Chapter 11

256 11 2
                                    

May baong gitara si Shaun kaya nag ja-jamming kami sa rooftop, tinuturuan ko siya ng OPM music, uso daw ngayon yan.

"I love Filipino music, even though I don't understand the language, it has a distinct component that made everyone understood the emotion it conveys." Seryuso ang mukha nito balak ko pa siyang supalpalin kaso baka bawiin nito ang grasya. Kaya't tinikom ko nalang ang labi ko.

"How about you, how do you like French nusic?" Hindi ko alam baka kung dala lang ng wine and situasyon dahil ibang Shaun ang nakikita ko.

"I don't know, why don't you sing for me."  I was resting my head on hands signs of boredom. I would rather choose the Shaun that is playful and flirting than his serious side.

Kumanta nga ito at infairness malamig ang boses nito at magaling din siya sa gitara. Bago pa nakilala ng mga pinoy ang modernong musical instrument ay bihasa na ang mga Pranses sa mga gamit musika. Kayat hindi nakapagtatakang gamay niya ito. Subalit ang musika ay walang pinipiling lahi kaya naman mas bilib pa din ako sa Pinoy.

Pinuri ko ai Shaun at niyaya niya akong mag blend in daw kami. Nagustuhan ko ang aming munting concert at sa huli ay nag enjoy ako
Chill lang kami pareho. Hindi ko napansin na may labing limang miss calls na pala ako sa cellphone.

Sawa na kayo? e di throwback naman hehehe 2012.

Nasa eroplano ako at hindi mapakali. Sobrang excited kong maka punta sa Paris. Iniimagine ko ang magiging situasyon namin ni Romano. Magiging awkward muna kami, tapos mag aadjust, tapos aalasakahin ako, mag tatampo ako, aamuin niya ako and then we kiss, tapos may iba kaming pag aawayan, magbabati and then we made out. Magagalit siya sa akin susuyuin ko and then we kiss some more. Napahagikgik ako sa upuan ko at natitigan ng masama ng katabi kong babae. I can't even sleep. Nag basa na ako ng libro, nag laro ng candy crush, nag tooth brush, nag ngatngat ng kuko, nag drawing pero parang sinasadya ng mother nature na patagalin ang oras. Finally nung nakatulog ako 20 minutes nalang pala ay la-lapag na ang eroplano. Kayat mainit ang ulo ko nang makababa ako.
"Where's Roman?!" slightly paasik na tanong ko sa sunusundo.

"He's on a client meeting in Venice and hasn't been home for 3 days." A client meeting busy talaga sa pagpapayaman. Nag send nalang ako ng message na umuwi siya ngayon din. 
Pagdating ko sa condominium na inuupahan niya ay nakatulog agad ako sa sobrang pagod, gabi na ng magising ako, mag aalas nuwebe na. Tinawagan ko siya, kaya pala di nag re reply, out of coverage. Nasaan kaya siya?
Hinayaan ko nalang siya, niyaya ko nalang ang sarili kong mamasyal.

Inihatid ako ng taxi sa  Le Bon Marché,
Nag libot libot sa kahanga hangang arketektura ng mga Rues at nang napagod tumesting ng pagkain sa isang pamusong pasta deli, masarap ang lasa ng kamatis nila, matamis na natural.  Nag selfie, kumuha pa ng madaming pictures, nag papicture pa ako sa iba. Masaya naman ako, nasanay lang siguro na parating nag iisa.

Pag uwi ko nang bahay, nagka kalat ang mga damit, sapatos cellphone at portfolios sa kahit saang bahagi ng bahay. Mga pinamiling chinese food sa counter table at ang laptop naka buyangyang sa kitchen counter. I found him lying on a couch half naked. Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong malisya sa kanya dati, hindi naman kasing define ang abs nito dati, Malaki lang ang braso niya noon pero walang muscles pero ngayon na te-tempt akong hawakan. Ang pagtaas baba ng hininga niya ang nagpapa alala sa mga halik namin. Kahit medyo mababa ang temperatura ng Parisian nights ay naramdaman kong pinagpapawisan ako.

Kung sa malayo parang hindi na siya si Romano, pero alam na alam ko ang mannerisms, pati pag hilik niya. Inayos ko nalang muna ang mga kalat, ininit ko ang pagkain niya ay saka ko siya ginising.

"Hi there sleeping beauty, rise and shine!" Biro kong pang gigising sa kanya kahit hating gabi na.

Hindi siya sumagot, nginitian niya ako ng pagkatamis tamis at hinila,  napasobsob ako sa katawan niya. Hala..uminit ang buong katawan ko, parang hinihipan ang batok ko na ewan. Ipinikit niya ulit ang mga mata tapos niyakap niya ako ng mahigpit and snored at my neck. Magaling-magaling.

Hindi ko namalayang nakatulog na din ako, pag gising ko wala na siya at nag iwan nalang ng note sa coffee table.

'Hon, I know your tired you should get some more sleep, pick you up for dinner tonight at 7:30.'

Napangiti ako, a dinner date, nag iimagine ako ng romantic setup.

Gravitational Pull (Completed)Where stories live. Discover now