29

21 0 0
                                    

Shin's POV

"Oh, Kris? Hindi ka lumabas ng court?" Tanong nung ibang members ng basketball team nila pagbalik nila at napatigil naman sila nung makita nila kami nila Brigitte dito. Nakalimutan ko ngang kasama ko sila. Bigla na lang silang nawala sa isip ko simula nung lumabas ako sa kotse ko.

"Ah, kaya pala isang oras ang break, may bisita." Sabi ng isa sa kanila at tinawanan naman sila ni Kris. 

"Siya yung kasama mo non nung nakaraang laro diba, Kris?" Tanong nung isang lalaki sabay turo sa akin.

"Oo, bakit?" Seryosong tanong naman ni Kris sa kanya.

"Wala. Ganda niya kasi brad. Tumatak na yata siya sa puso't isip ko." Sabi niya at tumawa nang malakas pagkatapos ay inasar naman siya ng mga ibang tao pa sa court habang nagkatinginan naman kami ng mga kasama ko.

" Ganda ba? 150 laps. Now!" Sigaw ni Kris kaya natahimik silang lahat pero tumakbo naman na sila.

"Next time wag mo na hayaan na maabutan ka nila." Sabi ni Kris habang nakatuon sa fence yung dalawa niyang kamay at nakasubsob naman yung mukha niya papunta sakin.

"Oo na. Mag-train ka na." Natatawa kong sabi at kumindat naman siya bago siya nanakbo pabalik sa court.

"Aba. Improving ang lovelife ah." Paninita ni Brigitte at sinundot ang tagiliran ko. 

"Sa 'yo lang naman ang  hindi improving eh." Pang-aasar ko sa kanya at inirapan naman niya ko.

"Pero teka mamshie, ano 'yong sinasabi nung isa na kasama ka ni Kris sa laro? Ano 'yon? Hindi yata kami updated don ah." Sunod-sunod na tanong ni Delanxe at napukaw naman nito ang attention din ni Brigitte. 

"Wala. 'Yon 'yong nag-away kami ni kuya Jonas then we accidentally saw each other. Tapos ayon, pinanood ko na lang siya maglaro." Pag-explain ko at tumango naman sila.

"Ikaw ha." Sabi niya at nagtaas baba pa yung kilay niya. Akala mo merong kilay.

Lumipas ang ilang oras at tapos na din ang training nila Kris pero hindi pa rin tapos yung 'club formation' namin. Pwede naman kasing pagkatapos ng meeting pauwiin na, ang dami pang arte.

"May isang oras pa tayo. Kain kaya tayo?" Tanong ni Kris habang nagpupunas ng buhok niya sa tabi ko.

"San naman tayo kakain?" Tanong naman ni Brigitte.

"Easton Town tayo kain." Pagyayaya ni Blake.

At sa Easton Town nga kami nauwi. Basically mall siya na ginawa talaga para sa mga students ng Easton University. Pero ginawa na rin siyang open para sa lahat ng tao.

Nag-decide sila na sa Foodpark na lang kumain. Para lang siyang food court sa SM malls.

"What do you want to eat?" Tanong sa akin ni Kris.

"Ikaw?" Tanong ko.

"Shin, alam kong yummy ako, pero I respect you, okay? Darating din tayo dyan, but not now." Sabi niya at nahampas ko naman siya.

"Baliw ka, I mean, ikaw? Anong kakainin mo?" Paglilinaw ko at tumango naman siya. 

"Ah. Hindi mo naman nilinaw agad. Gusto ko lang ng Turks siguro." Sabi niya at tumango naman ako.

"Turks din kayo? Ako na bibili." Sabi nung isang kasama ni Kris. Kurt ata 'to. Basta may aura rin 'to kay Brigitte eh.

"Tumatanggap ba sila ng card? Wala akong dalang cash." Sabi ko at nilabas yung credit card ko sa case ng phone ko at natawa naman si Kris. 

"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya. 

"Nothing, you're so cute." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. 

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon