Chapter 9 - Esthena

2.7K 77 1
                                    

~Marie's P.O.V~

"Ugh! Ang init dito wala bang aircon? Mas mabuti pa ang bahay namin may aircon dito na private wala! Tsk tsk." nagreklamo ako habang naglalakad sa hallway. After ng sagutan namin ni Henny biglang nang-init ang katawan ko at medyo namumula ako. Nakita ko rin kanina na umulan ng niyebe. Yung totoo? Anong nangyayari!?

"Ang reklamador mo naman bf-- Ahem! Bff!" Jenna said na parang nangdidiri, okay? Pati siya?

Di ko talaga malimutan yung pinagsasabi ng babaeng yun. Alam ko naman na pamangkin siya ng Hari at Reyna pero naman duh. Di niya naman pwede abusuhin ang kapangyarihan niya nang ganun 'no. May right ang lahat ng tao dito sa BA lalo na yung mga Noni-Gifteda. Tsaka hindi naman ako malandi ah, friendly lang.

"Marie?" tawag sakin ni Joshua kaya nagulat ako.

"Ay! Butiking palaka!" sambit ko.

"May ganyan bang hayop?" Jennalyn asked. Bat ba siya nangdidiri? Baka natatae hehe.

"Jennalyn! Chill ka nga! Kanina ka pa di mapakali! Natatae kaba?" sumbat ko kay Jennalyn.

"Ah! Oo haha ano daw? Mapakali? Pfft, d-di noh ano bang sina--" biglang naputol ang sasabihin sana ni Jenna ng nabangga siya sa isang babae.

"Ah!/ Ouch!" bungad nilang dalawa. Okay, ang hina lang nun e.

"Naku! Sorry po." tumayo ito at tinulungan si Jenna.

Teka, may gray siyang buhok? Wait no. Naging brown na siya.

"TUMINGIN KA SA DINADAANAN MO SA SUSUNOD!" bat parang galit na galit siya? Ibang Jenna na ata ang nakikita ko.

"Sorry." ayun nakikita ko na naman yung gray na buhok.

"Anong pangalan mo?" tanong ko ng napansin na nakayuko siya.

"I'm Esthena Janexien and I am an Air Manipulator. Teka, ordinary kaba?"

"I'm Marie Maerin, rhyme right? haha, ewan ko magulo e. (-_- 7)"

"Sorry din ah! I'm Jennalyn Lizzie Brown, black ahem! Ordinary noni-gifteda haha."

"I'm Joshua Malontudan ewan anong power ko."

~Esthena's P.O.V~

"I'm Joshua Malontudan ewan kung anong power ko." sabi nung lalaki, ang cold! Ang gwapo! Hihi.

"Would you like to join us?" tanong nung magandang babae na si Marie. I-describe ko ba siya? Hmm, mas matangkad ako, maganda siya tsaka may brownish hair, maputi tsaka pala-smile. Palangiti ata term dun e. And oh? She has purple eyes. That's cool!

"Sure! I would be happy to!" agad kong sagot. Medyo nahihiya pa nga ako kay Jenna e kasi nabangga ko siya.

"Great!" laking gulat ko lang na sumagot siya. Well, I smiled.

"By the way, nice eyes! Not to sound awkward but that's very rare. You look like Princess Ashione when she was still a baby." sabi ko pa.

"Ashione? Who's that?"

"She's the long lost princess of Coreacena na hanggang ngayon hindi pa nakikita. Wala lang share ko lang." nagkibit-balikat ako.

I'm from Aereshen and I'm one of the rulers there. I'm Aereshen Ruler Princess Esthena Janexien! May brother din ako and nandito siya, same kami ng school eh. Mas matanda nga lang ako. He is Aereshen Ruler Prince Michael Jonas Janexien, Earth Manipulator siya di kagaya namin ni Mama, nasa lahi kasi siya ni Papa. My mother is the Queen and my father is the King. Kung nagtataka po kayo na wala kami sa isang Academy na puro power lang ganito kase yun;

Ang princesa ng Coreaceana ay kinuha at sabi ng Hari at Reyna na hindi sila magpapatayo ng ganung Academy pag di nakita ang princesa kaya ito lang daw muna, bale halo halo yung may power at wala.

Walang academy sa Aereshen dahil natatamad ang parents ko. Charot. Ito kasi yung central school namin at dito tinuturuan ang lahat kung paano gumamit ng weapons at powers. May typical study din katulad ng mga umanmor ngunit konti lang dahil prino-prioritize ng Academy yung dalawang importanteng details na nagsisilbing bandera. Dito rin nag-aaral ang mga maharlika ng Wateria, Terrashen and Flamea. Pati narin ang villagers ng each kingdom.

"Let's go!" sambit ni Joshua na nakasimangot. Marahil naiinip sa maliit na chit-chat naming girls.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now