumilapon ako, my name is Joshua Malontudan. Happy na po ba kayo?" wika niya. Huh? Ibig sabihin ba may power ako? Di ko maprocess.

"Talaga?" 

"May power ka kase." sambit ni Jenna. Kainggit yung cheese na popcorn.

"Uhmm, okay. Uwi na pala ako. Alas singko na." Bigla nalang akong napunta sa kwarto ko. Teleportation? Really?

Kaantok, di ko ma process.

~Jennalyn's P.O.V~

"Okay? Nasan na yung babaitang yun?" patay malisyang tanong ko. 

She's already discovering her identity. This can't be. I'll fail.

"Oo nga e. Nawala lang na parang bula. Tsaka lavender particles? Isa lang ang nakagagawa nun sa pagkakaalam ko eh." paliwanag niya sa kanyang opinyon.

"Don't worry bukas nalang yan, uuwi na kase ako eh. Bisitahin ko nalang siya bukas. Good Night Joshua! See you tomorrow."

"Yeah. Night." pogi mo po. Pogi na mahilig mag yeah at mahilig sa strawberry. Charot.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now