Chapter 6

12.6K 329 7
                                    

Chapter 6: Finally Complete

"Because.. I care.. baka mag-alala si Cedric sayo. He's depressed right now at kapag nalaman niya ito at pinabayaan lang kita ay baka magalit siya...saakin."

•×•×•×•

Salubong ang aking kilay habang nakatingin sa daplis ko sa braso na ginagamot ni Yannah. Simula nung nakauwi ako at nakita ni Yannah ang dumudugo kong braso ay walang preno ang kakasermon niya sa akin.

"Bakit kasi hindi mo hinabol yung lalaking yun. Baka siya na yung nagpapadala ng threats! Sana sinikmuraan mo para hindi na makalakad. Ang tanga mo rin eh no? Ayun na yun eh, nasa gilid mo lang! Tapos nakawala pa!" Tss!

Kung makasermon, parang mas concern pa siya sa mystery guy na yun.

"Oh eh, ano naman ang nangyari sa pag-uusap niyo ni Cedric? Ayos na ba kayo?" Talak siya ng talak habang nililinis yung sugat ko sa braso. Hindi naman gaano kalaki ang sugat ko pero halata ang hiwa nito.

"He just apologized. Bakit naman kami magiging maayos? Hindi naman kami nag-away in the first place?" Tumango nalang si Yannah. Napansin yata niya na ayaw ko ng pag-usapan iyon.

Tahimik lang siya habang nilalagyan ng bandage ang sugat ko. This is the second time na nakasalamuha ko ang lalaking iyon. But this time, hindi niya na ako pinagmasdan. Kailangan ko ng mas maging maingat. Kasi hindi ko pa kilala ang kaaway ko, baka isa pala siya sa mga umaaligid at nagpapanggap na kaibigan o.classmate ko. At Baka sa susunod ay babarilin niya na ako.

Pagkatapos niyang maglagay ng bandage sa akin ay niligpit niya ang mga ginamit niya at walang imik na lumabas sa kwarto ko. Yannah always understands my situation. Palagi niya akong iniintindi kapag wala ako sa mood. Kapag may problema ako. Hindi rin siya nakikialam sa mga pinaggagawa ko. Mag-aantay lang siyang mag-open up ako sakanya. That why I love her.

Kahit baliw siya.

Sumapit ang gabi na nasa loob lang ako ng kwarto ko. Thinking some possible reasons kung bakit
ako ang pinaglalaruan ng kaaway siguro ng Mafia. 'Is it because I'm the heiress?'

If that's their reason. Nagkamali sila ng binangga.

Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pinto. "Sis! Andito na di Ophelia!" Sigaw niya sa labas ng pintuan. Huminga ako ng malalim at pinakawalan ito.

"Okay."

Inayos ko ang aking sarili at lumabas sa aking silid. Ngayong nandito na si Ophelia, dalawang baliw na ang babantayan ko. May pagka bitch yun at mahilig sa gwapo.

'Kahit di naman kagandahan.'

"LHISSANAH!!!!!!!!"

Parang lumindol ata bigla. O talagang nayanig lang ang utak ko sa sigaw ni Ophelia. Nakangiti niya akong sinalubong sa grand staircase. Niyakap niya ako na parang ilang taong hindi nagkita.
"Na miss talaga kita! Ghad! Nagbago ata itsura mo. Blooming ka yata. May nanliligaw ba sayo?!" Nanliit ang kanyang matang nakatingin sa akin.

"Hello Ophelia." Walang gana kong sabi at pumuntang kitchen.

Sanay na siya sa ugali kong ito. Kapag bored ako mahahalata mo talaga sa kilos at pananalita ko na wala akong gana.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now