Chapter 54 - Abduction

514 15 0
                                    

~Marie's P.O.V~

I made my speech and seriously my heart is breaking na may mamamatay na gifted. I mean, I know maraming mamamatay but I just can't take it...

"Ash! Gosh hindi ka nanaman nakikinig ano ba yan!" napatingin ako kay Ate Kath.

"Sorry. Ano nga uli?"

"Kumain kana kako, nanlalamig na pagkain mo." ulit nito na tinanguan ko.

"Is there something wrong, sis?" tanong ni kuya na ikinatigil ko. Yes Kuya. Madami. Una, war is tomorrow. Pangalawa, madaming mamamatay. Pangatlo, nakakasindak. Pang-apat si Tita Dark. Hayy.

"I think it's fine kuya. Really, it's fine." ngumiti ako at kinuha ang tinidor at kutsara para kumain.

A few minutes at ako nalang ang kumakain sa table. Lahat sila nagtatawanan. Konting desert nalang 'to ng sumakit ang ulo ko. Parang binibiyak.

"Marie. Marie."

"Princess!"

"Mamamatay kayong lahat!"

"Pathetic future queen."

"Wala ka man lang ginawa!"

"Wala kang kwentang prinsesa!"

"Future queen ha?"

"Mama! Mama!"

"Nak! Wagggg!"

"Ahhh!" napasigaw ako sa kirot ng aking ulo sa mga nakita ko. Is that t-the f-future?

"Lav!/Marie/Lavender!" sabay sabay nilang sabi. I started crying nung nilibot ko ang aking paningin. Lahat sila nagtatawanan, bukas baka iyakan na. This hell war.

It's so hard.

Agad akong hinila ni Cav dahilan para masubsob ako sa dibdib niya at dun ko lahat binuhos ang luha ko.

"Okay kalang?" tanong nila. Hanggang ngayon umiiyak parin ako. I can't take it anymore! May mamamatay! Madami! Why does it have to be like this?

"She needs rest." bago pa man makatayo si Calvin ay hinila ko na siya.

"I-I'm fine. Gutom lang siguro 'to."

"She already ate a lot though?"

Tumayo ako at kinuha ang plato ko para magsalin ng desert. Actually busog na ako. Nanginginig kong kinuha ang plato at papunta na sana ako ng table ng mabitawan ko ang plato dahilan ng pagkabasag nito. Sa basag na plato nakita ko ang maraming mga mukha. Mukhang mga umiiyak at galit.

Napaluhod ako kaya pinagtinginan ako ng lahat. Papalapit na sakin ang mga plato na kulay pula. Anong gagawin ko!

Ang gifteds ay nagpapanic na sa pinaggagagawa ko. I'm out of breath. I don't understand what's happening. Para akong nabingi. All I hear is beep. Linapitan naman ako ng boys. Si Calvin ang umalalay sakin at si kuya. Ang tatlo naman ay sinusuri ang plato.

"Anong nangyari sayo? Nabasag lang naman eh." ani ni Ivan.

"Hey you good? Wala namang nasa plato ah." dagdag ni Michael.

Umiyak na naman ako kaya nag-alala ang lahat. I'm weak. Wala, ayokong may mawala sa Coreaceana. If I have to sacrifice, then I will and I can.

"Anak? Lavender anong nangyari?" inalog ako ni Mommy habang ako ay nakatingin parin sa platong basag.

"Anak?" Daddy cleared out some of my hair na nasa mukha ko. "Ang lamig mo ah."

Napatingin ako kay mommy at naging pula ito na kulay dugo. May mga sugat din siya sa kanyang katawan. Maging si Daddy ay may sugat din.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now