Special Chapter

791 20 1
                                    

~Marie's P.O.V~

Nagising na lamang ako hearing my alarm and at the same time my phone. Anong oras na ba? Sabay talaga ha.

9:10 AM 

Ang aga pa lang ah? Sino na bang tumatawag?

ESTHENA

Bakit tumatawag ang bruha?

"Oh hello? Bakit ba? Natutulog pa yung maganda eh."

"Pupunta kami sa mortal world. Sama ka?"

Mortal world? Hmm, sounds like a good idea.

"Sure. What time?"

"We'll give you 10 minutes to pack and get ready. We are currently walking to the forest dahil kapag nagteleport kami, nakakabagot maghintay. Bilisan mo! By the way, maganda? Whe-"

I ended the call immediately, packed my things and shove it all sa bag ko. Nagdala ako ng dresses, jeans, shirts, basta lahat ng nagagamit. Naligo na rin ako and wore a long sleeve-off shoulder na crop top. Pinaresan ko naman ito ng tattered jeans at boots na may heels. Isinuot ko na ang adventure bag ko at inayos ang buhok ko. Nag messy bun nalang ako at isinuot ang sunglasses ko dahil baka mainit ang mortal world ngayon. 

Nagteleport naman ako kaagad at saktong kadadating ng girls. Girls?

"Tayo lang?" tanong ko.

"Bakit? Gusto mo dalhin ang buong Coreaceana?" mataray na sabi ni Esthena.

Kung magtatanong kayo, nakasuot si Esthena ng tube at sinabayan niya rin ito ng varsity jacket at denim skinny jeans. At dahil tumubo na yung buhok niya at below the shoulder na ito nagsuot na siya ng headband na polka dots. Yung may alambre ba? Yung ganun. Tas naka flat shoes ito na puti. 

Si Henny naman, ay wala. Talo kami dito. Nakagown eh. Charot joke. Nakablack shorts ito na sobrang above the knee. Pinaresan niya ito ng crossed crop top na kulay black rin. Naka white sandals lang ito at nakasunglasses rin. Wah, super sexy talaga nitong cousin ko! And, nakamessy bun rin siya. Mukha siyang model.

Si Isabela naman parang wala lang. Naka off-shoulder turtle neck ito na kulay flesh and pencil skirt na flesh rin. She's wearing heels na hindi gaanong mataas. At dahil nga mataas ang buhok niya she made it into a ponytail at nilagyan niya ng blue highlights. Nasa ulo niya ang kanyang sunglasses at nakasampay ang blazer sa shoulders niya. Cool!

Si ate Kath naman naka short na highways and tube. She's wearing shoes na kulay puti. Ayan lang, super simple. 

At kung bakit kami nakasuot nito? It's because para hindi kami magstand out. Ganito naman talga yung suot ng mga tao. Unlike here in Coreaceana, casual nga pero minsan lang yung sexy kasi Coreaceana is a kingdom at kailangan royalty is a must.

Pumasok na kami sa portal at nakarating ulit kami sa mall na narating din namin noon. Foodcourt parin.

"Omg! Look at those girls! Are they models? Ang gaganda nila!"

"Inggit ako, tara papicture tayo."

"For sure may mga boyfriends yan best! Super ganda eh."

"Tara na kasi papicture na tayo!"

Linapitan kami ng group of 6. May dalawang girls, tatlong boys at isang uh, girl or boy? They're so cute! 

"Woah, ang tangkad rin. Ah excuse me po mga miss. Pwedeng papicture kami? Ang gaganda kasi ninyo at baka mga model kayo." 

"Ah, hello! We aren't from here. We just visited again. But thanks anyways." ngumiti ako sa kanila at nagpicture naman kami. Nagpasalamat ang grupo at umalis naman sila hindi kalaunan. 

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now