Chapter 38 - Rescuing Lexter

681 22 0
                                    

~Lexter's P.O.V~

Hay, ano ba yan nakaahon na pala ako eh, bakit nagsusuot parin ako ng suit. Ang init init!

Hinubad ko ang helmet pati ang suit at inilagay sa gilid. Teka nga muna ang tahimik naman ata dito? Eh ang ingay ng girls ah.

"Uy guys?" sigaw ko sa lugar. Ang baho naman dito kadiri tsaka ang daming kalansay. Wala namang kalansay kanina ah? Ano yan souvenir na napulot nila sa dagat?

Patuloy ako sa pagsisisigaw pero useless, walang nakakarinig.

Naglakad lakad muna ako sa lugar at bigla naman ito lumindol. Teka baka alon lang na malaki.

Lumindol na naman pero ito di na siya normal paikot ikot na siya ano 'to? 

'Tanga.'

Sino yun? Aish! Baka wala lang.

'Snobber. Tsk porket may Kathleen na.'

Aba! Sinusubukan ako neto ah! Ano gusto nito suntukan!? SIGE BA!

"Hoy sino ka ba!?" sigaw ko.

'Pwede ka mang mag-whisper. Parang baliw.'

Eh malay ko bang andito siya sa ulo ko? Ang lakas ng boses eh.

'Oh ano? Sino ka ba kasi?'

'Gandang hello ah.'

Aba ha, nang-iinis talaga siya ano bang problema neto?

'Oo nga eh, bilib ka?'  panghahambog ko. Kabanas.

'Andito ka sa tyan ng piranha, kinain ka kanina 'no tanga ka talaga.'

What an irritating guy. Aigoo! Kung nakita ko to matagal ko na 'tong sinunog.

Wait-- nasa tyan ako ng piranha? Kinain? Eh bakit buo pako? Dahil ba nalulon kaagad ako?

Ginamit ko ang kapangyarihan ko  pero parang ako yung sinusunog sa sakit. Shoot. Bakit di ako nakakagamit ng powers dito? Sige na nga telepathy nalang. Kabanas.

'Little sis? Kath? Guys?'

Pagtatatawag ko sakanila through mind, sakit sa ulo. Buti nakakagamit ako ng telepathy pero masakit nga lang kasi bawal powers pero ginawa ko pa rin.

'Kuya? Omg!! Ateeeee!! Lexter? Lexter!!'

Sabay na sabi ni Lavender at Kath. Tsk nagshare pa talaga.

'Tulungan niyo ako nasa isang piranha ako, ang laki neto tsaka di kayo makakagamit ng kapangyarihan dito.'

'Okay lang kuya sige stay put ka muna kami na bahala paparating na kami. Take care kuya ko, Babye! Promise makakalabas ka. '

And our conversation ended. Sana nga. Sana makalabas pa ako.

~Marie's P.O.V~

Nag-usap kami nina kuya kanina na nasa isang piranha daw siya. Uhm? At first di kami makapaniwala pero naman! Di yan nagsisinungaling si kuya. Kaya ngayon eto kami nagpapanic at naghahanda.

"No! Di pwede yan malulunod kayo magigiba yung suit. May protective power shield yung piranha kaya di pwede." sabi ni Bela. Nag suggest kasi si Henny na magteleport papuntang loob-looban ng piranha kapag nakalapit na pero hindi pwede dahil ika nga may protective power shield yung mommy piranha.

"Guys? What if kausapin nalang natin yung mommy piranha tapos saka niya tayo papapasukin sa loob?" mungkahi ko.

"Sure kaba dyan Marie?"

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Kde žijí příběhy. Začni objevovat