Chapter 21 - Bonding

1.3K 33 0
                                    

~Marie's P.O.V~

Andito kami ngayon sa mall para mamili ng kahit ano. Kasama ko si Grayson at nandito kami sa 2nd floor.

May sinukat akong damit na simple pero maganda. Kulay purple kasi siya and long-sleeve. It got my eyes. Hehe.

"Gray, ano sa tingin mo?" I asked for Grayson's opinion.

"Looks good."

O diba? Maganda daw! Bilhin ko na 'to. Push na natin. Ano pa bang kailangan i-hesitate.

"Miss ito na po."

"Costs 200 php Ma'am." sabi nung cashier. Sus yan lang pala. Medyo cheap nadin siya no? Di pareha nung bahay hehe.

Binigyan ko siya ng 500 at nagsukli naman siya. Grayson got the bags by force. Ayoko kasi ibigay sa kanya dahil hindi naman mabigat pero kinuha niya at sinamaan pa niya ako ng tingin! Hmp!

Napadpad kami sa Men's Wear. Tinulak ko si Grayson at pinapili. Sayang din kung di siya magdadala ng souvenir ano.

"Uh?" after a few minutes mula nung magsukat si Gray nag-selpon lang ako at naglalaro ng tetris kasi naboring yung feeling ko. Kinalabit naman ako ni Gray at nagtanong kung okay lang ba yung suot niya.

"Aba, looks good! You got taste dude!" nakasuot siya ng polo na kulay maroon na may kaunting highlights and sleeveless din sa inside.

"Miss." tawag niya dun sa cashier at ibinigay ang pinamili niya.

"Yes sir hihi~ 100 php nalang for you!" ay! Maharot. Sampolan na ba natin? Ready ako bhie.

"How much is the real price?"

"200 php po hihi~" malantod! 

"Eto."

"Ang gwapo niyo naman, may girlfriend na po kayo?" ugh ang bagal niya. Nangigigil nako. What kind of service is it here!?

"Meron. Ayan o kita mo?" at dahil dun binilisan niya ang pag pack at binigay na yun kay Grayson, nagtuturo pa talaga sa labas ah. Nakakabwisit!

Eh? Bakit pala ako nabibwisit...

Inakbayan ako ni Grayson kaya nagulat ako. Kasi diba hinahanap ko girlfriend niya. Mamaya sakin yun.

"Problema mo?" sabi ko.

"Just go with the flow." sambit niya at nag-wink. Luh? Kinagwapo niya yon?

Yun nga ang nakakainis, kinagwapo niya nga. Ugh!

"H-huh? Te--"

"Let's go, babe." hala patay. Ano bang ginagawa nito?

"Tsansing kang feeler ka ah!" bulong ko.

"Shhhh! The girl will chase me. Please have mercy."

Nakasabay na namin sina Esthena at Joshua kaya sumama nalang sila sa amin. Di narin natanggal ang pagkaka-akbay sa akin ni Gray, di ko kase matanggal dahil mabigat. Anong laban ko? Macho yan, di ko kaya, kung gagamitin ko naman powers ko malalaman ng public diba?

"Plus points agad ah?" bigla naman akong nagulat dahil kay Ivan, andyan narin pala si Isabela. Nakangiti siya sa amin.

"Ya, ya. Sush you."

At dahil dun inakbayan na ni Joshua si Esthena at inakbayan na ni Ivan si Isabela. Pare-pareho silang magkakaibigan! Sarap iuntog.

"Oy!/ What is this madness!" sabay sabi ni Kuya at Henny, inggit lang kasi! Hihi. Si Michael naman nakalabas na sa stall dala ang limang shopping bags. Lemme guess, Henny's.

"OMAYGHAD. WHAT ARE YOU DOING WAAAAA!" tignan mo 'to si Michael. Mas grabe mag-react.

*WHACK*

"Aray!"

"Tumahimik ka! You are more over acting than me. Don't take my position okay!?"

"O-oo na!" umakbay naman si Michael pero hindi naman kumalag si Henny.

Ayii!!

"Sige, okay lang ganyan naman kay--" nakabangga si kuya ng pagkaganda gandang babae. Oh? Ayan na kay kuya.

"Sorry miss, didn't see you there." kuya helped the girl lift up her shopping bags.

"It's fine. Thanks!" sabay alis ng babae. Ay! Kala ko yun na eh!

"Uy! Bean boozled ha?" sabi ni Esthena at nag-smirk. Wow may plano.

-House-

Kumuha si Esthena ng 9 plastic cups at 9 din na glass of water. Ano namang gagawin namin dyan?

"Eto sayo, sayo, sayo ren, ito, ikaw ren, sayo den at sayo, eto pa, at akin!" sabay distribute niya sa cups at tubig.

"Ano bang gagawin natin?" tanong ko. "Mag-iinuman? Nako Esthena sana wine nalang sana kinuha mo."

"BEAN BOOZLED CHALLENGE! HAHAHAH!" ano yun? Mema naman 'to eh!

"Bumili ako nito sa mall. 2 pa nga eh alam niyo naman dakilang inggitera, simple lang naman 'no, kukuha tayo ng candy at may dalawang flavor yun, it's either bad or good. For fun lang naman walang scoring." paliwanag niya.

"Wala bang masusuka nito?"

"There are plastic cups for a throw up. I provided those since alam ko na may mahihina ang tyan dito. NO MENTIONING HEHE~!"

"Kinakabahan ako dito."

"Start! Blue muna tayo it's either Toothpaste or Berry Blue. 1! 2! 3!" sabay kain namin.

Nguya...

Nguya...

Nguya...

Nguya...

Berry Blue! Bad ba yun o hindi? Yaan na, masarap naman eh.

"Berry Blue nakuha ko!" sigaw ko sa kanila.

"Berry Blue."

"Toothpaste."

"Toothpaste." 

At iba pa.

"Eto it's either Rotten Egg or Butter popcorn! 1 2 3 go!"

Nguya...

Nguya...

Nguya...

Nguya...

Ewwww! ༎ຶ‿༎ຶ Rotten Egg? Naluwa ko yung candy at dala yung laway ko. Uminom naman agad ako ng tubig. GRABE ang sama ng lasa!

Nakakaiyak.

"Marie!/Ash!" sabay nilang sabi. Ay! Nabuga ko ang tubig ko sa gulat.

Bat ba nakasigaw!?

"Marie are you okay? Ikaw kasi Esthena ang sama pala ng mga lasa nit--" yun ang sabi ni Grayson paglapit niya sakin.

"Wag niyo akong ginugulat! Ano ba naman yan! Gray, I'm fine it's just a game! Balik ka na lang dun." nginitian ko siya at nginitian niya rin ako. Hihi~ lande ng ate niyo.

Pagkatapos ng laro nakausad kaming lahat pero si Henny lang ang may pinakamaraming tubig at luwa. Ako medyo 1/4 lang. Some kasi ng nakuha ko masama some naman ay masarap. 

Di naman nakakabusog 'to eh (〒﹏〒)

"And now, for our next game!"

*****

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now