Chapter 2 - Greta

4.8K 139 1
                                    

~Greta's P.O.V~

"Sige po nay! Love you!" nag paalam na siya at nag bless pa, ang galang talaga ng batang iyon. Kung di ko lang yun mahal naging utusan na sana siya. Nakaka-awa din yung prinsesa. Ano kayang dahilan ni Shiela para kunin si Marie?

"Sana maging maayos ka at isasauli kita ng buhay sa iyong mga magula--" hindi ko na natuloy ang sinabi ko ng nag pop out sa mukha ko ang dati kong katulong sa spells. Grabe kagulat!

"AY panget!" sambit ko dahil sa gulat. Yun talaga unang pumasok sa isip ko.

"Nakaka insulto ka naman Ate Greta! Ang ganda ko kaya, but that doesn't matter andito ako dahil a--" sabi niya pero pinutol ko na yun bago pa may makarinig sa amin. Tignan mo 'to makipag-usap dun pa sa hindi safe.

"Ano nanaman ba yan!? Halika sa loob."

Pagpasok namin nilagyan ni Shiela ng pananggalang ang buong bahay para walang makarinig at makakita samin. Mahirap na, famous kaya siya. NUMBER 1 sa kidnappers list. Nagulat nga ako nung nakita nila si Shiela e. Gumamit kaya siya ng invisibility potion. Binigay niya pa sa akin si Marie after.

"So ate? Kamusta ang bata? Hihi." tumawa siya na parang adik, problemado.

"Uhmm--ahhh. EWAN! Luto na ang cookies! Hehe kunin ko lang!" kinuha ko ang cookies at binigay sa kanya. Sa totoo lang ayoko talaga sabihin kung ano ang kalagayan ni Marie, ayoko siyang mapahamak.

Halos taon taon rin naman akong binibisita ni Shiela para sa kalagayan ng bata. At oo, hindi ko na itatanggi pa. Si Marie ang batang kinuha at siya rin ang prinsesa ng Coreaceana. Mahal na mahal ko ang batang iyon kahit hindi siya nanggaling sa sinapupunan ko. Kahit 18 years na makalipas ang nangyari, inalagaan at minahal ko rin si Marie. Ayaw na ayaw ko siyang nasasaktan dahil kapag nangyari yun, maaapektuhan ang Coreaceana. Wala na silang descendant dahil usap usapan ang pagkamatay ng Prinsipe Lexter matapos din ng nangyari.

Pinangako ko sa sarili kong aalagaan ko ang batang princesa. Kahit saang anggulo ko man tignan, alam kong wala akong karapatan.

"Magaling narin ako sa brewing. Estudyante ko yung prinsipe at prinsesa ng Denria pero natural na kapangyarihan nila yun eh! Bakit nagpapaturo pa?" banas niyang sabi. "Ang tabil pa ng dila nung prinsipe. Kala mo naman ang gwapo. Pero ayun nga ang nakakainis dahil gwapo siya." napangiwi siya at kinain ang cookies.

"Sabihin mo, maganda talaga lahi nila." banat ko pa at napailing.

"Ayun na nga. Yung kapatid ko mukhang banas na banas din." tawa pa niya at uminom ng gatas.

"Sino nga ulit yung kapatid mo?"

"Ah si Je--"

Sa matagal naming pag-uusap about spells, hindi namin namalayan na hapon na at papauwi na si Marie galing sa school. Napatingin kaagad ako sa wall clock at nakitang 5 PM na.

"Hala! Andyan na sya!" putol ko sa sinasabi niya sabay ligpit.

"Eh ano?! Tsaka sino ba yan?" nagtanong pa ah! Tulungan mo kaya ako?

"Tulungan mo nalang ako andyan na ang prinsesa! Ano ka ba?" sabi ko.

"Ah! Ganun ba? Alis nako ate, bye!" sabi nya. Hoy! 'Tong babaeng 'to. Hilig makikain di naman nagliligpit. Tse!

May nag doorbell. Si Marie na yan?! Ginamit ko nalang ang magic ko para maligpit na lahat ng pinagkainan namin ni Shiela. Pag makita ko talaga yung bruha na 'yon, sasabunutan ko siya. Though parang imposible ata. Isang araw sa 5 months lang siya lumalabas sa lungga niya. Nasa pinakatago kasi itong part ng Coreaceana which is the Dark Kingdom.

"Nanay! Hi po." nag-bless siya sakin. Kiniss ko naman siya sa noo kasi may bukol eh. Ang obvious kaya.

"Anong nangyari anak? Ba't may bukol ka? Nabangga ka ba?" sabi ko sa kanya at nanlaki ang kanyang mga magagandang lilang mata.

*****

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon