Chapter 2

559 16 10
                                    

Nag prepare na ako, para sa huli kong klase, habang iniisip ko pa din ang mukha ni Romano, lalo itong kumisig sa cashmere shirt fitting jeans scarf at aviator's sun glasses. Namumula ang labi nito dala ng lamig ng panahon.

Para akong nasa bubble habang nag lalakad, iniisip ko kung paanong tinititigan palang niya ako ay nakakarinig na ako ng mga maliliit na bells sa paligid, kung paano ako nagwawala pag nakikita kong may kasama siyang ibang babae, kahit hindi naman kami, ang presensya palang niya ay na eerase na ang mga masasakit at malulungkot na alala ala na siya din ang nag dulot. Alam kong napaka unfair ng love.

Another flashback in 2009

"Get out of my way freak..."

Pinairapan ko ng mata ang isang freshman. How dare her na harangan ang dadaanan ko. Naalibadbaran ako na tinatambayan ang library, hindi naman ito park. Ang babaduy.

"Hi Jenna, samahan na kita." Pahabol na pag volunteer ni Dean, omigosh kung sa normal na circumstances, tinatarayan ko, ayuko ng kausap lalo na at nag babasa ako ng libro, but this is not an ordinary circumstance. He is so cute, nawawala ang mga mata nito pag nakangiti.

"Sure, what do you need to study ba?" Pinaartehan ko pa ang halata nang maarte kong boses.

"I need to study in trig, medyo nahirapan ako dun sa isang theorem." Echusero din pala to eh, alam naming pareho na hindi manlang siya pinagpapawisan sa math.

"Ahh.." Wala akong matinong e comment.

"Gusto mo sabay na nating pag aralan?" Pilit din niyang ginagaya ang OA ko na boses.

"Ha..ah eh kasi paparating na yung tutor ko, strict kasi yun." Ayuko ko sana siyang hindian pero wala akong choice. Besides ayukong malaman niya na bupol ako sa math.

"Asan? Ayaw mo lang yata akong kasama eh." Tinangka niyang pisilin ang pisngi ko pero may pumigil na isang brasong malaki.

"Halata naman eh. Go tsupi." At pinag tabuyan ng magaling na si Romano ang ultimate crush ko. Hindi na ako umimik, dagdag stress lang.

"What?!" Mainit na naman ang ulo siguro ay hindi naka score sa chicks.

"Inaano ba kita!?!" I ask him in an equal manner.

"You just raised your eyebrows, what does that signifies?" salubong ang kilay at tiim bagang nanaman si Emperor Simangot. Hindi ko siya sinagot tahimik akong naupo at binuklat ang libro ko. I hate this man.

Nasa kalagitnaan siya ng pag dediscuss ng napansin kong may humila sa kaibigan naming si Corrine. Mas lalong kumunot ang noo ni Emperor Simangot. At ayun kaya pala mainit ang ulo nag seselos siguro. Hmp makauwi na nga.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang walang anu-anu na tumayo ako at isa isang nag alsa balutan ng gamit. Pinigil niya ang isa kong braso. Mabilis kong tinanggal kasi may static na kuryenteng dala ang mga kamay niya sa braso ko.

"Home."'Alam kong iritang irita tong si Simangotilyo sa mga bitin kong mga sagot.

"No we're not done."

Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan na ibig sabihin, watch me. Isinukbit ko ang bag ko sa balikat saka itinulak ang sarili ko away from him.

"Hrgrrrr...." Tinitigan ko siya pataas pababa na ibig sabihin what are you doing?

"Did you hear that blood boiling? I know you do. I felt it in my belly." Sabay hampas ng tiyan niya. Na ginaya si North sa Guardians of the Galaxy ginaya pati ang boses nito na parang ganito, deed yuu heerrr dat blaad boieling. Hindi ko mapigilang napatawa. Napabunghalit na din siya ng tawa.

"Marasigan! Dela Llana! get out of my library." Napalakas pa lalo ang halakhak naming dalawa.

Lumabas kami ng library na hawak hawak ko ang tiyan ko. Hinika ako sa kakatawa sa kanya. I am glad he laughed. This is a rare occassion worth celebrating, the last time I see him laugh was when my pet boogy the lizard was eaten whole by the huge tarantula owned by Joseph na kababata ko at kapatid ni Corrine. Namnamin ang sandali dahil bukas sigurado akong iba nanaman ang pag aawayan namin.

On the way home he brought some gatorade and strawberry lollipop for me. Naka sanayan niya na bilhan ako ng lollipop ever since nasa fourth grade siya at kinder naman ako, madalas magkasabay kaming umuuwi galing school. Dahil kami ang magkakapit bahay mga isang kanto at limang bahay ang pagitan kina ate Corrine.

Gravitational Pull (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora