3

49 4 0
                                    

Shin's POV

Natapos na kaming kumain at nagk-kwentuhan na lang kami ngayon. I don't really know what I'm still doing here, hindi rin naman ganon ka interesting 'yong pinag-uusapan nila, puro lang sila tungkol sa basketball and past nila. Apparently, Kris was a student of DVU during his elementary stage. He was one of coach Cyrus' best player at matagal na silang magkakaibigan nila Blake. 

I should've just gone home at nag-train para sa mafia. Our mafia consists of six divisions, I am the mafia leader but our father is the boss. If you're wondering why I'm the leader eh ako ang pinaka bata sa amin at babae pa ako, it's because of the rules the mafia world have. One of the most crucial rule is that: kung ang naunang leader ng mafia ay lalaki, dapat siyang palitan ng anak niyang babae. And maybe that's why ang dami-dami namin ngayon, kasi kailangan ni Sr. Matt ng heir to his thrown.

"Ikaw Shin?" Tanong ni Blake sa 'kin.

"Ha?" Tanong ko dahil hindi ko siya napansin kanina.

"Sabi ko kung gusto mo na umuwi?" Tanong niya at nagkibit balikat ako.

"Kayo? Okay lang naman sakin kahit ano." Sabi ko at natawa sila.

"Sanay ka na bang maghintay?" Sabi ni Coach Cyrus at napairap ako.

"Wala akong sinasabi Coach! Issue ka." Natatawa kong sabi. Wala naman kasi talaga akong sinabi eh.

"Sus. Kunyari ka pa. Bakit daw kasi ang tagal mo, Kris?" Tanong niya at nagsigawan naman silang lahat habang napatawa na lang si Kris sa kagagawan nila. 

"Wala akong sinabing ganon! Tuwa ka naman dyan." Sabi ko kay Kris sabay sipa sa paa niya pero lalo lang siyang natawa.

"Ay iba na 'to, nagkakaron na ng sipaan pailalim!" Sabi ni Kevin at nag finger hearts pa.

"Edi wow." Sabi ko at nagpatuloy pa ang pang-aasar nila samin.

Makalipas ang ilang minuto ay umalis na din kami sa kainan at ngayon ay naglalakad na lang kami sa mall nila Blake, Kuya Miere, Kris, Keneth, Kevin at Alex. Humiwalay na kasi sa amin yung iba. 

Pumasok sila sa Tobys at tumingin ng mga sapatos. Nagpaiwan na lang ako sa labas dahil akala ko sandali lang sila, nagulat ako nong bigla na lang nagsukat ng sapatos si Alex. Matagal-tagal na hintayan pala ang gagawin ko rito. 

"Bookstore lang ako!" Sigaw ko sa kanila at nagtanguhan na lang sila habang tuwang-tuwa sa sapatos na nakapalibot sa kanila. 

Naglakad na ako papunta sa National Bookstore at nang makarating ako ay nagpunta ako kaagad sa books section.

Pumili ako ng ilang libro at nang ma-satisfy na ako sa mga libro na nakuha ko, umakyat naman ako sa second floor kung saan nandun ang mga school supplies at stationery. 

Kumuha ako ng madaming ballpen, highlighter, sticky notes, at notebook pagkatapos ay nagbayad na ako kaagad sa cashier. Naka apat na paper bag ako ng lahat ng pinamili ko. 

Nung makababa na ako sa first floor, nakita ko sila Blake sa may 18+ na section ng libro.

"Pre, maganda ba yung 50 Shades?" Tanong ni Alex kay Kevin.

"Panoodin mo." Sabi ni Kevin.

"Tara panoodin natin." Sabi naman ni Keneth.

"Mga tarantado. Ganyan ba kayo mag-usap sa harap ni Shin?" Tanong ni Kuya Miere sa kanila.

"Hindi." Simpleng sagot ni Alex. Napakalaki mong sinungaling Alexander.

"Kahit nakatalikod siya ganon din kami mag-usap." Pagdugtong ni Kevin at nabatukan naman silang tatlo ni kuya Miere.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon