5

46 3 0
                                    

Shin's POV

Tahimik akong nagmaneho pauwi sa bahay namin. Si kuya Miere lang ang umuusap saming tatlo at hindi naman namin siya masyadong pinapansin ni Kris.

I know I have all the right to not feel ashamed since wala naman akong ginawa and he just complimented me, pero hiyang hiya ako ngayon at gusto ko na lang tumalon palabas ng sasakyan ko.

Panay run ang pagsipol ni Kris at hindi rin siya makatingin sa 'kin. Ang layo-layo niya rin sa akin na halos dikit na dikit na ang katawan niya sa pinto ng sasakyan ko.

"May nangyari ba sa inyo? Bakit sobrang tahimik niyo." Pagsuspetsa ni kuya Miere at hindi naman namin siya kinibo ni Kris.

"Ah, meron nga. Ano?" Tanong na naman niya at wala na namang sumagot sa aming dalawa.

"Tang ina may kausap ba ako rito?" Tanong niya nang wala na namang sumagot sa kanya.

"Pakibaba na lang 'yong pinamili ko. Binuksan ko na 'yong trunk." Sabi ko sa mga reaper na sumalubong sa amin at agarang bumaba sa sasakyan ko nang makarating kami sa tapat ng bahay. Inihagis ko ang susi ng sasakyan ko sa isa pang reaper.

"Bakit ngayon ka lang?" Bungad sa akin ni kuya Jin pagkapasok ko ng bahay.

"Hinatid ko pa kasi si Delanxe sa kanila, tapos nagpaintay si kuya Miere." Pagpapaliwanag ko at tumabi naman ako sa kanila.

"Asan na mga babae niyo?" Tanong ko at napatingin naman sila sa akin.

"Bakit mo alam?" Tanong ni kuya Jonas.

"Lagi naman kayong may uwing babae rito, ritual  niyo 'yin eh." Sabi ko at natawa naman sila.

"Pinauwi na namin bago ka umuwi. Alam naman namin na ayaw mong nagpapakita samin kapag may ibang babae rito." Sabi ni kuya Trace at tumango naman ako sa kanya.

"Wassup mga tanga." Pambungad ni kuya Miere sa kanila pagpasok niya ng bahay habang nakasunod sa kanya si Kris at yung mga reaper na may dala ng pinamili ko.

"Baka patayin kita." Pambabara sa kanya ni kuya Jin at nagtawanan naman kami.

"Sino 'yan?" Tanong ni kuya Jonas sabay turo kay Kris.

"Si Kris, manliligaw ni Shin." Sabat ni Blake at napahinga naman ako nang malalim.

"Ah siya ba 'yong sinasabi mo sa GC, Miere?" Natatawang sabi ni kuya Jonas at napalingon naman kaming dalawa ni Blake sa kanya.

"Anong GC?" Sabay naming tanong ni Blake Blake Blake namang nag-notify na message sa akin. So ang ibig sabihin nito, meron silang GC na wala kami ni Blake.

"Teka, dito niyo dalhin 'yan gusto ko na kumain." Utos ni kuya Jin nang makita niyang dadalhin na dapat ng mga reaper 'yong pinamili ko sa kusina.

"Anong GC?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Wala, GC namin na bawal sa mga bata." Sagot ni kuya Miere at tinignan ko naman siya.

"Eh kasama ka ron ah? Hindi ka pa kaya 18." Sabi ko sa kanya at tumawa naman siya.

"Bakit naman ako gagawa ng GC na hindi ako kasali? Teka, Kris. Upo muna tayo." Sabi ni Kuya Miere at sadyang itinabi sa akin si Kris.

"Hoy, malaman ko lang na sinaktan mo kapatid ko sinasabi ko sayo ibabaon kita sa hukay." Pagbabanta ni kuya Jin kay Kris at nanigas naman sa tabi ko si Kris dahil seryoso talaga ang mukha ni kuya.

"Kahit sakit sa ulo 'wag na 'wag mong bibigyan 'yan, makakatikim ka talaga sa aming lima." Pagbabanta rin naman ni kuya Trace.

"Ano ba? Tigilan niyo na kasi 'yong tao, pati hindi naman talaga 'yan manliligaw, dinare lang siya ni kuya Miere." Pagdepensa ko kay Kris at tumawa naman si kuya Miere.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon