38

8 2 0
                                    

Shin's POV

"Why is my baby sad?! It's your birthday!" Masiglang sabi ni Kris pagkabukas ko ng pinto ng unit ko.

"Kasi, ang unfair lang. Nung mga birthday naman nila pumunta ako, kahit gano ako ka pagod sa training and kahit sobrang busy ng schedule ko, ginawan ko ng paraan para maka-attend ako sa mga birthday party nila. Tapos sila hindi nila ako pwedeng samahan." Sabi ko at may namuong luha naman sa mga mata ko.

Agad naman niya akong binuhat at niyakap nang mahigpit bago ako halikan sa noo. 

Nalulungkot lang kasi talaga ako dahil ang ganda na ng plano namin ni Blake para sa birthday naming dalawa. We agreed on renting Enchanted Kingdom for our whole birthday pero we ended up cancelling it since hindi sila pwedeng lahat.

Delanxe said she's out of town dahil sinama siya ng dad niya for business, si Alex naman after namin mag-usap medyo naging mailap sa akin at pala absent na rin. Sila Kevin, Keneth, at Brigitte naman game lang daw sila pero last minute nag-cancel sila bigla.

Si Brigitte masama raw pakiramdam niya kaya hindi ko na lang siya pinilit kasi alam ko naman nangyayari sa sistema nung babaeng 'yon, sila Kevin naman bigla na lang nagkaron ng training tapos ang sabi pa raw ni coach hindi sila paglalaruin kapag nagkaron sila ng absent ng practices kaya hindi ko na rin sila pinilit.

"It's okay, baby. They'll make it up to you." Sabi ni Kris at niyakap na naman niya ako nang mahigpit. 

"They better be. Hindi ko sila bati kapag hindi sila bumawi sa'kin." Sabi ko nang nakanguso at narinig ko namang tumawa si Kris.

"Do you want to go grab some breakfast bago tayo magpunta ng EK?" Tanong niya sa'kin at tumango naman ako sa kanya.

"Okay then, get ready. Ligo ka na, I'll be waiting." Sabi ni Kris at tumango ako sa kanya at naligo na.

Nagsuot lang ako ng white croptop at maong shorts tapos converse at backpack na black para chill lang ang outfit ko.

Mainit kasi ngayon at malamang naman mababasa ako sa mga rides kaya hindi na ako nagsuot ng something extra, saka perfect na rin naman 'to for EK.

"Tara na." Sabi ko kay Kris at tumango naman siya sa'kin at inabot sa'kin ang susi ng sasakyan ko.

"Can you drive? May paltos kasi ako ngayon eh." Sabi niya at tumango naman ako.

I don't really mind, I actually enjoy driving.

"Saan tayo kakain, Kris?" Tanong ko sa kanya at napaisip naman siya.

"Punta tayo sa Martessem, maganda view ron." Sabi niya at tumango na lang ako sa kanya at agad na kaming umalis. 

Our drives was just composed of singing out loud and making out while we're stuck in traffic, and to be honest, this is the best road trip yet. 

-

"Oh god, ang lamig." Sabi ko pagkalabas ko ng sasakyan at tumawa naman si Kris. 

"Here. Wear this, buti na lang pinagdala kita." Sabi niya at inabot ang hoodie niya sa'kin. 

"Aw, thanks." Nakangiti kong sabi at hinalikan naman niya ako sa ulo bago kami pumasok sa loob. 

"Masarap ba food mo?" Tanong ni Kris at tumango naman ako sa kanya. 

"I like the view." Sabi ko kay Kris at tumingin sa magandang view na nasa harapan namin at inakbayan naman niya ako bago na naman halikan. 

"You like the view?" Bulong niya sa'kin at tumango naman ako sa kanya. 

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon