28

14 1 0
                                    

Shin's POV

Pagkabalik ko sa classroom ay eksaktong pumasok ang advicer namin. Si Ma'am Combate. We often call her Mama Beth.

"Good morning, Love." Pagbati niya samin nang nakangiti.

"Good morning, Mama Beth." Nakangiti rin naming sagot sa kanya.

"Mukhang maganda simula ng araw mo ah?" Mapang-asar na bulong sa akin ni Alex at tinawanan ko lang siya.

"Luh. Ang saya niya nga." Sabi niya at hindi ko na lang siya pinansin dahil baka masira lang araw ko.

"Ngayon alam niyo na ang gagawin niyo, hindi ba?" Tanong niya at tumango naman kaming lahat.

"Pero bago natin simulan ang lahat, gusto kong ipakilala sa inyo ang bago niyong kaklase." Sabi niya at pumasok yung isang lalaki na may skateboard. Parang pamilyar siya.

"Gazfrelle." Sabi niya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nasa pinaka likod na kasi kami.

"Nang-aasar ba 'to?" Bulong ni Alex kaya napatingin ako sa kanya.

"Kilala mo siya?" Bulong ko rin sa kanya.

"Siya yung muntik na makabangga sayo." Sabi niya at napatango naman ako. Oo nga. I knew he's familiar.

"Hi, I'm Shin." Pagbati ko kay Gazfrelle at saka nag-offer ng kamay.

"I know." Nakangisi niyang sabi at saka tinanggap ang kamay ko.

"Please pagpasensyahan mo na si Alex. Protective lang talaga." Nakangiti kong sabi sa kanya at pinasadahan naman niya ng tingin si Alex na nasa kabila ko. 

"Who's he? Your boyfriend?" Tanong niya at umiling ako kaagad.

"My bestfriend." Sabi ko at tumango naman siya.

"So wala kang boyfriend?" Tanong niya at napatitig naman ako sa kanya.

"None." Blangko kong sabi. Kris, I'm sorry.

"But I'm not looking for one." Dagdag ko kaagad.

"Okay. Nagtanong lang ako. Calm down." Sabi niya at ngumisi ulit.

"Talagang nakipagkaibigan ka pa, ha?" Tanong sakin ni Alex.

"Duh. Katabi ko siya. Awkward naman nun kung hindi ko siya papansinin." Sabi ko at hindi na siya nagsalita.

Nagsalita na ulit si Mama Beth at ginawa na namin ang nakagawian kung pano mamili ng clubs. And surprisingly, 49 kami ngayon so sakto lang ang bilang namin kung hahatiin sa 7 dahil 7 ang subjects namin.

"Ako na bahala sa club natin." Sabi ni Brigitte at isinulat ang pangalan namin sa MAPEH club. What the actual fuck? Bakit ako isasali ni Brigitte dyan eh alam naman niyang hindi ako fan ng MAPEH! 

Natapos na silang mamili sa clubs at pumunta na kami sa basketball court dahil doon gaganapin ang meeting para sa MAPEH club.

"Okay guys, good morning." Pagbati sa amin ni Sr. Jherwin, ang subject coordinator for MAPEH.

"Ang tagal na palang teacher dito ni Sir. Naturuan niya pa raw sila mama." Sabi ni Blake at napatango naman ako.

"Lupet." Mahina kong sabi.

"So, magsimula na tayo." Sabi ni Sir at nagsimula na ang election of officers.

"President: Shin Iris Bautista Tuazon
V. President: Delanxe Blaire Montreal
Secretary: Brigitte Anne Alcantara
Treasurer: Alexander Lee 
Auditor: Kevin Ayala 
P.I.O: Keneth Ventura 
P.O: Blake Andrei Bautista Tuazon" Pag-announce ni Sr. Jherwin matapos ang election. Nagulat nga ako na president na pala ako paggising ko.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon