Chapter 25 - Fishy

1K 28 2
                                    

~Marie's P.O.V~

Maganda naman ang academy yun nga lang nag start na, late enrollees kami kumbaga. Nakakahiya naman! Gusto ko na rin sabihin sa barkada ang gift ko kagabi yung natanggap ko sa Prince Aaron ba yun? Pero parang wala namang maniniwala sakin.

Napabuntong hininga ako at napansin naman nila. Ayon tuloy kinakabahan ako, teka lang bat ba ako kinakabahan eh parang sasabihin lang.

"May problema ba Lavender?" tanong ni Kuya.

"May nagbigay po ng gift sakin kagabi at may letter pa. Cellphone at Teddy Bear, Prince Aaron Jeffory ang pangalan." paliwanag ko. Napansin kong nanlaki ang mata ni Gray, kilala niya ba?

"Ano? Sino ba yan?"

"Ayun ang di ko alam Kuya but curious lang ako, sabi kasi sa letter kilala ko daw siya at friend pa, eh wala naman akong kilalang ganon?"

"Stalker?"

"Lover?"

"Grabe talaga kayong dalawa makapag-react eh." bungad ni Michael kay Esthena at Henny.

"But I want to meet him someday. Kung sino ka man, Thank You!" sabay bigay ko sa cellphone at teddy bear kagabi.

"Maganda naman pala."

"But still gusto ko siya makita. May number rin siyang nilagay, sa kanya daw. Matawagan nga naman. Silly me." sabi ko naman.

You're calling a number...

Ayaw talaga eh, huh? Bat biglang tumakbo si Gray? Baka ayaw niya akong makitang may katawag na iba? Or what? I'm confused.

~Gray's P.O.V~

Totoo ba 'to? Gusto niya ako makilala?

Darn it, Gray! Gusto ka niya tawagan! Shoot. Takbo nalang ang choice mo bahala na mahalata basta ang importante hindi niya muna malaman.

What?

Tumakbo na akong classroom ng hindi nagpapa-alam. Bahala na! Alam kong nahalata nila yun buti di nila nabasa isip ko. Ramdam ko ang phone kong nag va-vibrate pero di ko nalang pinansin at tumakbo nalang, bat ba kasi ako tumakbo? Pwede naman mag-teleport.

Great. Your mind's occupied. Ugh.

*****

Para akong tanga na nakikipag-usap sa tablet ko, ako nalang mag-isa sa classroom ng biglang pumasok si Lavender.

"Hi Gray. May problema ba?" at dun sa sinabi niya bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Uh-oh narinig niya yata! Perks of super hearing tsk!

"Did you hear that?" PATAY! Narinig nga niya.

"H-hear w-what?"

"Hmm, nothing let's go! Baka guni-guni ko lang." sabi pa niya. "You're not... awkward are you?" tanong niya.

Ah right. The confession. I was too fast that time she didn't know how to react. Well, there's nothing I could do but to love her from afar.

"Not really. Yeah. Let's go."

Papunta na kami ngayon sa canteen para kumain, papauwi na sana kami pero ang tatagal kasi ng magagaling naming mga kaibigan, sa bagay gutom rin ako but sa nakikita ko ngayon mukhang gutom na gutom pa rin si Lavender. Andito pa rin kasi kami dahil ang tagal-tagal nila. Ang akala naming andito na ay wala pa pala. Galing lang 'no. Tumawag pa sila na uuwi na daw, pero asan pa ba kami nasa school parin.

ಠ_ಠ

"Hey, are you still hungry?" dahil sa sinabi ko nabulunan siya, inabutan ko naman siya ng tubig.

"Uh. Oo eh. Bakit uuwi kana?"

"Nah. You eat a ton. Here eat this, I'm not hungry." kahit na nagugutom ako ibibigay ko parin 'to sa kanya.

"Wag na. I'm fine bibili nalang ako." ngumiti siya at tatayo na sana ng hinawakan ko ang kamay niya.

"No, here take this." pinaupo ko siya at ibinigay ang tray.

"T-thanks."

I smiled.

"I'm gonna buy them food. Excuse." tumayo ako at binilhan ng pagkain ang iba.

*****

"Uy, lilipat na daw tayo bukas!"sigaw ni Esthena. Ang lalapit lang ng mga kausap sisigaw pa. Tss.

"Saan?"

"Sa dorm natin malamang 'no. Diba sinabi na hindi tayo titira sa mga castle pero sa dorm lang? May dorm na nga pala ang mga schoolmates natin pero sa atin sosyal." sabi ni Esthena. Alam ko siya ang nag-mungkahi niyan.

"Ba't mo alam?" tanong sa kanya ni Marie.

"Nabasa ko sa isip mo, nakalimutan mo i-lock eh. Sorry Marie ah."

"Ah okay lang."

"Ka dorm-mate ko pala sila Isabela, Esthena at Si Marie, bale girls and boys lang ganun din sa iba. Except kay Lex-Lex, ikaw lang mag isa sa dorm mo except kung may isasama ka. Free ka pumili boy or girl but except sa amin syempre." paliwanag ni Henny. 

"Good!"

"Mag-umpisa na tayo sa pag-iimpake para maaga tayo bukas." mungkahi ni Lexter.

*****

Kaway-kaway readers!



~ShaniMai

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now