11

31 3 0
                                    

Shin's POV

"Oh? Buti may ibang nakapasok dito?" Bungad ni Brigitte pagtungtong na pagkatungtong niya sa pool area at hindi ko naman na sila nilingon ni Delanxe.

"Don't ask me." Maikli kong sabi at ipinagtaptuloy ang pagkain ko. Ako na lang ang natitira rito sa lamesa, sila kuya nasa pool na. Ayaw ko pa lumangoy eh. Mas gusto ko kumain.

"Totoo ba yung sinasabi ni Miere na nanliligaw siya sa 'yo?" Tanong ni Delanxe at nanglaki ang mga mata namin ni Brigitte.

"MAY NANGLILIGAW SAYO?!" Sigaw ni Brigitte at agad ko naman siyang hinampas sa tuktok ng ulo niya ng ulo ng hipon na hawak ko dahil sa pagsigaw niya at nakita kong napatingin samin sila kuya at ngumiti ng mapang-asar sakin. Great.

"'Wag kang maingay, nasa loob sila Sr. Matt, baka sabay-sabay pa tayong mapagalitan dito. And technically, nangliligaw siya sa 'kin." Pagpapaliwanag ko at kumunot ang noo nilang dalawa.

"Anong pinagsasasabi mo?" Tanong ni Brigitte.

"Oo nga, may pa technically ka pa dyan." Sawsaw pa ni Delanxe at kumuha ng pagkain.

"It was all just a dare. Hindi naman namin gusto pareho, we're just literally stuck with each other. Sobrang manipulative kasi ng boyfriend mo." Sumbat ko kay Delanxe at tinawanan niya ako.

"Call him what you want but I won't call that dare wrong." Sabi niya at binato ko siya ng barbecue stick.

"Kadiri ka naman!" Singhal niya sa 'kin at inirapan ko siya.

"Can you tell my brother to stop with this? Nag-aaksaya lang sila ng oras nila. Pati oras namin ni Kris, nasasayang." Sabi ko at natawa naman si Brigitte.

"In your dreams, I'd enjoy watching this." Sabi ni Delanxe at napairap ako sa kanya.

"Why don't you just give it a try?" Tanon naman sa akin ni Brigitte at inirapan ko siya.

"I have a lot in my plate already." Sabi ko at tinignan niya ang kinakainan ko.

"That's not what I mean! I mean, busy na ako. Ayaw ko na ng isa pang dahilan for me to be busy. And do you really think that my parents would approve? They're literally okay with me doing anything but not a boy." Pagpapaliwanag ko at ngumisi si Delanxe.

"So what? There's only one rule. Imagine the adrenaline rush breaking that rule." Sabi niya at umirap ako.

"Bahala kayo sa buhay niyo, basta ako masaya na 'ko." Sabi ko sa kanila at nagpatuloy sa pagkain ko.

"Ayaw mo ba non, hindi ka magiging fifth wheel kapag may double date." Natatawang sabi ni Brigitte at sinamaan ko siya ng tingin at ipinagpatuloy ulit ang pagkain ko.

"Hindi ka ba matatapos kumain dyan? Ang alam ko bago mo kami tawagan kumain na kayo, pagdating namin kumakain ka, isang oras na tayo dito kumakain ka pa din!" Reklamo ni Delanxe sakin at napatawa si Brigitte.

"Pake mo?" Sabi ko at uminom ng tubig nung sigurado na ako na busog na 'ko.

"Natapos din!" Tumatawang sabi ni kuya Jin ng lumapit sila samin. Tumabi naman agad si Blake at kuya Miere kay Brigitte at Delanxe.

"Are you guys official?" Tanong ko sa kanila.

"Yes./Not yet." Sabay na sabi ni Blake at Brigitte. Maka not yet 'tong Brigitte na 'to akala mo may pag-asa kay Blake.

"Yes?!" Gulat na tanong ko kay Blake.

"Officially friends." Sagot niya at natawa naman kami habang nanlumo naman si Brigitte.

"Eh kayo? Official na kayo?" Tanong ni Blake sa akin at tumingin kay Kris na katabi niya. Ang magkatabi kasi ay si Brigitte, Blake, Kris, kuya Miere at Delanxe at katapat nila kami nila kuya Jonas.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon