15

22 2 0
                                    

Shin's POV

Pagkababa ko sa parking lot ay sumakay na kaagad ako sa kotse ko, pero bago pa ko tuluyan na makaalis sa parking ay hinarang na ako ni Kris.

Pumasok siya sa passenger's seat at nag-seat belt pa. Problema nito? May tinatakbuhan ba 'to?

"Bakit ka nandito?" Naguguluhan kong tanong sa kanya habang nakatigil pa rin yung sasakyan ko at may bumubusina na samin na kotse sa likod.

"Wala lang. Go, may sasakyan sa likod natin." Natatawa niyang sabi at tinignan ko siya nang masama.

"I'm not going anywhere unless you give me an answer, Kris." Seryoso kong sabi sa kanya. He is invading my car! I need at least an explanation kung bakit bigla na lang siyang nag-seat belt sa tabi ko!

"Talaga lang ha?" Tanong niya sakin nang nakasmirk.

"Try me." Sabi ko at pinatay ang makina ng sasakyan ko at nakita ko namang nag-panic siya. Lalong tumindi ngayon yung pagbusina ng sasakyan sa likod namin.

"Damn, Shin! Paandarin mo na 'yong sasakyan mo at sasabihin ko sa 'yo on the way." Sabi niya at panay na ang tingin niya sa likod pero hindi pa rin ako gumagalaw at nakatingin lang ako ng diretso sa security guard na papalapit sa amin.

"Okay, eto na. Sasabihin ko na, dapat kasi talaga sasabay ako sa 'yo sa parking, sasamahan kita, kaso napansin ko nga na na-awkward ka, kaya pinindot ko yung main floor, kaso sabi mo naman ayaw mo na umalis ako. Sayang sa pogi points kung hindi ako aalis eh pinindot ko na yung main fooor kaya umalis na lang ako tas ginamit ko yung hagdan pababa para makahabol ako sa'yo dito sa parking lot." Pagpapaliwanag niya at natawa ako.

Binuksan ko na yung makina at bago pa makatok ng guard yung bintana ng kotse ko ay napaharurot ko na ito palabas.

"Damn, masyado kang loyal sa salita mo." Sabi niya at pumikit nang mariin. I smirked.

"I am a woman of my word." Nakangiti kong sabi habang hindi tinatanggal ang tingin ko sa daan. I hear him laugh and it echoed in the whole car.

"You're crazy." Sabi niya at tinawanan na naman ako.

"I'm your crazy." Bigla kong sabi at parehas kaming natahimik dahil sa sinabi ko. Shin Iris, where the hell did that come from?!

"So you're mine?" Nakangisi niyang sabi pero umirap lang ako sa kanya.

"Asa ka," I said trying to play it cool.

"Matagal naman na akong umaasa sa'yo." Sabi niya pa sabay kindat. Itinigil ko naman sa gitna ng kalsada yung sasakyan ko at tumingin nang masama sa kanya.

"Tatahimik ka o sisipain kita palabas ng kotse ko?" Tanong ko sa kanya at napalunok naman siya.

"You do realize that we're in the middle of the highway, right?" Tanong niya.

"Do you think I'm stupid?" Pagtataas ko ng kilay sa kanya. I need to shut him up dahil hindi ako makapag-focus in driving! His fucking voice is distracting me.

"This is why 15 year olds are not allowed to have a license." Sabi niya but I didn't react and just looked at him habang minumura na kami ng ibang drivers dito.

"Sabi ko nga, tatahimik na lang ako buong buhay ko." Sabi niya at pinaandar ko na ulit yung sasakyan ko.

"I just realized, you already broke two rules for me." Sabi niya at natawa.

"Seryoso Kris, tigilan mo na yang ganyan mo, masasapak talaga kita." Natatawa ko rin namang sabi sa kanya. Mukha kasi siyang tanga.

"Okay, okay. Now focus on the road and don't talk until we get there. Lagpas ka na nang sobra sa speed limit." Sabi niya at bigla siyang naging seryoso. What's with his hormones? Naiinis ako. Ang moody niya.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon