Chapter 30 - Revealing the Truth

1K 34 1
                                    

~Marie's P.O.V~

Grabe napakabusy ng mga tao. Sunday tapos busy. Iniwan pa ako.

༎ຶ‿༎ຶ

Si Isabela nasa cheerleading practice ganun din si Esthena. Si Henny nasa Centaria, hindi ako sumama kasi wala ako sa mood. Kasama niya si Joshua. Ewan ko ba kung bakit nila kailangan pumunta dun. Si Kuya at Ate Kath nasa arena. Si Grayson, Ivan at Michael naman nasa combat practice tinuturuan yung mga bago.

Eh ano ako ngayon? Tunganga lang bhe? Walang magawa?

Teka. Mukhang may isang free naman na tao akong kilala hehe.

Calling Dylan

You're probably wondering pano ko nakuha ang number ni Dylan. Simple. Nilagay niya. Gamit ko yung phone na bigay ni Calvin. Nawala phone ko eh. Ewan ko ba kung san yun nagsusuot.

[Hello?]

"Dylan? Pwede ka makausap? Through phone nalang."

[Bakit naman po prinsesa? Asan yung Royals?]

"Wala dito, wala akong makausap eh. Boring na. Ay oo nga pala, kantahan mo naman ako Dylan rinig kong magaling ka raw!" pagmamakaawa ko.

[Nahihiya po ako. Haha!]

"Asus nahihiya pa! Ako lang 'to ha! Sige na."

"Lav. Lav!" pangigising sakin ng kung sino man. Naman eh. Natutulog eh.

"Mmm." sabay kuskos ko sa mata ko.

"I want to tell you something." bumangon naman ako only to find out he's staring at me.

"Ha. Okay." nakapikit kong sabi. Wala akong maintindihan.

"Kakain na." tumango ako at tumalikod sa kanya.

"I'm gonna carry you if you won't get out of bed." sabi niya pa. Ha? Ano--

"Hala ka! Ano? Ibaba moko!" gulat kong sabi nang maramdaman kong wala na ako sa kama. Nabuhayan kaagad ang mapupungay kong nga mata. Chos!

"Great. Come on."

Bumaba na ako para kumain at makisabay sa tropa. Grabe ingay lang ang naririnig sa dorm namin! Ako naman nanuod lang ng TV sa living room at sila naman nag-iingay lang sa kusina.

Nagulat nalang ako ng biglang tumabi sa akin si Gray.

"Oh! Andito ka pala." sabi ko habang nakatingin parin sa pinapanood ko, ang ganda kasi. Sofia the First. Don't judge me!

"Lav, may gusto ako sabihin at ikaw lang dapat makaka-alam nito."

"Mmhm, sige ano yun." sabi ko pero di ko naman tinatanggal ang mata ko sa tv.

"I'm Calvin Aaron."

(´⊙ω⊙')!

"Teka Grayson, nagjo-joke ka ba?" nanlalaking matang sambit ko.

"Does it I look like I am?" sabi pa niya at nagpout. Hala first time ata 'tong lalaking 'to mag ganto ganto. You have to call me Ron and I will call you Lav. Don't let others call you that okay?" sabi niya. Syempre nagtataka ako at kinikilig, ako lang tatawagin niyang ganyan at ako lang din ang tatawag sa kanya ng ganyan.

Char lande! Kilig yorn?

"Pero ayoko. Gusto ko ng Cav. Pwede rin naman ang Vin. Ba't Ron?"

"Anything you'd like will do. You're my queen."

Luh! Yii. Hehehe.

"Manuod ka nalang nga."

"I don't watch cartoons."

"Amp! KJ neto."

"Sige punta na ako sa kusina. Make sure to come."

"Cav." tawag ko sa kanya, teka bakit ko ba siya tinawag?

"Hmm?"

"Salamat sa lahat ng binigay mo." sabi ko. May sarili na atang isip tong bibig ko. "And I'm sorry for pushing you away." tumango lang siya at naglakad na papuntang kusina at ako naman dito naiwang nakatuwang-wang.

Kagaya ng sinabi ni Cav sumunod ako sa kusina at in-off ang tv.

"Oh Ash. Halika kain tayo." sakto lang! Nagteleport na ako para makaupo, parang ang lapit lang eh. Pero at least okay na rin. Napansin kong medyo nagiging close na ata 'tong si Michael at Henny. Naku nagbibinata at nagdadalaga na tong dalawang 'to. Grabe nagsusubuan pa talaga ha!

"Kung nakakalusaw lang ang tingin matagal na sila nalusaw." napatigin ako sa kung sino ang nagsalita, Si Cav lang pala.

Umiling lang ako at sinabing "Ang sweet nila Cav 'no? Parang tenge charot." hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay.

Hmm. Ano 'to?

Busy sa pagkain ang mga magagaling kong katropa kaya di nila kami napapansin.

"Couple bracelet 'to ah?" tanong ko dahilan ng pag-ngiti niya. ANG GWAPO NIYA TALAGA DI KO KERI. Bat ganon! Sinuot niya sakin ang bracelet at ganun din yung kanya. Ang nakasulat sa akin 'Together Forever' ganun din yung kanya.

"Oo, gusto kong sayo 'to mapupunta dahil magiging couple rin naman tayo soon. Don't also dare to be jealous okay." kumuha siya ng kutsara at nilagyan ng cake teka anong gagawin niya dito?

Itinapat niya ang kutsara sa bibig ko at nilagay ang isang kamay sa ibaba para masalo ang malalaglag dapat.

"Say aah." ngumanga naman ako at tumawa ng mahina tsaka nag mouth lang ng 'thank you'. Bigla naman natahimik ang tropa, teka bakit?

"Uhmm, bakit kayo natahimik?" ang dating nag-uusap na nakatayo na sina Isabela at Ivan ay natuon ang pansin samin. Ang kanina namang nagtitimpla ng juice na sina Esthena at Joshua natapon lang rin ang powder at nanlaki ang mata. Ang kaninang nagkasubuan na sina Henny at Michael ganun din, ang hinawakan namang kutsara ni Micahel ay nalaglag at nanlaki rin ang mata niya, si Henny naman nakanganga lang na nakatingin samin, susubuan kasi dapat siya ni Michael pero ayun nga di natuloy kasi nagulat sila. Ang kanina rin naman naka cellphone na sina Kuya at Ate Kath nahinto rin at narinig lang namin ang pagsabi na The Zombies ate your brains! Natawa nalang ako dahilan ng pagtawa rin ng pinakagwapong nilalang na katabi ko.

"Hahaha! Nakakatawa kayong lahat, bakit ba!?" nagpalitan lang sila ng tingin at ang mga lalake pinuntahan si Calvin. Nakasunod naman ang tingin naming mga babae sa kanila. Pagkalipas ng tinginan sinabi nilang...

"WOAAAAAAAAHHHHH!" at ayun pinaghahampas nila, naawa rin naman ako kaya inawat ko na.

"Hoy! Kayo naman, kawawa na oh." inayos ko ang buhok ni Calvin at nginitian naman niya ako at kinindatan.

"WOAHHHHH! AYUN NAAAAAA!" lumapit ang girls sakin at sinigawan ako dahilan ng pagtakip ko sa tenga ko. Tumawa naman ang mga lalaki, nubayan.

"Uy, baka mabingi." pinagtanggol naman ako ni Calvin. Ngumiti naman siya at ako rin naman 'no. Nakakakilig eh. Hehehe! Landeee.

"PINAGTANGGOL ANG ISA'T ISA! WAAAAAAA!" sigaw nila kaya nagtakip kami ng tenga.

"Asus parang yan lang." tumango-tango naman sila at pumunta sa gilid ko si Henny at si Michael naman sa gilid ni Ron. Nagpose pa ha.

Nagkatinginan naman kami at nagkuhanan sila ng phone at napapikit nalang ako sa mga flash.

Pagkatapos nun ibinalik nila ang phones nila at naramdaman kong nagvibrate ang amin ni Calvin kaya kinuha namin ang phones namin para tignan.

2000 notifications!? Ganun na ba talaga ang Royals ka famous? Haha de joke lang but seriously? 2000? Mostly from the students dito, mostly din ng comments ang sweet nila tapos may mga heart heart.

Wala pang isang minuto nakarami na kami ng notif. Sabog bhe?

Nag iwas sila ng tingin kasi alam na namin na pinost nila kaya nag usap sila ulit.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now