Chapter 25

6.6K 199 10
                                    

A/n: VeahRoseCeliz this is for you. Thank you for reading! Enjoy~


Chapter 25: Cedric

LHISSANAH'S POV

Pinagtitinginan ako ng mga taong nakasakay ng jeep dahil ako lang yata ang naglalakad dito sa gilid ng kalsada. Highway na kasi ito kaya obviously, nakasakay ang lahat--except for me.

At isama niyo pa ang suot ko.

Napairap ako sa kanila. Kaya hindi umuunlad ang bansang 'to, masyadong chismosa ang mga tao. Why don't they just mind their own business!

Ilang lakad pa ang ginawa ko hanggang sa medyo tahimik at wala na akong sasakyang nakita. Medyo madilim-dilim din sa parteng ito.

Shit! I'm lost!

Lumingon ako sa likod ko-wala din akong makita. May mga bahay naman pero malalaki at malaya ang distansya sa bawat isa.

Napahawak ako sa kahoy na nasa gilid ko ng sumakit na naman ang ulo ko.

"F*ck! Not this time please."

Napapikit ako dahil kakaiba ang sakit nito ngayon. Yung parang pinipiga ang ulo ko.

Nakatayo ako sa isang gilid-nagtatago-nakikinig sa dalawang lalaki na nag-uusap. Sinilip ko sila pero blurred yung mga mukha nila.

"Bakit mo ba ginagawa 'to?!"

"Wala ka na dun! Kung ano man ang ginawa ko ay para din iyon sa akin!"

Napailing ang isang lalaki at umalis na. Napaatras ako ng humarap ang isang lalaki sa akin. Hindi ko maaninag yung mukha niya pero kitang-kita ko ang ngisi niya.

Umiling-iling ako. Tumingin ako sa kamay kong nakahawak sa kahoy. Naging dalawa ang paningin ko at nahihilo ako.

Naiharang ko ang kamay ko sa mukha ko ng may kotseng huminto sa harap ko. Nasisilaw ako sa ilaw nito. May bumabang tao sa kotse. Pinilit kong aninagin kung sino yun pero nahihirapan ako dahil dumodoble siya.

Bago pa man ako ma-out of balance ay tumakbo siya palapit sa akin.

***

Napabangon ako sa gulat. Hindi familiar sa akin ang kwartong tinulugan ko. Iginala ko ang mata ko sa paligid. Masayadong formal ang interior design ng kwarto kaya sigurado ako na mayaman ang kung sino man ang may-ari nito.

  Binaba ko ang comforter na nakapatong sa katawan ko. Ganun pa rin ang suot ko.

Kalmado akong tumayo at lumabas ng kwarto. Walang nakabantay sa akin o nakaabang sa pinto kaya paniguradong hindi ako hostage or something.

But this house is somewhat, familiar to me. Parang nakapunta na ako dito pero hindi ko lang maalala kung kailan at sino ang may-ari nito.

Diretso akong bumaba sa hagdan at naglakad patungo sa pintuan. Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay may nagsalita sa likod ko.

"You're not yet okay Lhissanah. Dito ka muna, ihahatid na lang kita mamaya. Okay?"

Napalingon ako kay Cedric.

Yes, si Cedric. Prente siyang nakaupo sa dining table habang nagbabasa ng magazine.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay naglakad ako palapit sa table at umupo. Walang imik akong kumuha ng pagkain. Hindi ko pinansin ang pagkatitig ni Cedric sa akin.

"Let's have breakfast!" sarcastic niyang sabi. Inirapan ko lang siya at kumain na. Nakatitig lang siya sa akin habang kumakain ako. And I don't mind. Kung akala niya maiilang ako-well sorry na lang sa kanya.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now