36

17 1 4
                                    

Shin's POV

"Kris, nasa club ka na ba?" Tanong ko kay Kris through the phone. 

"Ano ba 'yan, magkikita naman mamaya magkausap pa!" Bulyaw sa'kin ni Brigitte at inirapan ko naman siya. 

"Kanina ka pa ha, naiirita na ako sa'yo. Kung hindi mo birthday kanina pa kita sinapak sa baga." Sabi ko sa kanya at tinawanan ako nang malakas at si Delanxe naman ang ginulo niya. 

Narinig ko namang natawa si Kris sa kabilang linya kaya naman nabalik ang attention ko sa kanya. 

"I'm gonna get ready tapos punta na ako. Kayo? Are you near?" Tanong niya at tumingin ako sa labas. 

"Yeah, we're almost there, five minutes tops." Sabi ko at nakarinig naman ako ng pagbagsak ng tubig. 

"Are you just taking a bath now?" Hindi ko makapaniwalang bulyaw sa kanya at narinig ko naman ang pagtigil ng ragasa ng tubig mula sa shower niya. 

"Uhm.. no?" Alinlangan niyang sabi at bumuntong hininga ako. 

"Hurry up, make sure to be there soon." Sabi ko sa kanya then we said our good byes. 

"Ang bossy!" Pang-aasar sa akin ni Kevin na nasa likod ko at inirapan ko siya. Sinundo kasi nila kaming tatlo sa bahay ni Brigitte.

Kagabi kasi sa unit ko na pinatulog sila Brigitte dahil wala na silang tutulugan sa bahay nila Alex at hindi naman na sila pwedeng mag-drive pauwi dahil lahat sila wasted kagabi at kami lang ni Kris ang nasa katinuan. Thanks to that momol session. 

Kaya naman kami napunta sa bahay ni Brigitte, si Blake gumising nang maaga, isu-surprise niya raw si Brigitte na maagang umalis sa unit ko, for some unknown reasons, kaya naman sumama kami ni Delanxe sa kanya. 

"Grabe, excited na akong maglasing!" Sigaw ni Delanxe at napatingin naman kaming lahat sa kanya na ngiting ngiti. 

"Palong palo!" Natatawang sabi sa kanya ni Alex na nagmamaneho at natawa naman kami. 

"Miss ko na uminom eh, bakit ba?" Pagmamaldita ni Delanxe at tinaasan naman siya ng kilay ni Brigitte. 

"Te? Kaka inom mo lang kahapon? Kaninang umaga sumusuka ka pa sa bahay ko ah?" Pang-aasar sa kanya ni Brigitte at natawa ako nang malakas. 

"Eh bakit ba? 24 hours nang walang dumadaan na alak sa lalamunan ko, nanghihina na ako." Sabi niya at napailing naman ako. 

Alak ata boyfriend nito hindi kuya ko eh. 

Pagkapasok namin sa club ay sinalubong kami ng maingay na tugtog at nakakasilaw na ilaw. 

"Wooooooh! Putang ina! Alak! Alak! Alak!" Sigaw ni Delanxe pagkatungtong na pagkatungtong niya sa club at iniwan na kami. 

"WOOOOOO! PARTY! PARTY!" Sigaw ko rin naman at naki sabay sa akin sina Alex at napatawa naman si Brigitte. 

"Wala ka pala, Alex! Mas masaya 'yong birthday ni Brigitte!" Pang-aasar ni Keneth at nagtawanan naman kami sa naging reaction ni Alex. 

"Whatever!" Sagot nito at sinuyod na ang crowd at nawala na sila sa paningin namin. 

Naghanap kami ng mauupuan nila Blake at may naka-reserve naman pala na table para sa amin at agad naman kaming umupo rito. 

I took my phone out and messaged Kris for an update.

"Asan na raw si Kris?" Tanong sa akin ni Keneth na may dalang Nachos and beer. 

"Hindi pa ako sinasagot eh, maybe taking a bath." Sabi ko sa kanya at inabutan naman ako ni Alex ng beer. 

"Nalasing ka ba kagabi?" Tanong niya sa'kin at tumango naman ako sa kanya. 

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon