Chapter 12

9.4K 251 15
                                    

Chapter 12: Cabbage

LHISSANAH

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatayo sa labas ng University. Nasa harap mismo ako ng gate at nagdadalawang isip kung papasok ba. Pinagtitinginan na ako sa mga estudyanteng papasok narin sa loob. Para akong tagal bukid na ignorante sa malaking gate.

Bumuntong hininga ako at nagbaba ng tingin. Simula nung nangyari kagabi ay hindi ako umiimik sa bahay. Kaya naman maaga akong pumasok para hindi ko makasabay sina Yannah. Hindi ako galit sa kanya. Its just that, naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang naramdaman na mangyayaring ganito. At ang malala pa ay ako mismo ang target. Tsk! Tinagurian pa naman ang Queen ngunit sa ganitong ka liit na pangyayari ay hindi ko man lang naagapan.

"Tinutubuan ka na ng ugat diyan sa tinatayuan mo." Nag-angat ako ng tingin pero 'di ko maaninag 'yong mukha niya kasi nasa likod niya ang araw. Kumunot ang noo ko ng masilawan ang mata ko kaya mas lalo akong nahirapan.

"Who are you?"

Hindi ko kilala ang lalaking 'to. Kahit hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko. At kakaiba ang presensiya niya, parang bago sa paningin ko.

"I'm Zyle. Your destiny." Aniya at napaamang ako.

Bigla siyang humalakhak dahilan upang pagtinginan kami ng mga taong dumaraan. Taka akong napatitig sa kabuuan niya. Mukha siyang mayaman dahil sa ayos niya. Pumupula ang kanyang buhok kapag naaarawan at may hikaw siya sa tenga. The typical badboy look huh?

"Papasok na ako." Tinuro ko ang gate ng X.U. na nasa harap lang namin.

"Okay then. See you around, bye!" Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Bago pa man maka alis ay nauna na akong naglakad papasok sa University.

Marami-rami na ang mga estudyante na naglalakad sa Campus. Kadalasan ay nasa field tumatambay ang iba. May mga nasa bench at yung iba ay naglalakad lang. Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom. Siyempre may mga nakakakilala sa pagmumukha ko kaya tumitingin sila sa akin. Pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang usap-usapan tungkol sa nangyari noong Halloween Party.

"Hi Friend!" Imbes na magulat ay kumunot ang noo ko ng tumambad sa akin ang pagmumukha ni Shannah.

Malaki ang kanyang ngiti at kumikinang ang mga mata. "Anong kailangan mo?" Ngumuso siya.

"Grabe ka, kailangan agad? 'Di ba pwedeng bumabati lang?"

"Okay."

"Yun lang?"

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" Tiim bagang kong tanong sa kanya. Madali akong naiinis sa mga makukulit na tao.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now