Chapter 45

4.7K 121 20
                                    

A/n: TaehyungBlack this is for you.
Enjoy reading~

Chapter 45: Athena and Athelia

LHISSANAH'S POV

"Anong--" hindi natuloy ang sasabihin sana ni Lhiyanah. Lumingon sa amin ang babaeng kamukha ni Mommy.

Kumunot ang noo niya at napalitan ng takot ang kanyang maamong mukha.

"Help-p... Pleaseeee.." napakurap ako ng may tumulong luha sa mata niya.

Kung hindi ko lang talaga alam kung nasaan si Mommy ngayon ay aakalain kong siya itong babaeng 'to. She's so thin at halatang hindi naaarawan.

"What..?"  bumaling siya sa akin.

"Who are you?" tanong ko sa kanya.

"A-Athena.." sinubukan niyang tumayo ngunit nanghihina ang katawan niya. Mahina akong umiling.

"No. You are not Athena." matigas na sabi ni Lhiyanah. Nagulat ako sa inasta niya.

Nakapagtataka ang itsura niya.

"Wala namang kambal si Mommy at kung meron man at ikaw 'yon, bakit parehas kayo ng pangalan?"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay ganon parin ang itsura niya. Parang hindi niya kami naiintindihan.

"Help me.." her voice cracked. Ilang beses pa niyang inulit ang linyang iyan habang nakatingin sa amin.

"Sh*t! Who the hell is she!? Bakit kamukha at kapangalan niya si Mommy?" bahagyang lumapit si Ophelia sa kinatatayuan ng babae.

Nagkatinginan kami ni Lhiyanah. Nakakunot ang noo niya. She's frustrated at alam kong madami siyang gustong sabihin.

"Athe--" sabay kaming napalingon sa nagmamay-ari ng boses. Dahil nasa may pintuan pa kami ni Lhiyanah, mabilis kaming napalingon sa likuran namin.

A middle aged woman in her nurse uniform. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa amin. Sunod niyang tinignan yung 'Athena' na sa tingin ko ay ang itatawag niya sana kanina.

So, ibig sabihin Athena talaga ang pangalan niya? Nagkatinginan kami ni Lhiyanah.

Tumunog ulit ang kadena kaya napalingon kami kay Athena. She looked scared while looking at the nurse.

"No...No.....No...." puno kami ng pagtataka sa inasta ni Athena.

"Is she crazy?" pormal na tanong ni Ophelia sa nurse. Mukhang nagulat ang nurse kay Ophelia.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now