Chapter 47 - Frank

539 18 2
                                    

~Marie's P.O.V~

It's been a week since nalaman namin ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Darkishena. It's been a week since sinabi namin yun sa boys and it's been a week na pumapasok na kami.

"Hey Marie! Sa gym daw yung klase natin. Combat daw." sulpot ni Esthena sa harap ko.

"Ah, ganun ba? O sige susunod nako. Kakain nalang muna ako." paalam ko.

"Sama nako. Nagugutom kasi ako." tumango ako at naglakad na kami patungong cafeteria.

Pagdating namin sa cafeteria umorder na kaagad si Esthena ng dalawang spaghetti at can of soda para sakanya. Nag-lasagna lang ako kasi para naman malagyan lang ng kaunti ang tyan ko. Malay ko bang gutom talaga 'tong si Esthena.

"Wow. Ang galing, di nangingimbita." sabi ni Michael habang papasok sa entrance. Kaming dalawa nalang kasi ni Esthena ang nasa cafeteria dahil nasa gym ang iba.

Bigla siyang umupo sa tabi ni Esthena at sumubo gamit ang tinidor ng ate niya.

"So hungr--Hey guys!" sigaw ni Henny at kumaway kaway pa. "You're here pala!"

"Hello!" bati namin. Himala at di magkasama ang dalawang 'to?

"Pakainnn!" sabi ni Henny at kinuha ang tinidor ni Esthena na ginamit pangsubo ni Michael.

"Woah! Andito pala kayo eh. Pakain naman!" sigaw ni Ivan at nilawayan ang tinidor ni Esthena na ginamit pangsubo ni Michael at kinuha ni Henny. Sino pa!?

"Pakain po!" sabi ni Isabela at nagserve ng spaghetti gamit ang tinidor ni Esthena na ginamit pangsubo ni Michael, na kinuha ni Henny at nilawayan ni Ivan.

Why are they coming one by one anyways!?

"O sige sa inyo na. Nag-iindirect kiss kaya tayo lahat. O ayan na." sabi nito at binigay ang plato. Nag share naman ang apat.

"May I?" tanong ng lalake sa gilid ko.

"Ha? Ah sure. Eto gamitin mo na ang tinidor ko." nakangiti kong sambit.

"Asan ang tatlo?" tanong ni Esthena.

"Nasa gym na sila." sambit ni Isabela.

"In less than 2 minutes, magsisimula na ang klase. Better if you guys hurry up." sambit ko. Tumango sila at di kalaunay natapos nadin. Nagteleport na kami sa gym dahil late na kami.

"Summon your weapons." sinummon na namin ang weapons namin na galing sa Terrashen. Di namin nakita yung ibang sa gifteds kasi nasa kabilang side.

"San kayo galing?" tanong ni Kuya.

"Cafeteria po. Nagutom kasi kami."

"Ah. Kala ko nagsama-sama na kayo sa CR."

"Pumili kayo ng partners." sabi ng guro. "No Royals to Royals. Makakapag-advantage ang girls pag ganun. Wala ding gagamit ng kapangyarihan." hmp! Eto namang si ma'am ang KJ.

"In three, two, one, fight!" we scattered and got ready para umatake.

Wait. How am I suppose to attack when my weapon is for aiming?

'Isip, how am I suppose to attack? Bow and arrow ang weapon ko!' sigaw ko sa isip ko.

Ngayon no choice ako kundi umilag lang ng umilag.

'Use your bow as your sword.' tugon nito.

Oo nga naman. Slow ko talaga.

"HA!" sigaw ko at sumugod sa partner ko. Well, hindi ko siya kilala. Lalake siya, matangkad, moreno, gwapo.

"Good Day Princess Lavender!" sabi niya at umasinta. "I'm Frank Geronimo." sabi niya at umatake ulit kaya hinarangan ko ito gamit ang bow ko.

"Nice to meet you!" sabi ko at umatake. Hmm, ang galing! naging sword natong bow ko!

"Nice one." lumayo siya. Di ko na siya abot kaya hinagis ko ang bow ko ngunit bumalik ito sakin. Boomerang? Cool!

"What a powerful weapon of yours Princess." natulala ako. Grabe nagtransform na naman ito. From lavender-gold colored sword naging boomerang na elemental color and may amethyst sa gitna. Wow.

I tried to switch it into sword pero nagiging arnis siya. Teka what on earth is happening on my weapon!?

"Ang dami mo ng weapon niyan." sabi ni Frank. Napanga-nga ulit ako. Ano bang nangyayari? I decided na labanan nalang ang gifted nato para masanay ako sa arnis. Simple lang yung arnis ko, brown colored and may amethyst sa hawakan.

"Etong sayo! Eto pa! Argh!" daing ko at inatake siya, puro ilag lang ito. "Lumaban ka!" tumango siya at umatake. Actually mahirap siyang kalaban, malakas at may advantage siya kasi matangkad. But that doesn't mean magpapatalo ako.

Naglaban lang kami ng naglaban. Ang isang arnis ko ay ginagamit ko pang-atake at ang isa ay pananggalang.

'Wow! Ang galing naman nila!'

'Ang galing ng Prinsesa ng Coreaceana! Tsaka yung kapartner niya. Ang lakas nila!'

'Woah. Ang galing naman ng mga naglalaban!'

Yan ang iisa sa mga binubulong ng mga gifted.

"Ang galing naman ni Lavender. Teka ang galing din umasinta ng partner niya oh!" sabi ni Esthena.

"What a great partnership."

Teka tapos naba ang training? Bat sila huminto?

And for my final wave.

"Wargh!" I hit him with my arnis pero ginamit niya ang espada niya para protektahan ang sarili niya. Hmp!

"Good Job Princess." he offered his hand kaya nakipag-kamay din ako.

"What a satisyfying act! Magaling." sabi ng isang tinig mula sa itaas.

"Mom! Dad!" I said and levitated para makipaghug sa kanila. Yumuko lahat ng gifteds sa baba at ang Royals ay lumipad kasama ko.

"Ang galing niyo lahat." bungad samin ni Mommy. Sabay sabay naman kaming nag-thank you.

Bumaba kami lahat at bumati naman ang gifteds.

"But, you need more." sabay smirk ni Dad and nagsummon ng broadsword. Si Mom naman ay nagsummon ng arnis. Naka-pang royalty ang dalawa kaya nagbihis ang mga ito gamit ang mahika at ngayon naka-armor.

Naglaban ang dalawang Royals sa center at mapapa-woah ka nalang dahil sa smooth, fast at sa galing ng paglalaban nila.

"And for the final wave." hinampas ni Mommy ang kanyang arnis pero nasangga ito ni Daddy gaya ng last wave ko kay Frank!

Nagsipalakpakan ang lahat at nagbalik ang dalawa sa normal.

"Great." sabay na sabi ng dalawa. Nag-apir pa talaga. Yung totoo? Sino mas matanda? Tsaka great? Very good na yun!

"You may now go back to your dorms. Classes will resume this afternoon." tugon ni Ma'am sa lahat.

Kaming Royals nagbonding na muna sa dorm ng mga babae. Magluluto pa ko ng pagkain namin.

"Ang galing niyo naman Marie! Sino yung kapartner mo?" tanong ni Isabela pagkaupo namin.

"Ah, si Frank."

"Ang galing naman nun. Parang si tita at tito lang maglaban." tugon naman ni Esthena.

"Nagpractice kayo 'no! Tsk." pang-aasar ni Kuya.

"Hindi kaya! Mommy oh!" natawa si Mommy at Daddy sa pag-aasaran namin ni Kuya. Hehe, humanda ka talaga sakin kuya. Kanina ka pa eh.

I used my powers para paliparin si kuya at iikot-ikot. Too bad nag barrier siya. Ihh! Nakakainis talaga.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon