Ikaw na aking minahal,
O, ako na nga ay isang hangal
Ikaw ay aking inibig,
Pero nabuwag at tumahimik kagaya ng mga kuliglig.
Sana nama'y nakita mo,
Paghihirap na dinaranas dahil sayo
Pagpapakasakit mo sa aki'y nagtagal
Ayon tuloy ako'y nawalan ng dangal.
Bakit ganoon?
Pagmamahalan natin ay masaya noon,
Pero makalipas ang mga buwan na mayroon,
Ako'y iyong sinaktan at iniwan ngayon.
Hayaan mo,
Sa susunod na magkita tayo
Ako ay babangon at ibabago ang ako na iniwan mo sa kapanahunan ng ligaya nating totoo,
Maging ikaw ay mapapanganga sa pagbabago ko.
Tatapusin na, sakit na dinarama
Luhang walang pag-asa na ikaw ay babalik pa
Salamat sa lahat,
Dahil dito ko na tinatapos sakit at pighati na dulot ng iyong napakagandang ngiti.
Mga walang saysay kong sinasabi,
O, sinta sana iyong narinig
Habilin ko lamang bago mawala
Ang mahalin mo ang iyong kapwa.
Lubos na nagdadalamhati,
Puso kong nahati
Tatapusin ko na aking pighati
Para man lang ako ay makangiti.
*****
Hi readers! Ano sa tingin niyo ang tulang ginawa ko? Pangit ba? Pasensya na di ako PRO dyan e. Ginawa ko lang dahil wala akong magawa.
Note: Joke Time Page po ito noon pero chinange ko kaya naging Tula na. Sakto naman na ginawan ko agad ng tula para mapublish na kaagad 'to.
Salamat sa pagbabasa! Hope you enjoyed.
~ShaniMai
![](https://img.wattpad.com/cover/79249744-288-k153534.jpg)
YOU ARE READING
Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness)
FantasyHighest rank achieved: #1 in Fantasy Isang ordinaryong babae lamang siya, ayon sa kanyang paniniwala. Ngunit ordinaryo nga lang ba? Hindi, dahil siya ang kauna-unahang Reyna na magsasakripisyo ng kanyang buhay para sa kapakanan ng kanyang nasasakupa...