17

41 2 1
                                    

Shin's POV

My whole day yesterday with Kris would have been great. It was okay, though. Kung hindi lang talaga siya isang malaking palkups na mahilig mang-asar at mang manyak. Lahat na lang kasi ng jokes tungkol sa paggawa raw 'namin' ng baby.

But of course, I was never offended. Feeling ko naman hindi ako binabastos ni Kris in that way, he's just really hell-bent on pissing me off.

Ngayon nandito kami sa Beach Resort nila Delanxe sa Palawan. Hindi ko nga alam kung kailan pa siya nagplano na magpunta rito. Out of the blue kagabi nung patulog na ako ay bigla na lang niya akong tinawagan at sinabing susunduin niya kami ni Kris sa condo at magpupunta kami ng Palawan. Hindi na ko nagulat nung nakita kong kasama si kuya Miere at Blake, nagulat ako dahil tatlong van ang magkakasunod na nakaparada sa harap ng building ng condo. At lahat ng 'yon ay kasama namin.

Kailan pa nagkaron ng tatlong dosenang kaibigan si Delanxe?

Nandito kami ngayon sa kwarto naming tatlo, siyempre may sarili kaming kwarto. Bukod kaming tatlo sa iba pang babae na kasama namin dito sa resort. 

"Di pa kayo magpapalit?" Tanong sa amin ni Brigitte na ngayon ay kinukuha na ang pamalit niya sa maleta niya. Ilang buwan ba siya rito sa resort at maleta pa ang dala niya? Ako nga bagpack lang ang dala ko. 

"Sabay tayo, gusto mo?" Nakasmirk na sabi ni Delanxe at napatawa ako nang malakas. 

"Sabay raw kayo, patulan mo na!" Pang-aasar ko at inirapan naman kami ni Brigitte bago pumasok sa banyo ng kwarto namin. 

"Napakabastos mo." Sabi ko kay Delanxe at natawa naman siya. 

"At least sa inyo lang." 

"Talaga? Hindi kasama kuya ko?" Panunumbat ko sa kanya at namula pa siya kakatawa!

"Aba ang hayop hindi man lang dineny!" Sigaw ko sabay ako hagalpak naman ang tumawa nang malakas.

"Ang saya mo na naman eh, no?" Sabi niya sabay irap sakin kaya napatigil ako sa pagtawa. 

"Bawal na ba maging masaya? Ha? Letche ka ah." Sabi ko at lumabas ng kwarto namin para maghanap ng makakakain. Buong byahe kasi natulog lang ako kaya walang pagkain sa sistema ko ngayon. Nakarating ako sa baba at ang dami kong nakitang tao na hindi ko kilala. 

"Hi Shin." pero kilala nila ako. Ang weird. Like hindi ko talaga malaman kung pano nila ko nakikilala. Ngumiti lang ako sa kanila at dumiretso na sa kusina para maghanap ng makakain. 

Tumingin ako sa mga plastic bags na dala namin at may nakita naman ako sa mga chichirya na mukhang masarap kaya kinuha ko na. Kumuha na rin ako ng tatlong canned coke sa reff. Binuksan ko yung isang canned coke at aakyat na sana ako kaso may bumangga sakin na babae.

"Tang ina." Gigil kong sabi at tinignan nag masama 'yong babae na bumangga sa 'kin. She even has the audacity to smirk at me?

"Ligpitin mo 'yang kalat mo bago kita isubsob dyan." Cold kong sabi sa kanya at tinawanan niya ako.

"That's not really mine. Sa 'yo yang coke." Sabi niya. Tinignan ko muna siya ng ilang segundo at narinig ko na pumasok sila Alex sa kusina. 

"Oh, ano nangyari dito?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin. 

"Eh sinong tanga ba ang bumangga sakin?" Matalim kong tanong dun sa babae. 

"Ewan. Di naman ako tanga eh." Sabi niya habang umiirap at napatawa ako. 

"Denying that you're not dumb just proves how dumb you really are." Natatawa ko ring sabi sa kanya.

"Come on, stop blaming me. Hindi ko kasalanan na tanga ka." Sabi niya nang natatawa at tinaasan ko siya ng kilay. I'm no fucking near stupid and everybody knows that.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon