Chapter 19 - True Identity of Her Prince

1.5K 37 0
                                    

~Marie's P.O.V~

Nakaupa na kami ng bahay, hindi raw kwarto kasi mayaman daw ang namumuno dito.

Simple lang naman ang bahay nato, parang yung amin lang sa village. May kusina, may sala tsaka may mga kwarto rin para sa aming lahat. Tig-iisa ata? Ganun kayaman yung may-ari neto, binayaran naman namin siya ng 10,000 ata yun para dito na muna kami for 1 week.

*KNOCK KNOCK*

"Lil Sis?" tawag ni Kuya.

"Po?" binuksan ko nalang yun gamit ang powers ko. Tinatamad kasi akong tumayo. Hehe.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"What do you mean kuya?" nagugulumihan kong tanong. Wala naman kasi talaga akong problema sa pagkaka-alam ko eh. May dapat ba akong problemahin? ¯\_(⊙_ʖ⊙)_/¯

"I mean okay na ba kayo ni Grayson? Kami okay na kayo hindi pa."

"Not yet." nakayuko kong sabi.

"Alam mo Lavender, umuwi siya sa Coreaceana at bumalik sa Denria." anong lugar yun? Ngayon ko lang ata narinig ang Denria.

"Denria? San po yun?" tanong ko.

"It is the branch of Flamea wherein nakatira ang mga fighters na kagaya ni Grayson. Doon sila trina-train para sa mga upcoming wars na mangyayari baka sakali."

"Oh, Well balon. Babalik pa po ba siya? Sana hindi." I smiled. Dahil sa inis na dinaramdam ko sa kanya hindi ko man lang matignan ang mga mata ni Kuya na itinulak niya sa harap ng mga tao. How embarrassing would that be diba?

"May inaasikaso siya. Sana naman kapag nakabalik na siya friends na ulit kayo. Tsaka masama yang sinasabi mo ha. Sige, sa kwarto muna ako. Pahinga ka!" sabi ni Kuya at ngumiti tsaka ginulo ang buhok ko.

Hay. Napahiga nalang ako at naramdaman ko na bumibigat na ang talukap ng mata ko kaya nakatulog nalang ako.

But before that? I felt my heart ache.

~Gray's P.O.V (At Denria)~

"Gray, anak may sasabihin kami sayo." panimula ni Mommy nung nakarating ako sa palasyo.

"What?" I asked. If nandito si ate Selene for sure magiging maingay na naman yun at hindi pa maituloy yung sasabihin nila Mommy.

"Sinong nagsabi na wala ako? Andito ako para sabihin ang totoo sayo 'no. Wag kang assuming nandito ako palagi."

Yeah. Right.

"Just say it Mom, Dad. Mag-iingay lang si ate kaya may possibility na maudlot ang conversation natin."

"Anak, you are Prince Calvin Aaron Ylltoloneis." uh? It seems like I can't understand.

"W-what?"

"Ylltoloneis tayo but we just hid our real surnames at names para makawala sa Darkishena na yan." Darkishena? The Queen of Dark Kingdom?

"Yes, siya nga." Dad seems to have read my thought.

"So what are your real names?" I started after a few minutes of quiet.

"I'm Alessandra and your father is Andrie. Selene is still Selene but instead that is her second name. Her full name is Angela Selene Ylltoloneis."

"So maingay parin siya?"

"Aba!" sigaw ni ate Selene.

"Oo naman anak, but please hide it as a secret. Hangga't hindi pa nawawala sa mundo si Darkishena delikado pa rin. I love you anak, bumalik kana sa Mortal World." agad naman akong umo-o, di naman ako nagtakha nun. I am still their offspring so ayos lang.

*****

Nakabalik na ako sa mortal world kung saan kami umupa ng bahay, naabutan kong natutulog si Ivan at Michael sa sofa. Trip nitong mga 'to? May kwarto di naman ginagamit. Tsk! Utak naman mga utol. ಠ_ಠ

Naririnig ko sa mga kwarto ng mga babae ang hilik nila. Though minimal lang kasi naman wala akong super hearing ability. Tig-iisa kasi kami ng kwarto so magkakahiwalay kami.

Andito na ngayon ako sa taas, kaharap ko lang ang kwarto ni Marie or should I say Lavender at sa kabila lang yung kwarto ni Lexter. Magkabati na kami since we got here.

*Flashback*

"Hey Lexter."

"Oh, mangugulo ka nanaman ba? Wag dito. Haha!" he laughed.

"No, I just wanted to say sorry for what I did."

"Okay lang naman yun sakin eh, pero dun ka magsorry sa kapatid ko." sabay turo niya kay Marie. Marie is currently in the kitchen making some stuff with the girls habang kami ni Lexter ay nakaupo sa stairs. Si Ivan at Michael ay nasa sa kanilang mga kwarto na.

"Talaga?"

"Oo, wag ka lang magmadali. Siya kasi yung affected. Ilang taon niya din akong hindi nakita tas ganon yung magiging bungad."

Wrong move ka talaga dun!

*End of Flashback*

When Jealousy strikes.

"Po? Anong kinalaman ko diyan!"

"Eh ikaw kasi! kaya nag-away kami ni Marie."

"Tss."

Bigla nalang siya nawala sa Isip ko. Pumasok na ako ng kwarto at natulog, I've been thinking a lot. Hindi na kinakaya ng utak ko.

Kingdom Of Coreaceana (Defeating Darkness) Where stories live. Discover now