24

32 1 0
                                    

Shin's POV

Nag-drive na ako papunta sa WOTG at agad namang nag-park. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Kris doon kaya lumapit na kaagad ako sa kanya.

"Thought you'll never come." Malamig niyang sabi.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah. My school is just around the corner. I already ordered." Sabi niya at tumango na lang ako.

I opened my phone at don ko lang nakita na ang dami niyang missed calls at texts sakin.

"Kris," Pagtawag ko sa kanya at tinignan naman niya ako without any interest.

"Galit ka?" Tanong ko at umiling lang siya.

"We?" Tanong ko at ngumiti siya sa 'kin.

"Hi, Shin!" Pagbati sakin nung isang lalaki sa gilid ko.

"Uhh hello." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Naks. Iba ata kasama mo ngayon ah? San sila Alex?"

"Wala na. Nagkasawaan na kami eh." Natatawang sagot ko sa kanya. 

"You look good together." Pagpuri niya sa amin at ngumiti na lang ako sa kanya at muling ibinaling kay Kris ang attention ko at nakita ko naman siyang nakatingin sakin habang nakangiti. 

"Bakit?" Taka kong tanong sa kanya. 

"Wala." Sabi niya at sumimangot ulit. 

"Bati na kasi tayo. Wag ka na mang-away." Natatawa kong sabi sa kanya. 

"Ayoko." Parang bata niyang sabi at humalukiplip pa.

"Kapag hindi ka nakipag bati sakin ngayon lalong hahaba yang baba mo." Pananakot ko sa kanya pero mukhang hindi naman umubra. 

Malamang Shin, kanino ba naman uubra 'yong pananakot na 'yon?

"Wala akong pake." Sabi niya. 

"Kris, sorry na, please? I promise I'll make it up to you. Promise talaga, hindi na rin mauulit." Sabi ko with full sincerity at tumingin naman siya sa akin.

"Sige na nga. Bati na tayo." Sabi niya at ngumiti nang nalawak kaya naman napangiti na rin ako.

"Teka, bakit ka ba nagalit?" Tanong ko sa kanya upon realizing that I did nothing wrong. 

"Anong bakit? Hindi mo alam?" Hindi niya makapaniwalang tanong. 

"Hindi. Kaya ko nga tinatanong diba?" 

"Nag-sorry ka ng hindi mo alam kung para saan?" Tanong niya at tumango naman ako sa kanya. 

"Mababa lang kasi pride ko." Sabi ko sabay kindat sa kanya. 

"Talaga lang ah?" 

"Oo, pagdating sa 'yo! Pero why were you mad at me nga? What did I do wrong?" Tanong ko ulit sa kanya since he did not answer me the first time.

"Buong araw ka kayang hindi sumagot sa text at tawag ko, na-miss kita nang sobra tuloy." Nakanguso niyang sabi at napangiti ako. This precious boy.

"Costumer Kris!" Tawag nung babaeng nasa counter at agad naman na tumayo si Kris. 

"Wait here." Sabi niya at naglakad papunta sa counter habang sinundan ko naman siya ng tingin. In fairness ang ganda ng uniform nila.

Medyo natagalan pa siya sa pagkuha nung pagkain dahil nakipagtitigan pa sa kanya 'yong babae at ngumiti ng pang malandi sa kanila.

"Sir, 'yon lang po ba gusto niyo?" Narinig kong sabi niya. Malapit lang kasi yung table namin sa counter at malakas naman ang pandinig ko kaya hindi malabong hindi ko marinig. 

I Know Places (COMPLETED)Where stories live. Discover now