Chapter 50 - The New Her

578 15 0
                                    

~Marie's P.O.V~

Nanggagalaiti ako sa pag distorbo nitong mga alagad nato. Malas sila naiinis ako. Hindi pa sila nakakalakad siguradong patay na sila. 

How can they enter the academy anyway...

"ANO NANAMAN? DI BA KAYO MATATAHIMIK?" sigaw ko.

"Hindi!"

"Mga walanghiya kayo! Malas niyo naiinis ako. Siguradong wala pang isang segundo pagkalakad na pagkalakad niyo, tustado na kayo." marami rami rin sila. Mga nasa 20 ata.

"Tinatakot mo ba kami?" sabi nung isa.

"Oh, bakit takot kana? Wala pa nga eh."

"Oh no. She's mad. Tabi! Tabi!" bulong ng mga nasa likuran ko.

"Ano bang meron kapag galit siya?"

"She's gonna turn into a dragon! Back up!"

"Magsisisi kayo na nagpunta pa kayo dito. Nanggugulo pa kayo ng party!" agad nag-apoy ang buhok ko. May mga snowflakes na rin na umuulan sa paligid. Ang outfit ko ay naging dress na maikli. I'm wearing boots na di gaano mataas. I believe my eyes turned red dahil ilang beses ko ng nasaksihan ito.

"Oh no."

"MGA PARTY WRECKERS!" nagbago masyado ang boses ko, medyo bumaba ito at kumapal pero matinis, agad naman natusta ang mga nasa harapan ko ng walang isang segundo.

Natigil na ako at nagbalik na ako sa dati. Psh.

"Party wreckers. Kapal kamo nila. Kwento nila sa pagong pinaglalaban nila."

Pagtalikod ko ay halos humagalpak ako sa kakatawa dahil ang mga tao ay nanlaki ang mata. Literally. Napanganga pa nga eh. Maski si Calvin nagawa yun.

"Come on! Nakakatawa kayo." sabi ko at nauna.

*****

Fast forward to the last week of November.

Natapos ang lahat ng birthday nila. Ako nalang ang hindi pa. Malapit na ang nasasantong digmaan sa Coreaceana. Kailangan namin ito paghandaan.

Sa loob ng iilang buwan madaming nagbago.

Ang academy ay sinecure. Lahat ng gifteds naglagay ng protection. Sinanay nadin kami ng todo, about powers and combat. Kabisado na namin ang lahat ng nagagawa namin. From minimum to maximum.

Kasalukuyan na kaming naglalakad patungo sa gym. Another practice nanaman. Ngayon isip lang at liksi. No powers nor armor and weapons.

Nagsimula nadin kami agad. Si Frank padin ang partner ko.

Inikutan niya ako and I sensed na aatake siya kaya humarap ako at sinuntok ito.

I'm not just a fun princess. I'm the serious one. Isa naring nagbago sa akin ay ang pagiging seryoso pagdating sa combat.

Minsan nalang ako makipag-usap sa mga tao dahil itinutuon ko ang pansin sa practice.

Malapit nadin akong koronahan bilang reyna ng Coreaceana. Ako ang papalit sa posisyon ni Mommy.

And thats all on me.

Pagkatapos ng klase ay pumunta na kami sa canteen. Another boring day.

"Ash, magsalita ka naman. Ang loud namin and you don't talk talk there. Dahil padin ba to kay Gray? My goodness, move on!" alright. Fine. Di lang din ako sa practice naging cold. Dahil ito kay Calvin, or should I say Grayson na rin ulit.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now