Chapter 13

224 10 6
                                    

"I'll make you fall back to me and this time..." Hinawakan niya ang kamay ko hinas himas ang likod. I saw his face at konti na lang mahuhulog na ang tubig na kanina pa naka stock sa eyelids niya.

"..this time I won't chase other kids away." Dinala niya ang kamay ko sa bibig niya.

I am still standing on the same ground kahit matagal na siyang naka alis. hindi ko alam ang dapat kung e react. Luluhod ba ako at mag lupasay sa kaiiyak like in the movies? I swear I feel like it kung hindi lang baduy. Or sumandal sa dingding at unti unting dumadausdos pababa sa sahig habang nag ngunguyngoy sa iyak.

Instead I went to bed and tried pushing back my tears to my tearducts kagaya nung ginagawa ni Romano kanina, I don't want my life as sad and stressful as tv drama series. Bagay lang yang heavy emote emote na yan sa mga nawawalang anak ng Haciendero at katulong. Sumakit ang ulo ko sa kakapigil ng iyak at napuyat, late na nang nagising ako kinabukasan.

"D&Associates Manufacturing." I read out loud. Hmmm anu kaya ang pinag manufacture ng bago kong pinag ta-trabahoan? at kaanu anu kaya nina Shaun ang may ari.

May gallery sila ng product sa ground floor, mukhang familiar ang mga designs. Hindi ko pinag tuunan ng pansin dere derecho ako sa HR. Inorient ako ng fifteen minutes saka dinala sa taas. Ipinakilala sa mga nag tatrabaho din at sa mga heads ng companya.

Ang boss ko ay Mestisang Pinay at French, napakaganda nito, mga dalawang taon lang ang tanda sa akin, at siya daw ang gumagawa ng mga naka display doon, may kapartner din daw siyang pinoy na siyang nag de design ng mga gamit sa baba.

Bookkeeper ang position ko, hindi naman mahirap dahil may system na ginagamit ang companya, yun nga lang maramihan. Pero carry lang, kayang kaya.

Nalipasan ako gutom at dire direcho na akong bumaba ng building para dederecho na ako sa school. Sa peripheral vision ko parang nakita lo si Romano. Pero umalis din kaagad kaya hinayaan ko na. Sa tingin ko siya ang kapartner ni Helēna sa business na ito. Huwag naman sana, kung imposebleng burahin ang kaugnayan namin sa isat isa dahil na din sa pamilya, kahit konte sana ay mabawas bawasan.

Sa university na pinapasukan namin mukhang auditorium ang classrooms, hindi tulad aa Pilipinas na seat desks ang upuan, dito parang bleachers. Five minutes nang late ang instructor namin. Buti naman dahil hindi ko nadala ang portfolio ko.

Ang buong akala namin ay hindi na talaga dadating ang prof pero after five minutes dumating siya at may kasama.

"Every one meet Romano Dela Llana our new, holographic design instructor." Dumaan lang sa mata ko ang paningin ng Prof namin.

"We will be giving you instructions alrenately from now on." Instructor, hologram, Romano, parang gusto ko yatang mag may I go out at maglupasay.

Down the memory lane para my variety.

"Open the door Polaris."  Halos binabalya na ni Romano ang pinto. Gising ako pero di ko siya binuksan, umabot ng sampung minuto ang pagtawag niya and then he gave up baka sa sala nalang siya natulog. Sinilip ko siya after 30 minutes walang tao. Umalis na naman siya Damn it! Nakalagay na sa bowl yung kare-kare at nahugasan na din ang kaldero. Tatlong araw ko na naman siyang hindi nakita, ni text ni tawag wala. Malakas ang kutob ko na nawala ang dating pagtingin ni Romano, puppy love baka yun lang talaga ang meron. Adorable naman talaga kasi ang tuta pero pag aso na taken for granted.

After kong mag enroll nag hanap agad ako ng trabaho, ayukong umasa sa gastusin sa mga magulang ko, hindibtama na pilitin ko silang gumastos sa kagustuhan kong makasunod kay Romano at lalong lalo na hindi pwedeng umasa sa Fungus na iyon, paanu kung hindi kami magkakatuluyan magkaroon pa ako ng utang na loob.

Nagka paltos ako sa kakaikot ko sa buong Quartier des affaires at namamaga ang paa ko nang dumating sa apartment. Nakaparada ang sasakyan ni Romano, ang ibig sabihin nandiyan siya. Mabilis akong umakyat at baka maabutan ko. Pero walang tao sa apartment kaya nadismaya ako.

Nang naghanap ako ng maipang tanggal sa hapdi ng paltos ko sa paa, wala akong may nakita sa loob ng apartment kaya lalabas nalang ulit sana ako para bumili sa drug store. Bukas ang pintuan ng kabilang apartment at ang ingay ng sounds niya, parang nag ra-rap pero in french, hahayaan ko na sana pero may dumaan sa mata ko na dalawang taong naghahalikan, ang babae naka hubot hubad na nakapangunyapit sa lalaki na walang saplot pang itaas. Umiling iling ako. Napaka promiscuous pala ng mga French. Pero nung isinandal nung guy ang babae sa makipot na hallway ng kabilang apartment na recognize konyung guy. Nanlaki ang mata ko hindi sa gulat kundi sa hindi makapaniwala.

Tumakbo ako pabalik sa apartment nakalimutan ko nang tuluyan ang pakay ko. Hindi ako nagkamali sa hinala ko, may iba nang gusto si Romano. Kailangan ko nang mag move on.

Huminga ako ng malalim at binaon ko sa kailaliman ng puso ko ang selos at galit. Ngayong nandito ako, ipinapangako ko na gagawin ko muna ang lahat bago igive up, kung talagang wala na saka nalang ako mag vo-voluntary exit.

May nabuo akong plano, trust me my plans were hilariously effective, just like a love poition in a bottle of gatorade. Pero sisiguraduhin ko this time it's going to be more than just a love potion.

Gravitational Pull (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon