Chapter 1

29.3K 586 544
                                    


Chapter 1: Going Back

Minulat ko ang aking mata at walang ganang tumitig sa kisame ng kwarto ko. Its still 3 am in the morning. Pero naaalimpungotan ako. Something is keeping me up. Kahit anong pilit kong bumalik sa pagtulog.

Pumikit ulit ako at pinakiramdaman ang paligid. Its quiet as hell. But then...

'Aaaaaaahhhhhhh!'

Napaupo ako bigla sa aking kama. Mahina lang yun pero dinig na dinig ko pa rin. Siguro dahil masyado ng tahimik ang paligid and to the point na madaling araw na.

I put on my coat at lumabas sa silid ko. Sinundan ko lang yung boses na narinig ko kanina. Habang papalapit ako, nakarinig ako ng pagkabasag ng mga gamit. Tila ba nagwawala ito.

Dinala ako sa ingay na yun sa West Wing? Parte ito ng bahay na ipinagbabawal ni Papa na puntahan. Maski ang mga tagalinis ng bahay ay bawal dito.

Ano ba talaga ang tinatago ni Papa dito?

Natigil ako ng nasa harapan na ako ng pinto kung saan nanggaling ang ingay. I felt uneasy. Hindi ko inisip ang kaba na naramdaman ko. Hinawakan ko ang knob at pinihit ito. Not locked? Akmang bubuksan ko ito ng marinig ko ang boses ni Papa.

"What are you doing here? I already told you that this place is off limits." Bakas ang galit sa boses niya. "Go back to your room."

I composed myself. Inayos ko ang buhok ko at walang sabi'y umalis. Masyadong halata na may tinatago siya roon. A girl maybe. Pero bakit siya nagwawala. A prisoner? The hell I care.

Pero iba ang kutob ko eh. Something's not right.

•×•×•×

Nagising ako kinabukasan dahil sa gutom. Bumangon ako at inayos kung ano man ang makita gulo sa kwarto. Everything should be in order. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako.

Its already 10 in the morning. Nadatnan ko pa si Lhiyannah na kumakain. I didn't bother to greet her. I'm not that kind of person. Umupo nalang ako sa harap niya at nagpa serve ng makakain.

"Hi sissy! " tinutok ko sakanya ang tinidor ng hindi man man siya tinignan. Its a sign na h'wag na siyang dumaldal. Hindi na siya nagsalita after nun kaya nagpatuloy akong kumain.

So peacefu--

"May pinapasabi pala si Dad." Tumigil siya sa pagsasalita kaya napatingin ako sakanya. Tungkol ba to sa nangyari kagabi? Tsk! "May sasabihin daw siya mamaya. Importante daw yun kaya dapat makinig tayo." Napairap ako sa pancake na nasa harap ko. Can this day get any worse?

Hindi ko sinagot o binalingan man lang ng tingin si Lhiyannah. Tahimik kong tinapos ang pagkain ko. Akmang tatayo na sana ako ng dumating bigla si Papa. Sinenyasan niya akong umupo ulit na sinunod ko naman. Padabog akong umupo na pinagtaka ni Lhiyannah.

"What?" Tinaasan ko siya ng kilay na ikinalunok ng kinain niya.

"Don't scare your sister Lhissanah." Iniinis niya ba ako? Wala naman akong ginagawa ah. Pinili ko nalang na h'wag siyang sagutin. Umupo si Papa sa pwesto niya at humarap sa aming dalawa ni Lhiyannah.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now