4

41 3 0
                                    

Shin's POV

"Nakaka badtrip talaga 'yong si kuya Miere. Napagtripan pa kaming dalawa ni Kris na nananahimik." Bulong ko sa sarili ko habang nagmamaneho pauwi nang maalala ko na naman yung ginawa ni kuya kanina. Epal lang, eh.

Nang makauwi ako sa bahay, sa back door ako dumaan dahil ayaw kong makausap sila kuya. Tinatamad ako makipag biruan sa kanila ngayon kaya naman dumiretso ako kaagad sa kwarto ko.

Tho nandito lahat ng mga kuya ko ngayon sa bahay namin, kami na lang talaga ni Blake ang nakatira dito sa bahay. Sila kuya meron na silang sariling bahay pero dito pa rin naman sila natutulog gabi-gabi para samahan kami ni Blake. 'Yun nga lang, gabi na lang talaga kami nagkakakita-kita o minsan pa nga, hindi na. Hindi pa rin kasi kami pwedeng umalis dito kasi kapag pagtapos na kami sa Junior High saka lang kami pwede umalis. Ewan ko rin kung bakit may ganong rule sa bahay. Ang weird nga eh, ang daming rule na pinauso tapos hindi naman kami pwede magtanong kung bakit until we reach a certain age.

Inilapag ko muna sa isang tabi ang mga pinamili ko kanina sa mall at saka ako humiga sa kama ko at ikinalat ang katawan ko, nagmukha akong gumagawa ng snow angel. Pakiramdam ko sobrang pagod ko na pati ang buto ko ang sakit-sakit.

Napapapikit na ako nang biglang may malakas na hiyawan akong narinig. Hindi ko pala nalapat 'yong pinto ko.

Lumabas ako sa kwarto kk at sinilip kung sino ang nasa baba at nakita ko yung mga kuya ko na may dala na namang ibang babae na iba mula sa inuwi nila kahapon. Wala naman silang ginagawang kabastos-bastos ngayon, nanonood pa lang naman sila ng horror movie at grabe lang naman makakandong sa kanila yung mga babaeng dala nila. Normal pa 'yan.

Napabuntong hininga ako at sinubukang tawagan si Brigitte pero hindi naman niya sinagot kaya si Delanxe na lang ang inistorbo ko.

"Sup?" Pagsagot niya sa tawag ko. Pa-cold putek.

"San ka? Puntahan kita." Sabi ko habang nagpapalit ng damit.

"Andito sa bahay." Sabi niya at tumango naman ako though she can't see me. As soon as nakuha ko yung susi ng kotse ko sa drawer ay in-end ko na yung call at lumabas na sa balcony ko.

Kung dadaan ako sa living room, panigurado katakot-takot na tanong na naman ang gagawin nila kuya. Kahit naman ako ang leader sa mafia namin at ako ang pinaka malakas ay protective pa rin sakin sila kuya sa akin. Ang kasabihan kasi nila "Kami lang ang pwedeng manakit sa'yo." Mga adik, as if kaya nila akong saktan. As if merong may kaya na manakit sakin. After all the pains I went through sa trainings, masasaktan ako sa isang suntok o hampas? As if.

Tumalon na ako mula sa balcony ng kwarto ko at pagkababa ko naman ay may nakita akong mga reaper na nakapalibot sa bahay at nakita kong nakatingin sila sa akin habang nakanganga.

"What?" Pagtataray ko sa kanila at agad naman silang nag-iwas ng tingin sa akin.

Naglakad ako papunta sa garage na malayo sa bahay at 'yon ang ginamit ko. Isa 'to sa mga paborito kong sasakyan kasi bigay siya sa 'kin nila Sr. Matt personally, kaya ganon ko na lang ka-ingatan 'tong sasakyan na 'to.

Agad akong umalis sa subdivision namin at nagmaneho papunta kila Delanxe.

Nung makarating ako sa bahay nila ay pumarada na ako sa labas at dire-diretsong pumasok sa bahay nila. Kilala na naman ako ng mga tao dito dahil halos lagi na akong nandito.

"Hoy." Bati ko sa kanya.

"Oh, ba't ka nandito?" Tanong niya sakin habang nanonood siya ng Peppa Pig sa t.v nila. Apaka isip bata naman netong babaeng 'to, anong mapalala niya diyan? British accent? Mommae? 

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon