Chapter 1

1.2K 29 26
                                    

Sa kilos ko, pananamit at pananalita, naka adapt na ako sa pamumuhay ng mga pranses. Malapit na akong maka graduate sa kursong fashion design, kasalukuyang nag tatrabaho bilang barista ng coffee shop sa business district ng Paris.

"Jenna, merci beaucoup!"

Pagpapaalam ng isang regular customer ng coffee shop. Madali lang ako nakapasok na part time sa coffee shop dahil sa experience ko sa pag tatrabaho sa café na pag aari ng best friend ng mommy ko na si Mama Dels sa Pilipinas.

Pinili ko na pumunta dito para maka move on ang bata kong puso na maagang nasaktan. Naging masaya naman kahit papano ang buhay ko dito. Walang gulo, walang may nakakilala, walang may kaaway at wala ding masyadong kaibigan. Pero kung sa akala niyo na malungkot ang ganoong buhay? hindi ko alam kasi kahit pa noon sa Pilipinas ako wala din naman ako masyadong kaibigan.

Ang alam ko lang madami ang nag papahangin o gustong manligaw. Hindi ko alam kong anong meron ang ordinaryo kong mukha, maputlang pagka puti dahil hindi masyadong naarawan, malalaking mga mata na parang isang kuwago.

Ako ngayon ang naka tao sa counter kaya ini expect ko na may mga small talks sa customer. Kahit gustong gusto ko nang tarayan yung iba, ilang beses na akong na warningan ng may ari, na sa susunod daw na mag suplada ako sa customer paalisin na daw niya ako. Busy ako sa pag eestima sa isang regular customer na nag tatanong ng pangalan ko sa kasalukuyan.

"It's Jenna monsieur." pagpapakilala ko in French. Kahit feeling ko umuusok na yung tenga ko at namumula na yung mukha ko sa matandang ulianin na nang mamanyak sa mas batang babae.

"Napaka ganda mo Jenna, pwede ba kitang yayaing mamasyal minsan?"

Hindi ko alam ang isasagot ko sa isang ulianin na every day niyaya akong mamasyal. Nginitian ko nalang siya ng peke. Biglang tumikhim ang naka pila sa likod na naiinis na marahil, saka naman umusod ang matanda pero hindi pa din umaalis.

"You like dating much older men?."

Seryoso at nakakamamatay na titig ng sumunod na customer. Nagulat ako, nasorpresa at natulala. Mga ilang sigundo din ako na nasa ganoong situasyon. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? At ang puso kong baliw ay patraidor na natuwa. Pilit ko sinasaway pero tumalon talon pa lalo.

"One hot caramel machiatto please." Casual na order nito. Pero Capuccino ang paborito nito.

"Why are you here Romano?" Tanong ko.

"Business." Tipid niyang sagot

Pagkatapos ibigay sa kanya ang kape niya ni hindi manlang ito nag paalam umalis kaagad ito. At ang aking heart ay umiyak ng dugo. Nagngagawa na tinatawag si Romano pabalik. Pero ang sarili ko, nairita ng sobra. Ayuko na siya makita kahit kelan, bukas na bukas din maghahanap ako ng ibang trabaho para makaiwas.

Ang apartment ko na nererentahan ay hindi kalayuan sa University na pinapasukan ko at hindi din malayo sa cafe. Pagkatapos ng shift ko ay naka salubong ko ang matanda na nagyayang mamasyal sa akin, mga edad 70 years old. I politely turn hin down saka dere derecho sa apartment ko. Routine lang naman ang buhay ko sa Paris, walang pinagkaiba sa buhay ko sa Pilipinas, school, trabaho at bahay. Paminsan minsang niyaya lumabas ng mga kakilala at kasama sa trabaho pero madalang pa sa patak ng ulan sa Sahara dessert. I am 21 years old, minsan nang nasaktan sa relasyon na hindi pa nga nabuo ay wasak na kaagad.  Kaya natrauma ako at hindi ko alam kong may iibigan pa ako na lalaki maliban sa lalaking iyon.

In 2009 Flashback

Jenna Dianne Polaris Marasigan Third Year Practical Arts, Unibersidad de San Benedicto. yun ang naka pangalan sa sticker ng libro ko na trigonometry na sobrang linis at walang gusot. Ni hindi ko napag aralan o nabuksan manlang dahil unang pahina palang ay inaantok na kaagad ako. Number dyslexia yun daw ang kalagayan ko, the inability to read numbers. Kaya't naka isip si Mommy ng bright idea, itutor daw ako ng anak ng isa pa niyang best friend si Mama Linds. At heto kami ngayon ng anak ni Mama Linds sa library.

"Jenna nakikinig ka ba?" Kinakamot na nito ang ulo sa pagkairita. Eh paano ako makaka pag concentrate eh yung dimples niya ang tinititigan ko.

"I don't think this will work Romano." Pangalumbaba ko sa mesa ng library. Tumingin tingin ito sa relo. Kapag ako ang kausap nito parati siyang nag mamadali, pero pag si Ate Corrine na anak din ng best friend ni Mommy, ay komportable pa itong kasama kaysa sarili nitong balat.

"You know what?, there's no chain in these chairs Romano, pwede kang umalis anytime." Kumunot ang noo nito.

"Hell right, you know what? that's exactly I'm gonna do." Tumayo siya at ibinalibag ang upuan. Such a short tempered brute!

"Dela Llana!" Nadinig kong saway ng librarian. Pero tuloy-tuloy ito sa pag alis.

Gravitational Pull (Completed)Where stories live. Discover now